CHAPTER 50

958 25 1
                                    

CHAPTER 50

Sinamaan ko ng tingin si Hans pero hindi niya ako pinansin. Sa halip ay ang baby ang pinagtuonan niya ng pansin. Inirapan ko nalang siya saka nilaro ang kamay ng baby.

"Kamukhang kamukha ni tito oh," sabi ni Hans saka pinisil pisil ang pisnge.

"Wag mong anuhin!" tinampal ni ate ang kamay niya. "Masakit yan, Hans!"

"Hindi naman nagreklamo, ate, eh," inosenteng sabi ni Hans kaya binatukan siya ni ate.

"Wag mo akong inaano, Hans ah!"

"Joke lang eh," sabi niya saka hinimas ang batok. "Masakit yun ah."

"Gusto mo dagdagan natin?" tanong ko nang lingunin niya ako. Umismid naman siya saka umalis.

Umakyat din ako kaagad sa kwarto at ganoon din sila para magpahinga. Naisip ko na kausapin si Isiah but I don't know how to approach him, hindi ko alam. I have a feeling that it would be awkward if I'll do my part. Lalo na dahil hindi man lang niya ako kinausap kanina. Umalis lang siya kaagad.

Maybe, nagsawa na siya kakasuyo sakin kasi ni minsan hindi ko pinaunalakan iyon. Maybe I'll ready myself for our possible talks.

Kinabukasan ay nakipagkita ako kay Kelly. I don't know why I just have a feeling that I have to talk to her. Siguro, magtulungan niya ako but I'm afraid to open up the topic lalo na't mukhang ayaw din niya iyong pag-usapan namin.

"Are you totally okay?" tanong niya at tumango naman ako.

"Hindi mo ba siya nakita?" nagalinlangang tanong ko kaya natigilan siya saka umayos ng upo.

"We didn't talk that much," aniya saka umiling. "Minsan narin kasi siya pumunta sa ospital at kung pupunta man ay hindi talaga kami nag-uusap."

Tumango ako at nagbaba ng tingin sa plate sa lamesa. Siguro inilayo na niya ang sarili sakin. Hindi ko alam kung anong mayroon sakin. Bakit parang ako pa ang naghahabol sa kaniya. Noong gusto niyang magpaliwanag lagi kong tinaboy tapos ngayon naman na hindi na nagparamdam ay hanap ko siya.

Siguro tama sila. Saka mo lang makita ang halaga ng isang tao kung kailan wala na ito. Saka mo lang makita kung gaano kaimportante ng isang tao sayo kung kailan wala na sa tabi mo. Parang nilakumos ang puso ko.

"Kung...gusto mo siyang kausapin...siguro sa condo ka nalang pumunta," aniya kaya nagtaas ako ng tingin sa kaniya.

"M-mahal ko siya," kinagat ko ang labi ko nang pumiyok ako.

Bigla akong pinangiliran ng luha. Ang puso ko'y nakaramdam na naman ng sakit. Lagi nalang ganito, lagi nalang akong nasasaktan. Hindi siya nakapag salita.

"M-mahal kaya niya ako," mahinang sabi ko at doon na siya umayos ng upo.

"O-oo naman," pilit pa siyang ngumiti. "Siguro binigyan ka lang niya ng oras para makapag-isip. Puntahan mo sa condo. I'm sure he'll talk to you."

Nagbaba ako ng tingin saka bumuntong hininga. Hindi ko kayang pumunta roon, hindi ko kayang puntahan siya sa condo.

"Paano kung...ipagtabuyan niya ako."

"He won't do that," ngumiti siya, sigurado.

"Gusto ko lang marinig ang eksplenasyon niya...Maybe, after hearing all of his explanations mapanatag na ang loob ko."

Tumango siya at pilit pinalakas ang loob ko. Habang pauwi ako ay nagdalawang isip pa ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Sa huli ay pinili ko nalang ang umuwi. Nagtaka pa sina mommy kung bakit mukhang pagod ako. Hindi naman nila na ako kinulit pa noong sinabi kong magpapahinga na ako.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon