CHAPTER 6

11 2 0
                                    


"Guys nakita ninyo ba?" tanong ni Archibald noong nagkita-kita na sila sa tapat ng bahay.

"Hindi e!" saad ni Reniel

"Wala e!" saad ni Lhyrrie

"Hindi ko rin nakita!" saad ni Airiek

"guys malalim na ang gabi, masyado nang dilikado dito sa labas" saad ni Lance

"Classmates, nasaan sina Grant, Louisse at Kim?" tanong ni Bryan.

"Wala pa ba sila?" tanong ni Bernard

"Hindi nandito sila, di ba nga wala pa sila kaya nga nagtatanong e" pangaasar ni Rene

"Takte Rene tumahimik ka nga hindi ka nakakatulong" saad ni John Chris

"Anong oras na ba?" tanong ni Ranji

"11: 30 pm na" saad ni Ariel

"Classmates sobrang lamig na dito, tara na sa loob!" akit ni PJ

"Oo nga tama si PJ malamig na dito sa labas, intayin na lang natin sila sa loob ng bahay" saad ni Rommel

"Sige!" saad ni Archibald

Nagtungo na ang lahat papuntang bahay. Noong nasa loob na sila at nakaupo sa sala ay bigla na lang may kumatok...

"Dan Chris, buksan mo baka sina Grant na yan"

Kim Malabatuan

"Marco, nasaan ka na?" sigaw ko

"masyadong paVIP talaga itong si Marco" reklamo ko..

"Marco..nasaan ka na? takte pa special pa ito, abno naman" saad ko.

Ano ba yan kinakausap ko na naman ang aking sarili. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at may nakita akong isang lalake na nakatalikod at bigla akong kinabahan dahil ang alam ko lang ay kami-kami lang ang tao sa isla... lumingon ito unti-unti, hindi ako pwedeng magkamali pero di ba matagal na siyang patay. Noong nakaharap na siya sa akin, nakikita ko sa kanyang mga mata ang matinding galit, poot at hinanakit....

"Siii...iirrr Aaa..aandddreeww", utal kong sambit. Di ba patay na siya. Ngumiti ito ng may halong pait at biglang humangin ng malakas at ako'y napuwing. Napapikit ako at noong minulat ko na ang mata ko tumungin agad ako kay Sir Andrew pero wala na ito. Napaatras ako at nagsimulang tumakbo pabalik ng bahay.

Di ba patay na siya?

Nakita ko siyang namatay?

Papaano siya nabuhay?

The Murderer

Sobrang sarap sa pakiramdam hindi ko mawari ang aking nararamdaman kapag nakikita ko silang unti-unting namamatay. Ang kamatayan nila ay nagbibigay ng matamis na kaligayahan sa aking buong pagkatao. Hindi nila ako masisisi kung bakit ako nagkaganito, ang mga buhay nila ay hindi pa sapat para bayaraan ang mga utang nila sa akin. Kaya magsisisi silang lahat, oras ko na ngayon para maningil ng pagkakautang nila sa akin.

Dan Chris Salvania

Takte lagi na lang akong inuutusan, porket ba ako ang pinakamahiyain dito. Lagi na lang akong kawawa pwede naman si Dave or si Julius, bakit ako pa? pumunta na ako sa may pinto para buksan ito. O Kim! gulat ko .... Mukha itong nakakita ng multo. Bakit ngayon ka lang, anong oras na, saad ko. Pero hindi ako nito sinagot nagpatuloy lang ito sa pagpasok sa loob ng bahay.

"SALAMAT ha!" sigaw ko...

Archibald Silva

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko habang nakatayo ito.

"Nakita mo ba sina Grant at Louisse?" tanong ni Dan Chris nung nakalapit na siya sa kanila.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" pangaasar ni Rene.

"Classmates...." panimula ni Kim "Hindi ko sila nakita" dugsong nito

Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan bago ito nagsalita ulit.

"Si –" naputol ang sasabihin ni Kim noong nagsalita si Emman.

"Sino? Tinatakot mo kami"

"Hoy, Emman tumahimik ka nga" saway ni Bryan.

"Sige Kim ituloy mo" saad ni Neil

"Si –sir Andrew" sabi ni Kim

Nakita kong naglakihan ang mga mata nilang lahat noong narinig namin ang pangalan ng dati naming guro.

"Anong meron kay Sir Andrew?" tanong ni Airiek. "Di ba matagal na siyang patay" bulong ni Bernard. "Nakita ko siya sa gubat kanina habang hinahanap ko si Marco" saad ni Kim

"pero papaano mangyayari yun matagal na siyang patay" saad ni Ranji.

"Di ba –" naputol ang sasabihin ni Ariel noong sinaway ko ang mga ito.

"Tama na!" sigaw ko. "It was almost two years ago..wala na siya PATAY na" sigaw ko.

"Pero..." saad ni Kim.

"ENOUGH" sigaw ko ulit.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon