CHAPTER 24

1.1K 27 3
                                    

CHAPTER 24

Kinabukasan ay naging busy kami kagaya lang nang nangyari kahapon. Ginugol namin ang oras sa lahat ng pasyente na apektado ng bakbakan.

Nakakaawa sila, sa sitwasyon palang nila ay sobrang hirap na. Simpatya ng bawat isa ang naramdaman ko habang kinakausap sila. Kaniya-kaniyang kwento ng kanilang buhay kung gaano sila nahihirapan. Kung gaano nakaapekto sa kanila ang nangyari lalo na sa pang-araw-araw nila na pangangailangan. Wala silang mapagkukunan ng pagkain. Nawalan ng trabaho, hanapbuhay at pamilya.

Bawat kwento nila ay tumatagos sa puso ko lahat ng nararamdaman nila. Kahit na wala ako sa sitwasyon nila pero sa mukha palang nila, sa paraan ng pagkwento kung saan pinarating nila kung gaano silang nahihirapan nakakahabag ng damdamin. Nakakapanlumo dahil nadaanan nila ito.

"Here," may biglang nagsalita sa likod.

"Thanks doc," sabi ko kay Doc Augustin saka tinanggap ang bote ng tubig.

"I don't know what to say," panimula niya habang nakatingin sa malayo, para bang ang lalim-lalim ng iniisip niya."It's really painful to know their stories an everyday living where they couldn't even provide needs for themselves."

Dinig ko ang buntong hininga niyang magkasunod. Tumango naman ako saka mapait na tinanaw ang wasak na tahanan ng bawat isa.

"I could imagine myself on their shoes. It really hard. They don't even know how to strive for their everyday living. Their works was left behind. If this would end they will end up on the beginning." dagdag pa niya.

"Nakakapanghinayang lang dahil ganito ang naranasan nila. Hindi ito maging madala but if they will be brave and braver each day and never give up mas makakabuti sa kanila,"mahinang sambit ko.

Tumango naman siya saka bumaling sakin. Ngumiti siya ng pilit at nailing nalang. Mayamaya pa ay nagpaalam na siyang papasok sa loob. Naiwan naman ako sa labas habang tanaw ang pinsalang naidulot ng bakbakan. Gusto kong manlumo pero mas pinili ko nalang na magpakatatag.

"Waiting for someone?" pamilyar na boses ang nagsalita sa likod kaya tumingin kaagad ako roon at hindi nga ako nagkamali.

"Anong ginagawa mo rito?" pinilit kong maging pormal sa kabila ng unti-unting pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

Tumitig ako sa mukha niya nang hindi niya ako nilingon. Siya lang ang kilala kong lalake, si Isiah Maury, ang makakapagpatanga sa akin sa tuwing tumitig siya mukha niya. Siya iyong tipong tahimik at walang imik pero kapag ngumiti na at may bahid na ng saya ang mukha ay matutuwa ka nalang.

Sa tangos ng ilong at mga mata niya ay mahulaan mo kaagad na may lahi siyang banyaga. Sa perpekto niyang panga na para bang parating nakaigting. Bagay na bagay iyon sa mukha niya na kung may balak kang hawakan ang panga niya kailangan mong maging maingat dahil baka masugatan ka.

"I'm here because I am assigned here?" sumulyap pa siya sakin. Pilit ko namang kinunot ang noo ko.

"Aba malay ko sayo, nasa akin ba utak mo," mahinang sambit ko.

Narinig ko siyang napasinghap pero sa huli ay tumawa nalang. Narinig ko pa ang mumunting bungisngis niya kaya palihim akong tumawa.

"That's why I like you," biglang sabi niya na nagpatigil sakin. Biglang napawi ang ngiti sa aking labi saka seryosong tiningnan siya ng tingin.

Nakangiti siya habang nakatingin sa malayo. Ang kamay niya ang hawak ang baril na nakasabit sa leeg niya, ang suot niyang combat uniform at cap ay bumagay sa perpekto niyang mukha.

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko habang unti-unting nangunot ang noo ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko. Kung kanina ay malakas na ang tibok, ngayon ay parang triple na iyon dahil dinig na dinig ko na. Pasimple akong lumayo sa kaniya, natatakot na pati siya ay marinig ang pintig ng puso ko.

Survivor (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon