CHAPTER 20

1.4K 29 0
                                    

CHAPTER 20

"You're kinky, huh!" tumawa ako at nakatinginan kami saka naghagalpakan ng tawa.

"Matulog na ako, para may lakas ako para bukas," aniya saka umakyat sa double bed.

"Why do you need the energy anyway?" pinanlisikan ko siya ng mata at tumawa naman siya.

"Lakas ng loob, ano ba," tumawa siya."Kung ano-anong iniisip mo."

"Wow, at ako pa talaga!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh, e 'di ako," umirap siya saka tuluyang humiga.

"Goodnight nalang," sambit ko at narinig ko naman ang hagikhik niya.

"Night..."aniya.

Paggising ko kinaumagahan ay nagmuni-muni pa muna ako. Wala na si Kelly kaya malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko. Nang matapos ay lumabas narin ako para pumasok.

Kagaya ng nakagawian ay halos lahat nang nadadaanan ko ay bumabati sakin samantalang ngiti at tango lamang ang naisusukli ko. Nang makalabas ng elevator ay deneritso ko na ang daan papunta sa opisina.

Bago pa man ako makarating sa opisina ko ay napahinto ako nang mapansin ang lalake sa tabi ng pinto ng opisina ko. Nakasandal siya sa dingding habang nakakrus ang paa at ang braso sa dibdib. Nakasuot siya ng military uniform at hawak ang cap sa kamay.

Panay ang kagat at dila niya sa kaniyang labi dahilan ng paglalim ng dimple sa pisnge niya. Ngumingiti rin siya sa tuwing may dadaan na tinatawag siya.

Humugot ako ng hininga at kinalma muna ang naghaharumintadong nararamdaman saka kaswal na naglakad palapit. Nilagay ko pa ang aking kamay sa likod at pinagsiklop iyon.

"May...kailangan ka?" tanging nasambit ko nang makalapit ako't napansin niya.

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak dahilan para matulala ako sa ngiting iyon. Napalunok at nag-iwas ng tingin nalang ako nang unti-unting nawala ang ngiti niya at na napalitan iyon ng nakakalokong ngisi. Tumikhim ako at mataray na nagtaas ng kilay sa kaniya.

"What do you need?" tanong ko sa kaniya at dahil si Maury siya ay tumaas ang sulok ng labi niya.

"Do I need a reason to come here and admire your beauty?" nagising tanong niya.

Unti-unting nawala ang taray sa mukha ko at napamaang sa kaniya. Nangunot ang noo ko nang maramdaman ang pag-iiba ng pakikitungo niya sakin.

"You're...weird," usal ko habang nakatingin sa kaniya samantalang nakatunghay naman siya sakin.

"Am I?" parang hindi makapaniwalang tanong niya, para bang hindi niya alam ang sinasabi ko.

"You're..."bumuntong hininga ako saka nag-iwas ng tingin.

Nakatunghay parin siya sakin. Nakahawak ako sa doorknob ng pinto samantalang siya ay nasa gilid at nakasandal ang kaliwang bahagi ng katawan sa dingding at ang kamay niya ay nakadikit sa dingding. Ang tangkad ko ay nabaliwala dahil katabi ko siya.

"Why are you acting this way?"

"What?" tumaas baba ang kilay niya, nang-aasar. Bumuga ako ng hangin at pikang pinaningkitan siya ng mata.

"Stop fooling around," inirapan ko siya at bubuksan na sana ang pinto nang hawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy mula sa aking kamay.

Bigla kong binawi ang kamay kaya siya na ngayon ang may hawak ng doorknob. Pinipigilan akong pumasok.

"A-ano bang kailangan m-mo?" hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya nagbaba nalang ako ng tingin.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon