CHAPTER 57

1K 28 0
                                    

CHAPTER 57

Lumaki lalo ang ngiti ko nang makita kung gaano kalaki ang ngiti niya. Nang maglakad siya palapit ay doon ko lang napansin ang mga kasama niya. Napakurap pa ako nang makitang may hawak silang iba't ibang instrumento na hindi ko napansin kanina.

Nang bumaling ako sa kaniya ay doon ko napansin ang suot niyang hawaiian polo na bukas ang dalawang botunes sa dibdib. Nang tingnan ko ang kasama niya ay ganoon din.

"Baby..."sabi niya kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko." How can I tell you that I love you more than life?"

Napatitig nalang ako sa kaniya nang ulitin niya ang liriko ng kanta. Parang siya lang ang nakikita ko sa oras na iyon. Nang tumaas ang kilay niya ay nabalik kaagad ako sa aking katinuan.

"What?" nag-iwas ako ng tingin nang pamulahan. "Just love me everyday at ipakita mo lang sakin kung gaano mo ako kamahal, sapat na."

Biglang sumilay sa kaniya ang nakakamatay niyang ngiti. Tumikhim nalang ako at iniwas ang tingin. Natigilan ako nang mamataan si Kelly na nanonood sa gilid habang may yakap na sarong. Bigla kong naalala na iniwan pala niya ako kanina.

"Hmm..I do that everyday,"aniya kaya bumaling ako sa kaniya saka ngumiti." I love you. Do you like my singing?"

"Kaninong ideya to?"

"Mine..."confident na sabi niya." I'm sweet, huh."

"Talaga lang, huh," tumawa ako at napangiti nalang nang yakapin niya ako.

"I really love you and definitely in love with you..."bulong niya kaya kumawala kaagad ang malaking ngiti sa labi ko.

"Tama na yan! May naiingit na rito, oh!" sigaw ni Brent kaya napatingin ako sa banda nila. Kumawala naman si Maury mula sa yakap at dinampian ng halik ang sintido ko.

"Happy birthday again," sabi niya kaya natawa ako.

Nang magsimula nang maglakad paalis ang kasama namin ay sumunod naman kami kaagad sa kanila habang nakaakbay sa akin si Isiah. Pumasok kami sa isang cabin na nagkulay dilaw ang paligid dahil sa ilaw.

"Second celebration of your birthday," sabi ni Kelly sakin. Lumapit pa siya sa tabi ko. "This is Isiah's idea. Ang sweet, no?"

"This is Isiah's idea so all of these is under him. Bisita lang kami rito," sabi naman ni Brent at nagsang-ayunan naman sila.

"Fuck!" malutong na mura niya saka lumapit sakin. "Para sayo...alright."

Nauna siyang naglakad ngunit nakaakbay siya sakin kaya nadala ako. Narinig ko naman ang tawanan ng nasa likod namin. Nang marating namin ang loob ay may isang malaking table na puno ng pagkain.

Napataas naman ang kilay ko at tumingin sa kaniya. Ngumiti naman siya saka inayos ang takas na buhok na tumatabon sa mukha ko. Ngumuso ako saka tumingin sa nakahanda. Nakaupo na roon ang mga kasama namin.

"Why are you wearing this? Hmm?" bulong niya kaya natigilan ako at napatingin sa suot ko. "You're only wearing a bikini top. It's cold."

"Ano..."naputol ang sasabihin ko nang kunin niya ang sarong ko at inilagay iyon sa balikat ko para matabunan ang dibdib ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Bill nang akmang aatras si Isiah.

"She'll change," simpleng sabi niya at wala ng nagawa sila nang iwan namin sila doon sa hapag.

Iginiya niya ako papunta sa corridor. May ilan kaming pintong nilampasan bago tumigil sa pinakadulo. Bumaling ako sa kaniya na nasa likuran ko at napapasok ako nang lumapit siya sakin. Pinalibot ko ang tingin. May malaking kama sa kaliwang bahagi niyon. May salamin at pinto na sa tingin ko ay cr iyon.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon