CHAPTER 21

1.3K 26 0
                                    

CHAPTER 21

Pagmulat ng mata ko ay napansin ko kaagad ang bultong nakaupo sa silya  habang nakaharap sa banda ko. Napatigil ako nang mapansin na si Kelly iyon. Tumikhim ako saka tumayo.

Seryoso ang ekspresyon niya at walang bahid ng kung ano, isa iyong ekspresyon na minsan ko lang makita sa mukha niya. Ang tingin niyang naging matalas.

"B-bakit?" hindi ko na napigilang tanong.

Napalunok ako nang ganoon nalang kalalim ang hiningang pinakawalan niya. Umayos siya ng upo at nag-iwas ng tingin. Sa halip na sagutin ako ay nagtanong siya.

"Sinong kasama mo kagabi?" tanong niya, seryoso parin.

Doon ako napatitig sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. Kumurap ako saka tumitig sa mukha niya, hinahanap ang mapaglaro niyang tingin pero walang sumilay na ganoon.

"Si M-maury," sagot ko at natigilan ako nang bigla siyang napabuga ng hangin.

"Anong sinabi niya sayo?" tanong niya at napaisip naman ako.

"Wala naman," tanging naisagot ko.

"Hindi niya...sinabi na gusto ka..niya?" nag-aalangang tanong niya at tumango naman ako. "Wala?"

"Yeah. Wala siyang sinabing g-anun," pahinang anas ko.

Tumango siya at humugot ng hininga. Sa paraan ng pagakto niya at sa bawat ekspresyon sa mukha niya ay mukhang may problema siya. Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko nalang ginawa.

"M-maliligo na ako," sabi ko saka umalis sa harapan niya.

Habang nasa shower ay hindi mawala ang alaala ko sa naging akto niya. Hindi naman siya ganiyan. Kadalasan ay nakikita ko siyang masiyahin at palangiti pero sa oras na iyon ay wala akong nasilayang ganoon. Pulos seryoso nalang ang mukha niya.

Hanggang sa paglabas ko ay seryoso parin ang mukha niya. Nakatayo na siya at bahagyang naka-upo sa upuan habang hawak ang telepono at nagtipa doon. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at nakatutok lang sa hawak.

Nang matapos ako nagpaalam na siyang maunang lumabas. Sumunod din kaagad ako. Naabutan ko pa siyang naglalakad habang may katawagan. Hindi ko nalang siya hinabol at nakasunod lang.

Kagaya ng dati ay nakita ko na agad si Maury na nakatayo sa gilid ng Nurse station. Nakasandal ang siko niya sa disk na mataas at may kausap siyang nurse. Panay ang lapit ng kamay niya sa mukha ni Maury na iwas naman ng iwas. Biglang nangunot ang noo ko.

Bumuga ako ng hangin at umiling nang may naramdaman akong kakaiba. Pormal akong nagpatuloy sa paglalakad. Nakatungo lang ako habang tinatahak ang daan.

Napahinto ako nang may humarang sa daan. Sa itim na boots palang ay kilala ko na kung sino iyon. Halos murahin ko na siya nang biglang humataw ang tibok ng puso ko na habang tumatagal ay mas lalong hindi ko nagustuhan.

"Hey, doc..." mahinang sambit niya. Nag-angat naman agad ako ng tingin.

"What do you--" hindi ko natapos ang sasabihin nang mapansin ang gilid ng labi niya. "Anong nangyari dyan?"

May sugat doon at mapula pa. Mukhang nasuntok siya. Umiling naman agad siya saka nagtaas ng kamay doon pero napangiwi rin nang marahil makaramdam ng sakit.

"It's nothing," aniya saka ngumiti. "Nagkapikunan lang."

"Nagamot na ba yan?" tanong ko at natigilan naman siya saka unti-unting tumango at lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti.

"Are you concerned, doc?" mapang asar na aniya. Naramdaman kong lumukso ang puso ko pero sinawalang bahala ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm a doctor so it's normal to be concerned," pormal na sabi ko at ngumiwi naman siya saka tumango.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon