26

327 25 6
                                    

Hindi ako pinatulog ng pag-iisip. I am overthinking again. Thinking about the future, thinking about her, and thinking about how I should live my life now.

I don't know what to do. I don't know what I did in my past life for me to receive this kind of treatment. I don't deserve this, I swear.

Nakahiga lamang ako sa kama ko. Kung nakakasira lamang ang matagal na paninitig ay bumagsak na sa akin ang kisame ng condo. Hindi ko nga alam kung paano pa akong nakaligtas kanina sa biyahe dahil wala ako sa sarili habang nagmamaneho.

Gusto ko na lang mawala bigla sa mundo. My parents are busy. The love of my life left me hanging. I am now trash.

Early in the morning, I go up from the bed. Inasikaso ko ang aking sarili at saka naligo. Hindi na ako ulit kumain at saka dumiretso kina Meg.

Nakarating ako sa harapan ng bahay nila. Muli kong pinakiusapan ang kanilang gwardiya kahit pa ayaw niya akong sundin.

"Please," I begged. "I really need to talk to Meg. Just this one. Last na 'to, please."

Nakailang subok na ako panina pa pero kung ayaw niyang pumayag, mas magpupumilit ako.

Naiiling siyang malalim na napabuntong-hininga.

"Sige, pero kapag hindi talaga siya pumayag ay umuwi ka na."

Alam kong napilitin lamang siya dahil sa tono niya pero nabuhayan ako. Nagkaroon ako ng pag-asa.

"Maraming salamat," tango ko.

Pinanood ko siyang maglakad papaalis hanggang sa makapasok siya sa mansion.

Tumalikod na ako at sumandal sa kanilang gate. Nakatungo lamang ako. Nagugutom na naman ako dahil hindi na ako kumain simula kagabi. Wala na naman akong gana.

Ilang minuto pa nang maramdaman kong may naglalakad mula sa aking likod. Mabilis akong lumingon pero ang nakita ko lamang ay ang guard.

"Bababa na ba si Meg?" umaasang tanong ko.

Ngunit tanging iling lamang ang aking nakuhang sagot. Muling bumagsak ang balikat ko.

"Umuwi ka na raw, Trishtan. Hindi raw siya bababa kahit pa anong mangyari sa 'yo."

Kahit alam ko naman nang gano'n ang matatanggap ko ay hindi ko pa rin nagawang pigilan ang sariling masaktan.

"Mukhang uulan na, Trishtan, mas mabuting umuwi ka na lang," nag-aalalang aniya.

Pero bagsak ang balikat kong umiling. No, I will be waiting for her. Alam ko namang hindi niya rin ako matitiis. I'm hoping.

Shoulder down, I turned my back and walk. They have two gates. One is for a person and the other one is for a car. Meaning, one small gate and one big gate. Naupo ako sa tapat ng pumapagitan sa dalawang gate. Semento iyon na may berdeng pinta katulad ng dalawang gate.

Nag-indian sit ako; ang dalawa kong kamay ay nakasapo sa mukha ko. I'm on the verge of crying. It's very saddening that she doesn't want to see me for real.

Nanatili ako sa ganoong posisyon. Hindi ko namalayan ang oras.

Nasa gitna ako ng pagdadalamhati nang maramdaman kong may pumapatak nang tubig sa aking katawan.

I looked up to the sky. I smiled bitterly. I watched how the sky cries.

Tila gusto akong samahan ng kalangitan sa aking pag-iisa. Ang bawat pagpatak ng tubig ulan sa balat ko ay pinapaalala sa aking dapat lamang na magdusa ako dahil sa nagawa ko.

Ang lamig ng ulan pero mas malamig sa akin si Meg. Wala ring kuwentang manlamig ako kung wala namang yakap mula sa kaniya na magpapainit ng katawan ko pagkatapos.

Nakakasagad ang lungkot. Parang ang puso ko ay pinipira-piraso. Naiisip ko na lang na kapag may dumaang sasakyan ay magpapasagasa ako. . . pero hindi puwede. Hindi puwedeng sumuko na lang ako basta dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni Meg.

Siguro ay isang oras din ang lumipas bago pa tuluyang tumila ang ulan. Basang-basa ako. Ang bigat na ng pakiramdam ko dahil sa damit ko pero wala akong balak umalis sa puwesto ko.

Tumila na ang ulan. Mahigit kalahating oras pa akong nanatili sa aking puwesto. Kumukurap-kurap na ang mga mata ko dahil sa antok at lamig. Baka hindi na kayanin ng katawan ko at mag-collapse na ako. Napakahina ko talaga!

Mabigat na ang paghinga ko. Naririnig ko na ang pagkulo ng tiyan ko. The hell! Lahat na lang nakikisabay sa problema ko!

Nakatungo ako. Yakap-yakap ko ang aking sarili at naka-ub-ob sa tuhod ko.

"Tumayo ka diyan at bumalik ka na sa condo mo."

Mabilis pa sa cheetah ang naging pagtaas ng paningin ko sa nagsalita. Umusbong ang tuwa sa kaibuturan ko nang makita ko ang kaniyang mukha.

"M-Meg." Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo.

Nag-iwas siya ng tingin pero pinanatili ko sa mukha niya ang aking mga mata.

"Nilabas lang kita dahil nakokonsensya ako. Baka magkasakit ka pa tapos ako ang sisihin ng team n'yo kapag natalo kayo bukas kaya umuwi ka na."

Para akong pinompyang sa dibdib ko.

"K-Konsensiya na lang ba talaga, Meg?"

Hinarap niya at pinangunutan ng noo. Ang mata niya ay hindi na katulad ng dati na nagsusumigaw ng pagmamahal para sa akin.

"Konsensiya lang, Trishtan. Nothing more, nothing less."

Nangibot ang labi ko. "Hindi mo na ako mahal, Meg?" Gumaralgal ang boses ko. Pakiramdam ko ay mapapaos ako dahil wala pang naiinom na tubig mula pagkagising ko.

"Napalitan na ng galit at pagsisisi ang nararamdaman kong pagmamahal sa 'yo."

Nag-iwas siya ng tingin kaya hindi ko nabasa ang emosyon na mayroon siya nang sinabi niya iyon.

Sabagay. Dapat lang talagang magalit siya dahil sa nagawa ko. Pero sana naman ay hindi niya makalimutang mahal niya ako. Grabe, nakalilimutan pala ng isang tao na mahal nila ang nakapaligid sa kanila kapag nasasaktan sila.

Napatungo na lamang ako. Pinanuod kong tumulo sa sahig ang luha at tubig ulan na nagmumula sa buhok ko.

Nakikita ko ang repleksiyon ko mula sa tubig. Even though it isn't clear, I could say that it's sad. Alam ko naman sa sarili kong naghihikahos ako ngayon at naghahanap ng saya.

"Trishtan."

Nag-angat ako ng tingin. Kahit nanghihina ay nakipagtitigan ako sa kaniya.

Nakita kong tumaas ang mga kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang promise ring na ibinigay ko sa kaniya.

'Wag niya sabihing. . . ibabalik niya na sa akin iyon.

"W-What are you doing?" I asked but she never gave me attention. Lumapit siya sa akin pagkahugot ng singsing at saka kinuha ang palad ko.

Parang nakuryente ako dahil sa paglapat ng palad niya sa akin. Pero mahigit pa sa pagkuryente dahil sa sakit ang naramdaman ko nang ilagay niya roon ang singsing na ibinigay ko sa kaniya.

"I'm giving you back this ring, and I'll just pray that. . ." Pinutol niya ang kaniyang sasabihin at saka ako tiningnan sa mata. "If reincarnation is true, sana ay hindi mo maranasan ang panlolokong ginawa mo sa akin."

Saka niya isinarado ang palad ko kasabay ng pagsarado niya ng pinto niya para papasukin pa ako sa buhay niya.

"Huli nang pakiusap, Trishtan. Ayoko nang makita ang kahit na anino mo."

Nangatal na naman ang labi ko. Wala na akong mailuha dahil naubos na.

"Huling pakiusap din, Meg. Aasahan kita bukas sa laro ko. Kapag pumunta ka, binabalikan mo na ako pero kapag hindi. . . ayaw mo na sa akin at hindi mo na ako mapatatawad kahit kailan."

SPIKING THE PAIN (Varsity Series #1) (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon