Sabay kaming napalingon ni Meg sa likod namin. That's when we saw Jessica with her right hand on her tummy. It's obvious that she's pregnant. Medyo malaki na ang kaniyang tiyan.
Hinintay namin siyang makalapit sa amin.
"What are you doing here, Jessica? You should rest, okay? Baka makasama sa 'yo ang paglabas sa ganitong oras."
It's almost five in the afternoon. And yes, Meg was right, baka makasama sa kaniya ang ganito.
Tinawanan lamang siya ni Jessica. "Ano ka ba, Meg? Hindi naman, four months pa lang naman itong baby namin."
Tumango lamang si Meg. "Oo nga pala! I wasn't able to congratulate you! So, congratulations!" tuwang-tuwang aniya.
"Sino nga palang daddy niya? Kailan ang anak mo? Excited na ako!"
Ang mukha niya ay talagang natutuwa. Napatingin ako kay Jessica. She's looking at me, too, but she averted her gaze.
"Hindi ba nasabi sa 'yo ni Trishtan?"
Nangunot ang noo ni Meg, kahit ako. "Bakit? Nagkausap ba kayo ni Trish para malaman niya?"
Umiling si Jessica. "Hindi. I mean, hindi ba niya nasabi sa 'yo na siya ang ama ng dindala ko?"
And now I am doom! My secret has been revealed in time I never expected it to be revealed.
My heartbeat accelerated. Wala namang karera pero parang may nangangabayo. Walang lyre band pero parang may base drum sa loob ng dibdib ko. Nakatatakot na baka sa sobrang daming nangyayari sa internal organ ko ay bigla na lang iyong sumabog.
I am not ready. No— I will never be ready.
Naging mabagal sa paningin ko ang pagtingin sa akin ni Jessica.
Shock was filled in her face but it was slowly being replaced by sadness.
"M-Meg."
"Totoo ba ang sinabi niya?" Halos pumiyok siya nang sabihin iyon.
The hell! Nagsimulang magtubig ang mata ko.
I remembered the time when she told me that she talked with her bestfreind, Jessica. I didn't know what to react at that time so I ended up being sweet to her. I acted like nothing is up between me and her bestfriend.
I did not answer. I extended my right hand to reach her hand but she refused.
"Answer me, Trishtan!" She called me by my name again. She's now mad yet hurt. "Totoo ba?"
Ang pangingilid ng luha niya ay kitang-kita. Kaunti na lamang at papatak na ang mga iyon. She bit her lip. I am, too.
I looked at Jessica who do not know what to do. She's just looking at us. My hands turned into a fist.
"What the hell did you just do, Jessica?"
Nagulat siya sa pagsigaw ko. Pero wala na akong magawa. Halo-halo na ang nararamdaman ko.
"What, Trishtan? What do you think I am supposed to say, huh? Do you want me to lie?"
Nasapo ko ang aking ulo. I looked up above. Nangangatal na ang labi ko.
Kay Meg na ako nakatingin pagbaba ko ng paningin ko. Again, I tried to hold her hands but she still refused.
"M-Meg."
I can't do anything but utter her name. I don't know what to say and I don't know what should I possibly do.
Para akong malalagutan ng hininga. Fuck this! Ano ba kasi itong nagawa ko! Hindi ko naman sinasadya ang nangyaring iyon.
Our eyes met. Her eyes are shouting its sadness. The deep ocean of pain could be seen. Maitim ang mata niya pero kumikinang na ito dahil sa puting likido na namumuo sa loob nito."Kitang-kita ko na ang panlolokong ginagawa mo pero tatanungin pa rin kita para maniwala ako, Trishtan. Are you. . . the father of the child she's carrying?"
Dahan-dahan akong tumango kasabay ng paglipad ng palad niya papunta sa pisngi ko. Sa lakas noon ay tumalsik ang namumuo ko nang luha kanina pa.
Sobrang lakas pero alam kong mas masakit ang nararamdaman niya ngayon. The physical pain I get can't shoulder the pain she has right now.
Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa puwesto ko.
Nagbaba ako ng tingin. I can't look at her swollen eyes anymore. I just can't.
Kinakain na ako ng konsensiya ko. Ang bawat pagpintig ng puso ko ay halos mabilang ko dahil sa lakas ng tibok.
Pakiramdam ko ay iiwan niya na ako.
Pinalakas ko ang loob ko. I looked at her. Kahit ayaw niya ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at saka ako lumuhod.
"Please let me explain, Meg."
Tanging pag-iling lamang kasabay ng pagluha ang kaniyang nagawa. Sabagay, kahit ano nga namang paliwanag ko ay gano'n pa rin ang nangyari. Hindi na maibabalik ang nangyari na; nagtaksil pa rin ako. . . pero hindi ko iyon sinasadya.
Five months ago. Elmer had his birthday party at his house. Meg wasn't present because she had to come with her parents for their business meeting. I don't know what she needed to do at the meeting but she had to go with them.
She wasn't present but Jessica was. That time, we are dared to stay in one room. We were both drunk so without thinking, we agreed.
That's when we couldn't stop ourselves. I made out with her because, at that time, I think that she was Meg. I wasn't thinking right. I've done something that made my life a living tragedy.
"At first, I thought that I can forgive you once you tell me about this."
Bumalik ako sa huwisyo nang muli siyang magsalita.
"But I can't, Trishtan. I can't forgive you because you fooled me. Pinagmukha mo akong tanga. Pinaikot mo ako sa palad mo nang parang laruan. Sana pala ay hindi na lang ako nakipagbalikan sa 'yo dahil mas lalo lang akong nasaktan dahil sa nalaman ko."
Ang pangangatal ng labi niya ay mas naging kitang-kita. Ang pagluha naman ng mata niya ay hindi tumitigil. Ayoko na. Ayoko nang makitang nasasaktan siya pero tangina. Wala akong karapatang sabihin ito dahil sa simula pa lang ay alam ko nang masasaktan siya pero nagawa ko pa ring itago sa kaniya.
I admit, wala talaga akong balak sabihin sa kaniya ang bagay na iyon.
Wala akong nagawa kundi ang lumuha. Naiisip ko pa lang ang pinagsamahan namin sa loob ng tatlo at kalahating taon ay nanghihinayang na ako dahil malamang ay tatapusin niya na ang mayroon kami ngayon.
"Please, Meg." My knees are still on the floor. "Don't break up with me," I gasped.
"L-Let me fix this." The hell! Naaawa na ako sa sarili ko pero mas dapat ko siyang kaawaan dahil sa mga pasakit na naranasan niya mula sa akin.
Naging mabilis ang paghinga niya. "Ikaw ang lakas ko, Trishtan. Alam mo 'yan. . . pero hindi ko alam na ikaw din pala ang magiging dahilan kung bakit sobra akong manghihina."
I caught her eyes. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi dahil sa pumatak na luha.
"Please, Meg," singhot ko. Ang likuran ng palad niya ay hinalikan ko; baka sakaling mapawi ang sakit na nararamdaman niya.
Ang susunod na sinabi niya ang gumuho ng mundo ko.
"I'm sorry, Trishtan, but I am breaking up with you, and please. . . don't ever show yourself. I don't want to see you anymore."
Saka niya tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay.
Balde-baldeng luha ang inilabas ng mata ko habang pinapanood ko siyang talikuran ako at maglakad papalayo.
Tinawag ko pa siya pero parang wala na siyang nariring. Wala na talagang pag-asa para sa amin.
Isang pagkakamali. . . habang buhay na pasakit ang kapalit. Fuck you, destiny!
BINABASA MO ANG
SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)
General FictionWARNING: R-18 Trishtan Turner, a volleyball varsity player who plays for his school is an absolute optimist. He's too obsessed with volleyball. He only wants to win to the point he didn't think about his body anymore. Not until a girl intruded his...