CHAPTER 10

1.6K 39 3
                                    

CHAPTER 10

Sa nagdaang dalawang araw ay palagi akong busy sa trabaho. Ni minsan na nga lang ako kung lumabas. Itinuon ko ang buong oras sa trabaho at kapag libreng oras naman ay natutulog ako para makabawi ng lakas.

"Kailangan ba talagang ganito?" tanong ko kay Kelly habang nakatingin sa salamin.

"Oo naman no." aniya habang inaayos ang stiletto na suot.

Ngumuso naman ako sa salamin bago pinasadahan ulit ng tingin ang kabuoan ko.

Nakasuot ako ng dress. Kulay itim iyon na may kaunting glitters na nakakalat kaya kumikinang iyon. Malalim ang collar at kita ang gilid. Above the knee iyon at may kaunting slit, pinarisan ko iyon ng black stiletto rin.

"Masyado naman itong revealing." sabi ko saka inayos iyon.

"Duh? Kung revealing yan ano pa kayang tawag sa suot ko?" umikot ang mata niya.

Tiningnan ko ang kabuoan niya. Kung mababa ang dress ko ay mas mababa ang kaniya. Kita ang buong likod niya at dumeretso iyon sa isang tagiliran niya. Kumuha siya ng blazer at isinuot iyon. Ganoon din ang ginawa ko saka kinuha ang pouch.

"Saan ba kasi tayo?" tanong ko. Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi man lang niya ako sinagot.

"Sa Appetite," aniya kaya napakunot ang noo ko saka napaisip.

"Anong gagawin natin don?"

"Manghuli ng chicks." aniya saka tumawa. Natigilan naman ako saka napatitig sa kaniya kaya ngumiwi siya.

"Masyado ka namang seryoso." aniya saka tumikhim.

Umiling nalang ako saka lumabi. Kotse niya ang gamit namin dahil sabi niya. Gustuhin ko man pero pinili ko nalang na isang kotse lang ang dadalhin dahil baka malasing siya kaya ako nalang ang magmamaneho mamaya pauwi.

Habang nasa byahe ay panay ang hum niya at mukhang sayang saya siya. Hinayaan ko nalang siya at pinanood nalang ang city lights. Nang makarating kami sa sinasabi nyang Appetite ay napangiwi nalang ako at umiling nang mapansin na bar pala iyon.

Sa kinaroroonan palang namin ay dinig na ang musika na galing sa loob at may iilang tao rin na palabas at papasok. Napatingin ako sa kaniya nang hinawakan niya ang suot kong blazer.

"Get this thing off." aniya kaya natigilan ako at napatingin sa suot niya. Wala na siyang suot na blazer.

"What?" naguguluhang tanong ko.

Ngumiti lang siya saka tinulungan akong tanggalin ang blazer sa balikat ko saka niya iyon pabato na nilagay sa backseat.

Nang makapasok kami ay napangiwi ako sa lakas ng tugtog at sa mga taong magulo na nagsasayaw. Ibang iba ang lugar na ito sa pinuntahan namin ni Hans noon. Ang mga tao sa bar na ito ay mas wild, hindi mapirmi.

Hawak ni Kelly ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa couch. Noong una ay wala lang sa akin pero kalaunan ay napatigil ako nang mamataan ko si Captain na nakapandikwatro sa upuan at may hawak na glass sa kamay.

Ngumiti siya sa akin nang nakita niya ako saka kami senenyasan na lumapit kaya panay ang tili nang kasama ko.

"Wooahh!" sigaw ng mga kasama nila.

Marami sila at may iilan ding babae, hindi ko nga lang kilala at ang iba ay namumukhaan ko lang.

"Hello girls," sigaw ni Bill, kung hindi ako nagkakamali,dahilan para tumingin sa gawi namin ang kasamahan nila.

Ang iba ay kumaway at may ngumiti rin saka tumango. Ngumiti lang ako sa kanila saka naglakas palapit kay Captain dahil doon da pwesto niya ang may bakanteng upuan.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon