CHAPTER 45

883 18 0
                                    

CHAPTER 45

Nakangiting kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Isang tao lang ang inaasahang tatawag sakin ngayon at hindi nga ako nagkamali.

"Merry Christmas," iyon ang bungad ko sa kaniya, narinig ko naman ang buntong hininga niya kaya napabungisngis ako.

"What's merry in Christmas?" masungit na Aniya. "My Christmas isn't merry cause you weren't here."

"Gosh, napag-usapan na natin ito diba?"

"Fine!" na iimagine ko na naman ang pag-ngitiwi niya. "What can I do about it anyway."

"You're so cute, Mister," sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Yeah, yeah, whatever."

"Hindi mo ba ako babatiin?" nakangiting sabi ko.

"Happy Birthday."

"What?" biglang nawala ang ngiti sa labi ko. "I said, Merry Christmas."

"Oh! My mistake," tumawa siya kaya umikot ang mata ko. "Merry Christmas."

"I miss you," malungkot na sabi niya kaya napangiti ako.

"Miss you, too."

"Aww, my baby misses me?" malumanay na aniya. "Want me to come there?"

"Wag na,mga alibi mo..."

Tumawa siya saka narinig ko pa siyang bumulong ngunit hindi ko iyon narinig. Pinutol din namin kaagad ang tawagan nang magsimula na ang party samin. Hindi pa gusto ni Isiah pero wala na siyang magawa kaya labag sa kalooban niya iyong ibinaba.

"Ang cute," sabi ni Hans saka lumapit sakin. "Ate, nakita mo ba si Statone?"

"Nasa loob yun kanina eh."

Pumunta ako sa pamilya namin saka nanood sa mga naglalaro. Tuwing pasko ay nagpaparty kami at nag-iimbita ng mga kapitbahay. Tradisyon na iyon sa pamilya namin tuwing pasko. Namimigay din kami ng regalo sa kanila at nagpapalaro at syempre may price.

"Hindi ba makakapunta si Isiah ngayon, Hesse?" tanong ni mommy nang makita niya ako.

"May party din sila sa bahay nila, mom."

"Aww, sayang naman," malungkot na aniya saka may inentertain na bisita.

Simula noong nakilala ni mommy si Isiah palagi na niya itong hinahanap. Mukhang si Isiah na nga ang anak niya kaysa sakin eh.

"Titaa!!" tili ni Statone habang tumtakbong pumunta sakin at nakasunod naman si Hans.

"Hans! Wag mong takutin baka madapa!" sigaw ko pero tumawa lang sila saka napatili na naman si Statone nang maabutan ng tito.

"Ba't mo ko tinakasan?" natatawang sabi ni Hans saka kiniliti ang bata. "Huh? You don't want tito anymore?"

"No! No!" tumawa iyon saka sila nagtawanan kaya nailing nalang ako. "You're tickling me!!"

"And I will tickle you more!!" natatawang sabi ni Hans.

Nailing nalang ako sa kanilang dalawa saka hinayaan nalang sila. Ganoon ang kadalasang bonding ng dalawa. Minsan naman ay nagbabasketball kapag nagkakasundo.

"Hesse, may naghahanap sayo," biglang sabi ni Nanay Maria, isa sa katulong sa bahay.

"Saan po, nanay?" tumayo ako at iginiya naman niya ako.

"Iyong nobyo mo, hija. Pinapasok ko naman pero ayaw naman, gusto niya ikaw daw ang pupunta kaya pinuntahan na kita kasi baka lamukin doon."

Napamaang naman ako sa narinig at wala sa sariling napatingin sa kaniya. Hindi naman palabiro si Nanay Maria kaya alam kong totoo. Nang marating ang gate ay iniwan na ako doon ni Nanay Maria.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon