CHAPTER 49

934 20 2
                                    

CHAPTER 49

Paroon at parito ako habang naghihintay kay Mommy. Nang bumukas ang pinto ay lumapit kaagad ako pero nahinto nang makita ang seryoso niyang mukha.

"M-mom..."

"Umuwi na," bumuntong hininga siya kaya nagbaba ako ng tingin. "Pinauwi ko, gaya ng sabi mo."

Lumapit ako sa kama ko at doon naupo. Tumabi naman siya sakin. Sobrang bigat ng hiningang pinakawalan niya bago ako hinarap.

"Anak..."hinaplos niya ang buhok ko saka bumuntong hininga."Kailangan mo ba talagang gawin iyon? Ako ang naaawa sa kaniya eh."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Inaasahan ko na ito galing sa kaniya pero sa paraan ng pagsabi niya para bang hindi ko dapat iyon ginawa kasi mali iyon.

"Naaawa ako sa kaniya..."malumanay na sabi niya, may pilit ipaintindi sakin." Ilang araw mo na siyang pinagtabuyan. "

"H-hindi ko pa s-siya kayang harapin..."

"I know and...I understand that," sinilip niya ang mukha kong nakatungo. "But at least hear him out. Nagpaliwanag siya samin."

Tumingin ako sa kaniya. Malungkot ang mukha ni mommy at parang awang awa talaga siya habang inaalala iyong nagdaang napag-usapan nila. Bumuntong hininga nalang ako.

"Binigyan namin siya ng pagkakataon na magpaliwanag. He even...cried," mahinang aniya kaya mas lalong sumakit ang nararamdaman ko.

Biglang bumalik sa alaala ko noong huli naming kita. Yung sakit sa mata niya, pilit na humihingi ng tawad. Kinuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang sarili na maging emosyonal.

"Sinabi niya samin ang lahat. Kung bakit niya iyon ginawa. Noong una ay hindi ko maintindihan at nagalit ako sa kaniya pero kalaunan ay narealize ko ang ibig niyang sabihin. I didn't expect him to cry in front of us,"umiling pa si Mommy."Hans punched him but he just accepted it. He even blamed himself for doing those things and for hurting you."

"Gusto niyang makipag-usap sayo. He's hoping for you to hear him out, at least. But he respected your decision not to see him again. Gusto niyang makapagpaliwanag man lang sayo kahit na hanggang doon lang. Kahit na hindi mo na siya patawarin basta malaman mo lang daw ang dahilan. I felt his sincerity, anak. I can say that he's the best for you," huminang usal niya.

Nailing nalang ako habang pinipigilan ang luhang pilit kumakawala. Sa huli ay napahikbi nalang ako. Ilang araw na siyang pabalik-balik dito at palit-ulit ko rin siyang itinaboy. Gayunpaman, hindi parin siya sumuko at pilit magpaliwanag sakin.

Hindi ko pa kayang malaman lahat, wala pa akong lakas na harapin siya. Dahil sa tuwing nakikita ko siya ay wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit sa ginawa niya sakin. At ayaw kong sa huli ay iiyak na naman ako sa harapan niya at magmukhang kawawa.

Naramdaman ko ang haplos ni mommy sa likod ko at hinayaan akong umiyak. Sa nagdaang araw ay wala rin akong ginawa kundi ang umiyak, sa araw man o gabi.

"M-mom...masama b-ba ako?" nilingon ko siya, hindi ko na siya naaninag dahil sa luha sa mga mata ko. "Kasi...k-kasi hindi ko siya h-hinayaang m-magpaliwanag at pilit ko siyang i-itinaboy."

"Of course not, you're not bad. You're just doing that for your own good and like what I've said, I understand you...and I'm sure he understand that, too. He just...maybe wants to explain his side...you know."

Tumango ako saka pinunasan ang luhang walang tigil sa pagbuhos. Kinagat ko nalang ang labi ko para maiwasan ang pagkawala ng hikbi. Umiyak na naman ako, presko at bagong luha ang naglandas sa aking pisnge.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon