Chapter 1

92 16 1
                                    

Dedicated to amburh97

Start

Bevy lxy's P.O.V

"Fantaesha!" Sigaw ko dahil sinumbong sakin ni manang Odette na umuwi ng lasing ang babaknet nato

"Ano?" Inaantok nitong sabi at tinatamad na umupo sa kama nya

Diretso naman akong tumingin sa kanya "you're grounded" sabi ko dahil naiinis na talaga ako sa kanya

"What no!? Hindi pwede may lakad ako m..."

"Walang lakad walang thesis walang projects walang group works o kahit na anong dahilan mo para makalabas" putol ko sa sasabihin nya

"Grounded for how many days?" Naiinis nitong tanong

"Not a days a weeks I like" naka ngisi Kong sabi

"No!! That's unfair!" Sigaw nito

"4 weeks lang naman"

"Edi 1 month din yon ayoko!" reklamo nito

Eh kung gawin ko kayang 2 months?

"Tumawag sakin si principal saludaga and you know what is my point fantaesha?"

"S-sorry nagawa ko lang naman yun kasi..."

"Kasi mababa ang tingin ng mga classmate's mo sayo kaya nagawa mong kunin ang answer key ng finals nyo" pag tutuloy ko sa sasabihin nya

"Yes s-sorry" malungkot nyang sagot

At maliban don Hindi ko nalang sinabi na umuwi sya ng lasing dahil mahirap talagang pag sabihan ang kapatid ko

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan Kong naglalaro si Sofie sa kusina ginugulo si manang Odette sa pagluluto

Mga ilang saglit nakarinig ako ng mahinang sigaw mula sa kung saan pero hinayaan ko lang yun

Ngunit mga ilang saglit lang ay narinig ko ulit ang sigaw na iyon na para bang humihingi ng tulong

"Manang Odette saan galing yung sigawan" tanong ko

"Anong sigawan iha?" Nagtatakang tanong sakin ni manang tila ba hindi nya ako maintindihan

Sigawan sa kalye?

"Ah..eh wala po haha wag nyo nalang po akong pansinin" pag papalusot ko

"Baka pagod lang yan iha halika kumain ka muna!" Masayang yaya sakin ni manang

Ahihihihi!! Pagkain! PAGKAIN!!

Hinainan nya ako ng lugaw at itinabi nya sakin ang chilli oil

Charap! Charap!

Hinalo ko ang lugaw at nilagyan ng ibat-ibang pepper pero napansin kong kakaiba ang sahog nito

Nang aking tignan isang mata? Mata ng tao?

OA. Mata ng tao agad?

Napatingin ako Kay manang dahil may sinisibak ito

Mukang nahihirapan sya pero isang sibak pa ang ginawa nya ng may tumalsik na kung ano sa muka ko

Pinunasan ko iyon at ng tignan isang dugo, baka dugo lang ng kung ano

Paranoid na talaga ako.

"Manang tulungan ko na po kayo" magalang Kong sabi dahil mukang nahihirapan talaga sya

Nang aking lapitan halos masuka ako dahil sa sang-sang ng amoy nito

Maya Maya pa ay nakita ko na katawan ng isang bata ang tinataga ni manang

"S-sofie?" Nauutal Kong tanong lumingon sakin si manang na para bang may gagawin sakin kaya Napa atras ako ng konti at nag salita ito

"Tama ka iha ikaw na ang susunod" sabi nito at agad akong tinaga sa leeg

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at pawis na pawis din ako

"Bad dream" sabi ko sa sarili ko habang hinihingal

Nanginginig kong kinuha ang baso na may lamang tubig at ininom iyon tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko

"3:00 am."

History of San Mateo high (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon