CHAPTER 6

1.8K 47 0
                                    

CHAPTER 6

Napakurap ako saka bumuga nang hangin at kung nakikita lang niya ako ngayon ay pagtatawanan ako ng loko.

"B-bakit? Sinabi ko bang gusto ko s-sya?" singhal ko at tumawa naman siya ng malakas.

"Okay then." aniya saka bumungisngis."You don't like him, settled!"

"Ewan ko sayo!" sigaw ko saka binaba ang cellphone.

Humugot ako nang malakas na saka pumikit at tumingin sa taas. Bakit pakiramdam ko stress na stress ako. Hindi dapat ako nakaramdam nang ganito.

Pinilig ko ang ulo ko at natigilan nang makita si Dra Kelly na naguguluhang nakamasid sa akin. Tumikhim ako at pasimpleng binaba ang tingin saka nagbasa. Nang hindi na siya tumingin sa akin ay pumikit ako nang mariin saka inalis ang glasses na suot.

Nang matapos ako sa pagbabasa ay sinuot ko ang jacket ko saka lumabas. Kailangan kong magpahangin. Tinahak ko ang daan papunta sa tindahan ni Aling Tina, ang Brealicious.

"Bakit mag-isa ka ngayon, hija?" tanong ni Aling Tina.

Marahil ay nagtaka siya kasi hindi ako pumupunta rito mag isa pero sa ngayon ay kailangan kong mag-isa at makapag-isip at maliban doon ay busy naman si Dra Kelly para abalahin ko pa.

"Naka duty po kasi si Kelly." ngumiti ako at tumango namam siya at inilapag ang mga inorder ko.

Inilaan ko ang oras ko sa pagkain nang cake na inorder ko. Hindi naman ako ganito katakaw dati pero ngayon ay ewan ko ba't ang sarap sarap. Sumipsip ako sa chocolate milk tea saka bumuga ng hangin.

Ganoon ang ginawa ko sa mga oras na nagdaan kaya nang matapos ako ay panay ang dighay ko. Hindi ko akalaing maubos ko ang tatlong slice ng cake. Pero sa halip na magulat ay natawa nalang ako. Siguro parte iyon nang kagutoman ko tuwing may duty ako.

Pagkalabas ko sa Café na iyon ay hindi muna ako bumalik sa ospital. Gusto kong magliwaliw sa oras na ito. Hindi naman ako inaantok kaya imbes na magmukmok sa kwarto ay ilalaan ko nalang iyon sa pagliwaliw.

Pumasok ako sa kotse at tinahak ang kasalungat na daan pabalik sa ospital. Nilakbay ko ang daan patungo sa kampo. Nakabukas lang ang bintana kaya napapapikit pa ako dahil sa hangin na pumapasok. Kinuha ko ang tali sa buhok ko at hinayaang bumagsak ang may kahabaan ko nang buhok. Napangiti pa ako nang liparin iyon nang hangin.

Bago pa man makalayo ay pinarada ko na ang sasakyan ko. Walang masyadong dumadaan na sasakyan kaya malaya akong lumabas saka pumunta sa gilid ng kalsada. Dahil sa preskong hangin na namutawi ay nilipad ang buhok ko. Lumapit ako sa railings da gilid at doon kumapit. Hinarap ko ang dereksyon kung saan nanggaling ang hangin saka pumikit at dinama ang hanging tumatama sa balat ko.

Pagdilat ko ay ngumiti ako sa pinalibot ang tingin, hindi ininda ang tingin nang mga taong dumaan. Wala akong pakialam kung mapagkamalan nila akong baliw ang gusto ko lang ay mawala ang stress sa sarili ko at maging maganda ang mood ko.

Natigilan lang ako saka napatingin sa cellphone ko nang tumunog iyon. Sa inis dahil sa pambubulabog sa ginagawa ko ay padarag na inabot ko iyon saka sinagot.

"Hello?"

"Saan ka?" tinig babae, si Kelly!

"Ahhm, may nilakad lang. Bakit?" takang tanong ko.

"May naghahanap kasi sayo." sabi niya na nagpataas ng kilay ko.

"Oh? Wala naman akong inaasahang bisita. Sino ba?" tanong ko habang kutkot ang pisnge.

"Doc...Steven daw." aniya na para bang nag-iisip pa kung tama ba ang sinabi.

"Ano? Bakit siya nandiyan?" takang tanong ko saka binaba ang cellphone.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon