CHAPTER 34
Hindi ko maiwasang tingnan sila ng may pag-aakusa. Ang tingin ko sa mukha ni Kelly na may pekeng ngiti patungo sa mukha ni Captain na gulat parin. Lumunok siya saka pekeng tumawa saka tumango at tumingin kay Maury na ngayon ay nakapikit na.
"Ang m-meron?" tanong ko at hindi naman nakaligtas sa akin ang sabay nilang pag-iling maliban kay Maury. "O-okay?"
"I have to go, I have important matter to attend to," paalam ni Captain at hindi na hinintay pa ang sagot, lumabas kaagad siya ngunit nasa likuran ako ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagmura niya sa kabila ng tela.
"Ang wierd niyo," sabi ko kay Kelly at tumawa naman siya saka umiling.
"Guni-guni mo lang yun," humagikhik pa siya saka lumapit sa kama. "Maury, hubad!"
Gulat akong napatingin sa kanila. Ang malamig na titig Maury ay nanuot nang magdilat siyaa ng mata. Kay Kelly kaagad iyon dumapo na kaagad namang tinarayan ni Kelly.
"Oh, sige! Kung ayaw mo, gamutin mo ang sugat mo mag-isa!" ayon na naman ang umalingawngaw na tinig ni Kelly sa paligid.
"Do I have to get my shirt off?" mataray na tanong ni Maury. "I can just tug it up."
"Oh eh di gawin mo na," masungit na sabi niya.
Pinanood ko lang silang magbangayan. Sa halip na huminahon ay sigaw ang ginawa nila. Sa bawat paglakas ng tono nila ay mapapangiwi nalang ako. Mukhang matagal na silang mahkakilala sa paraan ng pag-uusap nila.
Nakisilip din ako sa sugat nang palitan iyon ng bandage. Bawat galaw ng kamay ni Kelly ay sinusundan ko. Pag-angat ko ng tingin kay Maury ay natigilan ako nang makitang nakatingin na siya sakin. Nang maramdaman ang tibok ng dibdib ay nagbaba kaagad ako doon ng tingin.
"Ayos na!" sabi ni Kelly saka inayos ang gamit niya. Nang harapin niya ako ay tumaaas ang kilay niya. "Sasabay ka sakin?"
"Uhmm," napakurap ako. Bago pa man ako magsalita ay tinalikuran na ako ni Kelly.
"Wag kang masyadong magalaw dahil baka sa susunod matuluyan pa kita," sabi niya kay Maury na nagpangiwi dito. "Wag mo kong ngiwian hindi bagay sayo!"
"That's not how you treat your patient," sabi naman ni Maury. "Doc."
"Whatever!" inirapan siya nito. "Gusto ka raw makausap ni Hesse kaya maiiwan siya rito."
Nanlaki ang mata ko at bago pa ako umiling at magsalita ay inunahan na niya ako.
"Hihintayin kita sa labas," aniya saka kami iniwan.
Napatanga nalang ako sa ginawa niya at sinundan ng tingin ang maarte niyang pag-alis. Nang pumasok sa isip ko ang nangyari ay doon lang ako nagbaba ng tingin kay Maury na nakahiga.
"You wanna talk to me?" tanong niya kaya napalunok ako at hindi alam kung anong isasagot. "What are we gonna talk about?"
"Uhm," tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin. "Are you o-okay na?"
"As you can see buhay pa naman ako so I think I'm still okay," ngumisi siya kaya tumikhim ulit ako at unti-unting tumango. "Yan lang ang itatanong mo sakin?"
"Oo, ano pa ba?"
"Like stuff," tumaas ang kilay niya at mas sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Stuff?" hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Para akong tuod na nakatingin lang sa kaniya.
"My feelings for you," aniya kaya nangunot ang noo ko.
"Huh?"
"I wanna prove my feelings for you," pumikit siya at umayos ng higa. "You gave me a chance to prove mu feelings to you, right?"
BINABASA MO ANG
Survivor (Military Series #1)
RomanceMilitary Series 1 | Completed No soldier outlives a second time. ___ Doctor Still Hesse Blair is a doctor in Broke Army Medical Hospital, one of the military health system in the Philippines. She works in...