CHAPTER 42

834 16 0
                                    

CHAPTER 42

Simula noong nabanggit iyon ni mommy ay tahimik na siya. Natahimik ang hapag ng mga ilang saglit at ang iba naman ay nagsitikhiman. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na sila pinansin pa.

Nang matapos ang pagkain namin ay naging maayos naman ang hangin sa pagitan ng isa't isa. Matapos ang ilang oras na pamamalagi ni Isiah ay nagpaalam na siyang umalis kaya hinatid ko siya palabas.

Ngumiti ako sa kaniya pero nakatitig lang siya sa mukha ko. Humilig siya sa pinto ng sasakyan saka humalukipkip kaya napaayos ako ng tayo.

"Bakit?" tanong ko nang hindi man lang siya nagsalita.

"What happened?" aniya at napatitig naman ako sa mukha niya."What your ex did ko to you?"

Bumuka ang bibig ko para sumagot pero naitikom ko rin kaagad saka bumuntong hininga. Tumingin ako sa paligid na unti-unti ng dumilim. Nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ay ganoon parin ang porma niya.

"I was betrayed," nagbaba ako ng tingin."He betrayed me. Rufus and Haven and even the rest of my friends betrayed me."

Huminga ako ng malakas saka tinatagan ang sarili. Lahat ng sakit, pait at pighati ay biglang bumalik. Lahat ng pinaranas nila ay parang kahapon lang nangyari.

"What did they do?" mahinang tanong niya. Hindi ko man lang nagawang salubungin ang mukha ko.

"I was studying in Med School when I met them. I thought they were my good friends. They treated me as one of them but I didn't know that they have planned something against me. They made me believe that they are my friends," tumingin ako sa kaniya na seryosong nakatingin sakin. "I failed all of my major subjects because of them."

"And they planned that. In our circle of friends, I am the one who have always stand out and they were my rivals. Plinano nila akong kaibiganin at dinala nila ako sa kung saang bars before. Even the night before our exam hindi nila ako pinagbigyan na mag-aral. They always say that if I wouldn't come with them hindi na nila ako kaibigan. Sila lang ang kaibigan ko sa school because I was always busy with studies."

"I thought they were my friends. I treated them as my friends but they never did the same. All of that was an act of them,"huminga ako ng malalim.

"When I failed my major subjects they left me. I have found out that all of those tactics was an acts. I confirmed it with them at hindi nila iyon tinanggi. Sila mismo ang nagkompirma. They know that my biggest dream is to become a doctor that's why they did that. I was in mess. I regretted the things I have done. Sinisi ko ang sarili ko na nagpadala sa mga sinabi nila."

"Haven. You know her right?" tanong ko at tumango naman siya. "Siya ang pakana ng lahat."

Tumingala ako nang mangilid ang mga luha ko. Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan ko.

"Noong araw na nalaman ko iyon, yung nadiskobre ko lahat ng pagkukunwari nila pumunta ako sa condo ni Rufus thinking that he's the only one that could comfort me but otherwise happened. Naabutan ko silang dalawa doon..."lumunok ako saka nagbaba ng tingin. Doon na tumulo ang kaninang nagbabadya kong luha.

"Yung araw din na iyon, nakipaghiwalay siya sakin. Kung kailan kailangan ko siya, saka siya umalis,"kinunot ko ang noo ko para pigilan ang mga luha pero walang nangyari.

"I was a total mess. Lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ay niloko ako. Ang taong akala ko nasa tabi ko ay nagawa akong lukuhin. That's the reason why my trust was broken. Simula noon nahirapan na akong magtiwala ulit."

Naramdaman ko nalang ang braso niyang pumulupot sakin saka ako inalo. Umiiyak akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang sakit sa mukha niya. Nakita ko ang pait na naramdaman niya.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon