CHAPTER 18

1.4K 32 9
                                    

CHAPTER 18

Pagpasok sa ospital ay kaliwa't kanan ang bati sa akin. Tanging ngiti at tango naman ang isinukli ko sa kanila. Pulos staff na naka-military uniform ang nakikita ko at kaunti lamang ang naka gown. Habang palapit sa front desk ay namataan ko na si Rosie na kumakaway.

Ngumiti naman ako sa kaniya at ibinalik ang kaway. Mas lalong lumapad ang ngiti niya at lumingon naman ang lalakeng nakapalumbaba sa desk na nasa harapan niya. Natigilan ako nang mapansin kung sino iyon saka siya pinasadahan ng tingin ang kabuoan niya pababa.

"Hi doc," bati ni Rosie at mas kumaway pa. Binagalan ko ang paglalakad at tinuonan siya ng atensiyon.

"Hello, good morning," tanging sabi ko at bahagyang tumungo.

"Morning," sabi naman ni Maury na ngayon ay nakakrus na ang mga braso sa dibdib.

"Good morning," bati ko at bahagyang ngumiti saka kumaway at mabilis na naglakad para malampasan sila.

Alas syete y media na ako umalis sa bahay kaya pagdating ko rito sa ospital ay sakto namang alas otso. Pagpasok ko sa room namin ni Kelly ay wala akong nakitang bahid niya. Isinawalang bahala ko nalang iyon saka inabot ang stethoscope at sinabit sa leeg.

Paglabas ko ay ngumiti ako sa bawat nadadaanan ko saka dumeretso sa opisina. Inayos ko muna ang ibang records para sa iilang regular check ups at pagbisita sa ibang pasyente para makita ang naging epekto ng gamot.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aayos ay may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Nang makita kung sino iyon ay bumalik ako sa ginagawa at hinayaan siyang tuluyang pumasok.

"You're always busy," puna niya at pabagsak na umupo sa couch. Tinapunan ko lang siya ng tingin at itinuon din agad sa papel. "You always find a way to make yourself busy."

"Hmm," usal ko at tumango. "I'm not lazy...like you."

"Hoy! Grabe naman ito!" biglang aniya saka umismid. Umiling nalang ako.

"What are you doing here?" tinuon ko sa kaniya ang atensiyon ko. "You see, I'm busy."

"Well, I have a news for you." bumungisngis pa siya at umismid naman ako. "Mukhang wala kang kaalam-alam sa mga nangyayare kaya I will do the honor for you to know."

"I don't need your news. Just, you know keep it to yourself it might be a big help to you in the near future," sabi ko na nagpa-iling sa kaniya.

"You're so mean. I just want to update you. What's so wrong with that?" umikot ang mata niya.

Pinaningkitan ko siya saka pinatong ang braso sa lamesa saka siya tinaasan ng kilay.

"And your fuvking news is?" seryosong tanong ko na nagpanguso sa kaniya.

"You know yesterday that I've with Captain almost the whole day,right?" tumango naman ako at nagpatuloy sa ginagawa.

"Make it fast. I have some patients to entertain."

"Don't interrupt so I could tell you the whole story in just a minute," inis na sambit niya kaya tumango nalang ako at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

"So as I was saying, I was with him the whole day and I got an information that this coming week they will be send to Cotabato,"aniya kaya napaangat ang ulo ko."The airforce and all there really need the help of the other scout ranger and they will be the one of them."

"Sino ba ang ipapadala?" kuryusong tanong ko at tinuro naman niya ako.

"I don't know but he mentioned that Maury will be one of them," aniya at natigilan naman ako saka umiling.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon