CHAPTER 47
Sinabi niya sakin na hindi iyon mangyayari kaya napanatag ang loob ko. Naging maayos naman iyon. Dumaan ang ilang araw at iniisip ko ang gagawin ko sa birthday niya. Birthday niya bukas, December 30 pero hindi ko alam kong ayos ba iyong naisip ko.
"Why don't you want to see me?" inis na sabi niya.
Gusto niyang magkikita kami pero hindi ako pumayag. Umuwi kasi ako sa bahay at iniisip din ang gagawin ko.
"Hindi nga, bukas nalang."
"Ayss!" narinig ko siyang bumuntong hininga kaya natawa ako. "And you have the guts to laugh at me?"
"Isang araw pa naman tayong hindi nag kita ah," nakangiting sabi ko.
"That's why! Isang araw na tayong hindi nagkikita pero hindi mo parin ako namiss. Parang mamamatay ako kapag hindi kita nakikita," aniya kaya natawa ako.
"Isiah, nabuhay ka ng ilang taon na wala ako tapos may gana ka pang magsabi niyan."
"Aisshhh!" narinig kong may nagsalita sa kabilang linya na nagpamura sa kaniya kaya tumawa ako.
"Magtrabaho ka muna baka mabaril ka nila diyan kung palagi kang tumatawag sakin," binuntutan ko iyon ng tawa, panigurado na maiinis na naman siya.
"Whatever! I have to go," masungit na sabi niya. "I love you, bye."
Natawa nalang ako nang ibaba niya iyon. Umalis ako sa kwarto at pinuntahan si Ate. Na discharged na siya sa ospital at dito muna namalagi para may makapag-alaga. Napangiti ako nang makita ang dalawa kong pamangkin na nakahiga sa kama. Simula noong dumating si Baby Shane ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Panay ang sabi ni Statone na siya ang mag-aalaga sa kapatid kahit na hindi naman kaya.
Napangiti ako nang maimagine ang magiging anak ko sa kanila. Gusto ko rin ng babae saka lalake. That's what I've dream. Dalawang anak kasama ang mahal na asawa.
"Kanina ka pa ba?" tanong ni Ate, mula siya sa bathroom.
"Hindi naman. Gusto ko lang tingnan sila. Ang cute," ngumiti ako habang pinagmasdan ang dalawa. "Parang gusto ko na tuloy magkaanak."
"You can see your future with him, hmm?" aniya kaya ngumiti ako sa kaniya.
"I want to spend the rest of my life with him, Ate. I want to build a family with him," sumulyap ako sa mga anak niya. "I also want to have a children as cute as them."
"Hmm, I'm sure they're more cuter gba than mine," tumawa siya saka umupo sa gilid ng kama. "Napag-isipan niyo na bang magpakasal?"
"Huh? Bago pa lang kami, Ate. Wala pa yan sa isip namin. Hindi pa nga ako sure kung siya ba talaga ang makakasama ko hanggang sa pagtanda."
"Pero darating din kayo diyan. I'm sure Isiah has plans already hindi lang niya sinabi siya," inayos niya si Baby Shane.
"Siguro.."tumabi ako."Anong feeling na hindi nagmana sayo ang pamangkin ko, ate?"
Natigilan naman siya doon saka napanguso. "Well, at first I was upset. Isipin mo, dalawa na ang anak namin pero wala man lang nagmana sakin, sayang din ang lahi ko. Pero I'm glad din naman na nagmana sila kay Jones tutal mahal ko siya. Lagi ko kasing sinasabi dati na gusto kong magmana sa kaniya ang mga anak namin pero ngayong nangyari na nakakapanghinayang pala na walang little me but I'm grateful cause they are my little him."
Napangiti nalang ako doon. Parang gusto ko ring magmana sa mapapangasawa ko ang mga anak ko. At kung pwede naman ay sa aming dalawa.
" Ikaw? Ganoon ka rin ba?"ngumiti siya at tumango ako.
BINABASA MO ANG
Survivor (Military Series #1)
RomanceMilitary Series 1 | Completed No soldier outlives a second time. ___ Doctor Still Hesse Blair is a doctor in Broke Army Medical Hospital, one of the military health system in the Philippines. She works in...