CHAPTER 1

3.3K 69 1
                                    

CHAPTER 1

Nakahalukipkip ako habang nakatingin kay Dra Kelly na nagmamakaawa. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin, nagpapa-awa. Bumuntong hininga ako saka umupo sa kama ko. Pumadyak padyak siya saka naglakad palapit sa akin.

"Sige na," aniya saka mas nagpaawa pa. Gusto kong matawa nang bigla siyang nagpuppy eyes.

"Ano ba kasing gagawin natin doon? Saka rest day ko ngayon after 8 hours of shift." sabi ko saka iniwas ang tingin sa kaniya.

"Gusto kong makita ang baby ko. Tsaka ayaw mo ba nun? Makikita ko siya tapos baka dahil doon magka-lovelife na ako." paawa pa niya.

Pagkatapos ng shift namin kanina ay nagpahinga ako saglit at pagkagising ko ay nagmakaawa na siya sa aking magpasama sa Army Headquarters . May iniutos daw sa kaniya si Captain at ewan ko ba't imbes na magpahinga kami ay kinulit niya akong samahan siya.

"Nagpapaniwala ka naman sa lalakeng iyon. Hindi naman siguro importante yan para ihatid mo pa doon." pinatong ko ang dalawa kong paa sa kama habang nakaupo.

"Importante yun kasi tinawagan pa niya ako para diy--"

"Hindi yun importante dahil kung importante hindi niya iyan malilimutan. Tsaka para lang sa isang bag magsasayang tayo ng oras na maihatid yan?" nginuso ko ang bitbit niya na itim na bag.

Pumadyak siya saka ginulo ang buhok niya. Bumuga siya ng hangin at ngumuso saka pilit pinaintindi sa akin ang lahat.

"Ganito kasi yan,"nilagay niya ang bag sa tabi."Ikaw dapat ang tatawagan niya pero naka-off ang phone mo which was I thanked for kasi ako ang tinawagan niya. This is my chance. Siya na ang unang gumalaw magpatumpik tumpik pa ba ako? Hello? Ito kaya ang pinangarap ko dati kaya ayaw ko nang umarte."

Umiling ako at napangisi bago sumulyap sa cellphone ko sa gilid. Gusto kong palakpakan si Captain sa galawan niya. Ako pa talaga ang ginawa niyang rason. Hindi off ang cellphone ko kaya sigurado ako na hindi siya tumawag. Dadahilan na nga lang buking pa.

Pinagkrus ko ang mga braso ko saka siya tiningnan nang deretso kaya pumirmi siya.

"Ano namang makukuha ko diyan sa pagsama ko sayo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Kailangan pa ba?"

"Bakit hindi? Sa panahon ngayon wala nang libre. Sa bawat galaw dapat may suhol." nginuso ko ang bag sa tabi.

Nagkamot naman siya ng ulo at kunwari nagisip. Nang tumingin siya sa akin ay nginitian ko siya, yung tipong hindi na makikita ang mata ko. Bumuntong hininga siya, sumuko.

"Fine!" nagkamot siya ng ulo. "Ililibre kita ng milk tea sa Brealicious."

Tinaas ko ang dalawang kamay ko saka deretsong tumayo at lumapit sa bag ko sa gilid.

"Problem solved." sumulyap ako sa kaniya."Hindi mo naman agad sinabi sa akin."

"Gago! Kung hindi ko lang talaga kailangan 'to hindi kita ililibre." umismid siya. "Makakabawi rin ako sayo."

Habang naglalakad ay nilaro ko sa kamay ang susi ng kotse. Nginitian ko siya na nakabusangot sa tabi ko.

"Dapat hindi lang milk tea." sabi ko.

"Ano pa bang gusto mo?" napigtas na ang pasensiya niya.

"Titingnan natin pagdating doon." sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse. Umikot naman siya para sumakay.

Pagkatapos kong magsuot ng seat belt ay tumingin ako sa kaniya. Inungusan lang niya ako at tumingin sa unahan. Tumawa ako at pinaandar ang sasakyan. Habang nasa byahe ay tahimik lang siya, ang hindi niya palaging ginagawa.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon