CHAPTER 25

1.2K 27 10
                                    

CHAPTER 25

Naputol ang pag-uusap namin nang tinawag na ako. Hindi ko na siya kinausap pa at umalis na sa tabi niya. Narinig ko naman ang yapak niya sa likuran, nakasunod siya sakin.

Nasa palayo palang ay nakita ko na ang naningkit na mata ni Kelly habang pinagmasdan kaming palapit. Nang dumapo sakin ang titig niya ay nilakihan niya ako ng mata pero nang dumapo iyon kay Maury ay biglang sumeryoso.

"Saan kayo galing?" tanong ni Kelly. Sumulyap pa muna ako kay Maury na naglakad papunta sa isang sundalo.

"May pinag-usapan lang," ang sagot ko.

"Oh? Tungkol saan?" kuryusong tanong niya at tumingin naman ako sa mukha niya saka marahang umiling.

"Wala, some s-stuff," lumunok pa ako at nilampasan siya.

"Hoy, wag mo 'kong ma some stuff-some stuff, kilala kita! Sabihin mo sakin," pamimilit niya habang nakasunod sakin.

Hindi na ako nag-atubiling lingunin siya. Lumapit ako sa mga nagpapasok ng relief goods sa plastic. Tumulong ako sa pagsarado ng plastics.

"Wala nga. Ang kulit mo."

"Pano ba kasi may pa some stuff ka pa. Kung sinabi mo sa akin eh 'di sana tumahimik na ako," malakas na sabi niya na napangiwi sakin.

"Normal lang talaga ang kulit mo! Dinadamay mo pa ako," usal ko, hindi talaga siya tinapunan ng tingin.

"May nalaman ako, at hindi ko sasabihin sayo," singhal niya. Lumingon naman agad ako sa kaniya at nakita ko ang nakangisi niyang mukha, nang-aasar.

"Ano?" tanong ko na nagpangiwi sa kaniya.

"Kasasabi ko nga lang na hindi ko sasabihin sayo 'di ba?" nang-aasar na sabi niya.

Ngumisi pa siya ng mas nakakaloko saka tiningnan ang kabuoan ko at pasiring na umalis sa harapan ko. Inirapan ko rin siya pero hindi niya ako napansin.

"Boyfriend niyo, doc?"

Napatingin naman kaagad ako sa nagsalita. Nakangiti siya at kumikislap ang mata. Napalunok ako saka tinaasan siya ng kilay.

"Huh? S-sino?"

"Ayon oh," may nginuso siya sa malayo kaya tumingin ako roon. "Kanina pa yan tingin ng tingin sayo. Mukhang binabantayan kayo."

Napakurap ako nang makita si Maury na nakatingin sa banda namin. Nakatayo sa sa hindi kalayuan at seryosong seryoso pero sa kabila ng distansiya namin sa isa't isa ay nararamdaman ko ang talas ng titig niya.

Nag-iwas ako ng tingin saka umiling sa nagtanong. Napataas naman ang kilay niya, hindi makapaniwala.

"Akala ko po Boyfriend niyo. Bagay din kasi kayo doc eh," anas pa niya at naiilang naman akong tumawa.

"Hindi," umiling ako. "Hindi ko siya boyfriend."

"Sayang, doc.."may nakakalukong ngiti na sumilay sa mukha niya."Grasya na sana naging bato pa."

"Ha?" natigilan ako roon at tumawa naman siya saka umiling.

"Wag niyo nalang akong pansinin doc. Ganito na talaga ako. Medyo may sayad minsan," tumawa pa siya kaya napatawa nalang din ako.

Pagkatapos ng pag-aayos ng mga ipapamigay ay dinala na iyon sa truck para ideliver doon. Pumasok naman ako at kinuha ang mga gamit ko bago lumabas at sumabay sa kanila. Ang tanging gagawin namin ngayon doon ay ipapamigay ang relief packs at may kaunting check up.

"Thank you po, doc.." sabi ng bata nang inabutan ko siya ng pack.

"You're welcome,"ngumiti ako.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon