CHAPTER 55

1K 23 2
                                    

CHAPTER 55

Napatingin kami sa paparating na sasakyan nang bumusina iyon. Narinig ko naman ang mahinang tili ni Kelly kaya nahulaan ko kaagad kung sino iyon. Ang dalawang sasakyan na magkasunod ay nagpark sa harapan namin kaya napakurap ako roon.

"Let's go,"maligayang sabi ni Kelly saka ako hinila. Sumabay ka kay Maury."

Napatingin ako sa kaniya nang hinablot niya mula sakin ang paper bag na dala ko. Hindi na ako nakapagsalita pa nang umalis na siya at hinarap si Sean na kalalabas lang.

"You didn't buy anything?" tanong ni Isiah na nagpabaling sakin sa kaniya.

"Oo, sinamahan ko lang si Kelly."

"Hmm," sumulyap siya sa dalawa na nag-uusap saka tumingin sa akin at namulsa. "You hungry? Let's eat."

"Paano sila?" tumingin ako sa dalawa.

"They have plans," aniya kaya tumango nalang ako at hindi na nagprotesta nang lumapit siya sakin.

"We'll go ahead," paalam niya sa kasama na tumango lang naman kaya sumibat na kami.

"Hindi mo dala sasakyan mo?" tanong niya kaya tumango ako.

"Sumabay lang ako kay Kelly eh."

"That's good," ngumisi siya kaya natigilan ako at napatitig sa kaniya. "We'll go to carnival after."

"Ha? Anong gagawin natin doon?" inosenteng tanong ko kaya tumingin siya sakin saka ngumuso, napakurap naman ako.

"What do you think, baby? Hmm?" tumaas ang kilay niya kaya nag-iwas ako nang tingin nang bigla akong pamulahan.

"Ewan ko," mahinang usal ko na kinatawa niya.

Pumasok kami sa isang resto. Kaunti lang ang tao roon kaya nakapili kaagad kami ng magandang pwesto na kita ang magandang view sa labas. Nang asikasuhin kami ng waiter ay si Isiah na ang nag-order ng lahat. Hindi naman matanggal ang tingin ko sa labas.

Mula sa kinauupuan namin ay makikita ang magandang tanawin sa labas. Nakangiti akong pinasadahan iyon ng tingin. Nang sulyapan ko si Isiah ay ganoon din ang ginawa niya.

"Ang ganda pala rito," sabi ko at tumingin sa kaniya.

Seryoso ang mukha niya pero kitang kita ang ibang ekspresyon ng kaniyang mga mata. Ibang iba ang sinasabi ng hitsura niya sa kaniyang mata. He's eyes is the most expressive eyes I've ever seen. Yung tahimik lang siya pero ang daming sinasabi ng mata niya. The eyes is the window to our souls indeed.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya nang mapansin ang titig niya. Tumikhim naman siya saka ngumiti.

"You're really beautiful," aniya kaya nagbaba ako ng tingin at nakagat ang dila."I want to see the little you."

Hindi na ako nagsalita pa sa sinabi niya at hinayaan lang siya. Maya't maya ang titig niya kaya hindi ko maiwasang mailang. Iniba ko nalang ang topic para hindi na maging awkward sa pagitan namin.

"Hmm, we're okay na," aniya kaya tumango ako. "She says her sorry and I accepted it. She also want me to send her sorry for you, hindi na kasi siya makakapagkita sayo kasi umalis na siya ng bansa, for good."

" H-hindi ka nanghinayang?" nag-alinlangan pang tanong ko.

"Hmm? Bakit naman ako manghinayang?" nagtatakang aniya.

"Well, alam mo na. She was your fiance."

"She was my fiance. I never love her anymore. May iba na akong mahal eh." tumitig siya sakin. "I think hindi kami para sa isa't isa kasi tayo naman talaga."

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon