CHAPTER 48

910 25 0
                                    

CHAPTER 48

Umiling ako habang nakatingin sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbaba niya ng tingin. Kinagat ko ang labi ko saka nag-iwas ng tingin. Parang kinurot ang puso ko sa nalaman. Suminghot ako saka umiling at tinalikuran siya.

Nasasaktan ako, hindi lang dahil doon kundi pati rin noong pag-alis ko hindi man lang niya ako hinabol para magpaliwanag. I badly need his explanation but I think it's not free. He couldn't give it to me.

Umalis ako sa condo niya at umiiyak na bumalik sa condo, may iilan pang nagtataka sakin pero dahil sa nararamdaman ay hindi ko na iyon pinansin pa. Napaupo ako sa lapag at sumandal sa pinto.

Ibinigay ko sa kaniya ang tiwala ko dahil akala ko mapagkatiwalaan ko siya pero hindi pala. Akala ko iba siya sa kanila dahil hindi niya ako masasaktan pero hindi pala, isa pala siya sa kanila. Nagtiwala akong muli hindi iniisip na muli na naman itong mabali.

"Hesse!" dinig ko ang sigaw ni Kelly sa labas. Umiling ako at humihikbing tumayo. Umiiyak na binuksan ko iyon, nakita ko ang pagparte ng bibig niya nang makita ang hitsura ko.

Hindi na siya nagsalita pa at lumapit kaagad sa akin saka ako niyakap. Umiiyak ako sa bisig niya, panay naman ang tahan niya sakin.

"G-ginamit n-niya'ko," umiiyak na usal ko. "Kelly, g-ginamit n-niya ko."

"S-sabi niya m-mahal niya a-ko, p-pero...p-pero hindi...eh...m-mahal ni-ya ako  kasi kailangan n-niya ako..."humahagulgol na usal ko.

"Shhhh!" aniya saka hinagod ang likod ko.

Pinaupo niya ako sa couch habang umiiyak. Nakitaan ko rin ng luha ang mata niya. Nakikita ko ang awa sa mukha niya. Her eyes is the reflection of mine. It hurts me so much.

"Pinag-ka-tiwalaan k-k siya-a eh," kinagat ko ang labi ko para iwasan ang paghikbi pero hindi ko napigilan. "Akala ko s-siya na..m-mali pa-la."

"Hesse," lumapit siya sakin saka ako dinamayan.

"Sabi niya eh, sabi niya mahal niya ako. Mahal ko siya eh, mahal na mahal. Kaya ko ngang sumugal ulit para sa kaniya, ganoon ko siya kamahal dahil akala ko mahal niya rin ako pero hindi pala. Kasalanan ko bang mahal ko siya, kasalanan ko bang tumibok ang puso ko para sa kaniya,"pumipiyok na usal ko. Bawat salita ay naglandas ang luha sa pisnge ko.

"Kailan pa naging mali ang umibig muli. Ayos naman kami eh, ayos lang sana kung hindi lang niya ako ginamit," tumingin ako sa kaniya. "Alam niyang may trauma na ako rito pero ginawa parin niya. Siguro, dahil wala naman siyang pakialam sakin. Wala siyang pake...kasi hindi niya naman ako mahal."

"Mahal ka niya," mahinang sabi niya.

Umiling pero bilang pagtutol. Naramdaman ko ang sinabi niyang pagmamahal pero nang malaman ko ang katotohanan ay biglang nawala lahat. Para bang naputol lahat, hindi na kayang maibalik pa.

"Alam ko," mahinang sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya. "Alam ko 'to sa una palang."

Parang tumigil sa pagtulo ang luha ko at tumingin sa kaniya. Umiling siya at parang sising-sisi siya. Napamaang ako at napatitig sa mukha niya.

"Kaya binabalaan kita dati."

"Bakit hinayaan mo? Bakit hindi mo sinabi sakin?" mahinang tanong ko, bigla akong nanghina. "Alam ni...Captain, alam mo rin.."

"Tumutol kami ni Sean dati. Sinabi namin na tigilan na niya pero pursigido siya. Ayaw niyang huminto at sabi niya titigilan ka niya pero hindi niya ginawa...dahil nahulog na siya sayo kaya...hinayaan namin dahil nakita naman namin iyon, nakita namin kung gaano ka niya kamahal,"umiling siya."Hindi lang namin inaasahan na malaman mo. "

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon