CHAPTER 58
Napatingin ako sa helicopter nang may lumabas doon na maiingay. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kapatid ko at ang kambal niya. Pareho silang nakangiti habang nakatanaw sakin.
Tumingin ako kay Isiah at nakatingin din sila sa paparating saka sumulyap sakin. Ngumiti siya nang makita ang reaksyon ko.
"Bakit?" napakurap ako. "Bakit nandito ang kapatid ko?"
"He helped me..."ngumiti siya saka ibinalik ang tingin sa paparating."They helped me."
Ngumuso ako at tumingin sa kapatid na may nakaplaster na ngiti sa mukha. Nang makalapit ay sinalubong niya ako ng yakap na hindi ko inaasahan.
"Congrats, ate! At last, ikakasal ka na rin..."mapanuyang sabi niya kaya umirap ako at natawa nalang." Congrats, dude. "
Napataas ang kilay ko nang tapikin niya ang balikat ni Isiah na nakangiti lang. Kailan pa sila naging close?
Inakbayan niya ako saka inayos ang buhok ko sa likod. Ngumuso ako habang tinanaw ang kapatid na nakipagtawanan sa mga kasama naming lalake.
"I didn't know...na kasabwat niyo siya," sumulyap ako sa kaniya at tumawa naman siya ng mahina.
"Hmm...really?"
"Ito ba ang inasikaso niyo kanina?" tanong ko at umiling naman siya.
"Nope."
"I thought. By the way, kaninong idea ito?"
"Mine," kumindat pa siya.
"Wow. I didn't expect this," tiningnan ko ang singsing na may maliit na bato sa kamay ko.
"We're getting married...can't wait," nakita ko pa kung paano kumislap ang mga mata niya.
"Mee, too."
"Can't wait to spend the rest of my life with you. Can't wait to grow old with you...Baby, I want to grow old with you," aniya kaya napangiti nalang ako.
"I want to be with you forever..."bulong ko at napangiti naman siya.
Hindi rin kami nagtagal doon at dinala nila ako sa hindi ko malaman na lugar. It's part of the beach pero hindi ko alam na may ganoong lugar doon. I think it's private and only those who have access can only enter the place.
"Bakit walang tao?" tanong ko at tumango lang siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hangga't sa umabot kami sa isang pool na may bridge sa gitna para makapunta sa kabilang side, doon kami dumaan. Narating namin ang isang hall. It's not really that big but it's enough for the sort of party. May naka-arrange doong mga chairs and tables na mukhang pinaghandaan talaga.
"Ano to?" pinalibot ko ang tingin ko at napamaang nang makita ang sobrang daming lobo.
Some are scattered on the floor at mayroon ding lumilipad na tumatama sa bubong pero hindi iyon pumutok, mayroon din na nakahang. Iba't ibang kulay ang nandoon. May nakasulat din sa harapan na Congratulations.
"Sinong..."manghang usal ko.
"Ito ang pinagkaabalahan namin kanina," sabi ni Brent habang may inaayos. "Buti nalang talaga at nag-yes ka kundi sayang effort namin dito."
"Wow! Thanks for the effort, guys. I appreciate it," tiningnan ko sila.
"Talaga lang!" halos sabay nilang sabi.
Tumawa nalang ako at naupo sa tabi ni Isiah. May nag serve ng foods samin. May ginawa rin silang party at wala naman akong kaalam-alam doon.
We spent our remaining day there and had fun. I was really excited to go home. Hindi ko naman inexpect na may throw party sila for me. I was excited to tell them that I'm happily engaged pero mukhang alam din nila na magpopropose si Isiah.
BINABASA MO ANG
Survivor (Military Series #1)
RomanceMilitary Series 1 | Completed No soldier outlives a second time. ___ Doctor Still Hesse Blair is a doctor in Broke Army Medical Hospital, one of the military health system in the Philippines. She works in...