PROLOGUE
"Dra,"bati nang nadadaanan ko.
Tumango ako saka marahang ngumiti. Hinawakan ko ang batok kong nangangalay saka marahang hinilot ito. Tinahak ko ang daan papunta sa locker room. Ang mga nadadaanan ko ay bumabati sakin at tanging ngiti lang naman ang naisukli ko.
Galing ako sa operasyon nang apat na oras. Isang sundalo ang inoperahan dahil sa tama ng baril sa kaniyang pusod.
Pagdating ko doon ay tinungo ko ang locker ko at kinuha ang selpon na nakapaloob. Nagbihis ako at sinuot ang lab gown saka pinusod ang buhok at hinayaan ang ilang maliliit na buhok na lumaylay. Dumaan muna ako sa vending machine para kumuha ng bote ng kape.
Pagpasok ko sa opisina ay umupo ako sa swivel chair at doon ibinuhos ang atensiyon. Habang nagbabasa ay napapansin ko ang ibang doctor, sa pamamagitan ng salaming pinto, na dumaan at mukhang may nakita ng artista dahil sa ekspresyon ng kanilang mga mukha na animo'y kinikilig.
Umiling nalang ako at hinayaan sila saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Hihigop na sana ako ng kape ng biglang bumukas ang pintoan at pumasok si Doc Kelly. Malapad ang ngiti at nagningning ang mga mata.
"I have a good news." panimula niya.
Ngumiwi ako at hindi na siya tinapunan ng tingin. Isa siya sa kasamahan ko rito na Doctor at sa rami ng Doctor dito ay dalawa lang silang matalik kong kaibigan, sa kanila lang ako komportable. Sa dalawa kong matalik na kaibigan ay siya ang taga dala ng balita sa akin, isa siyang chismosang doctor.
Inayos ko ang glasses ko sa aking ilong saka siya tiningnan, hindi parin nagbago ang hitsura niya. Nakatingin siya sa taas at mukhang nag iimagine. Kinuha ko ang glasses ko at inilapag sa mesa.
"Ano na namang nakalap mong chismis at mukhang ang saya saya mo."
"May gwapo doon." sabi niya at kinagat ang labi, nangunot ang noo ko saka bumuntong hininga.
"What's new?" tinaasan ko siya ng kilay. "Halos lahat naman ng lalake gwapo sa paningin mo."
"Hindi!! Isang sundalo, ang gwapo niya talaga. Binisita niya si Captain. Nandoon siya sa opisina ni Captain Smith."
Umiling nalang ako at humalukipkip na nagpanguso sa kaniya. Bumuga siya ng hangin at umikot ang mata.
"Fine! Ang gwapo nga niya,"
"Mas gwapo pa kay Captain Smith?" nginisihan ko siya.
Napalabi siya saka nilagay ang hintuturo sa baba na animo'y nag-iisip. Tumawa ako saka umiling. Si Doctora Kelly Marie Bonson ay may gusto kay Captain Sean Edzel Smith na hindi naman siya pinapansin.
"Mmmm. Syempre mas gwapo parin ang baby ko pero ka standard niya." tumango tango siya. "Mga ganung tipo rin."
"Yung mga tipong hindi ka pinapansin? Ayoko sa sundalo, I'm not like you." inikotan ko siya ng mata.
"Asus! Kung alam ko lang baka nga may pagtingin ka sa baby ko."
"Wala ah. Yes, inaamin ko na gwapo si Captain slash Doctor Smith pero hindi ko siya gusto. Siguro na-aatract lang ako sa mukhang taglay niya at sa ugali niya but not in a romantic way." paliwanag ko at tumango naman siya.
"Yeah, yeah, yeah, kilala kita. Kung hindi mo gusto ang isang bagay or should I say tao wala kang pake, ganun." umiling siya na kinibit balikat ko nalang. "How was the operation?"
"Successful." kinuha ko ang libro at tumayo.
"As expected." tumawa siya kaya nailing ako.
"Lumabas ka na magpapahinga ako." taboy ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Survivor (Military Series #1)
RomanceMilitary Series 1 | Completed No soldier outlives a second time. ___ Doctor Still Hesse Blair is a doctor in Broke Army Medical Hospital, one of the military health system in the Philippines. She works in...