CHAPTER 30

10 2 0
                                    


Airiek Malicdem

Kanina pa ako naghihintay dito sa aking sasakyan, mula pa kaninang ala una ng hapon, dito sa harapan ng bahay ng isa kong kaklase. Sa palagay ko kasi siya ang pinakaperpektong tao para gumawa ng lahat ng kababalagahan sa aming klase. Tahimik lang siya pero alam kong meron itong tinatagong sekreto. Katulad na lang ng pagpunta nito sa sementeryo tuwing nahuhuli siya sa aming meeting. Lagi na lang niyang iniiba ang usapan kapag ito na ang pinag-uusapan. Bigla akong nabuhayan ng loob noong nagbukas ang gate ng bahay ng aking kaklase at iniluwal nito ang sasakyan ni Lance.

"Ngayong araw na ito, malalaman ko na ang iba mong sekreto" bulong ko sa aking sarili.

Pinastart ko na yung aking sasakyan at sinundan ito. Nung na sa highway na kami ay parang mga pamilyar ang mga establishment na aking nakikita, parang alam ko na kung saan ito papunta, sa sementeryo.

Nung nakita ko na itong lumiko sa Eternal Heaven Catholic Cemetery ay dahan-dahan na rin akong lumiko dito para hindi ako mahalata na sinusundan siya. Nakita ko itong tumugil sa isang museo, napakalaking museo ito sa isang ordinaryong museo na katabi nito at ang mga haligi nito ay purong marmol. Nakita kong bumaba na si Lance sa kanyang sasakyan. Nakasuot ito ng itim na damit na walang print, nakaskinny jeans at white adidas shoes at nakashades din ito na kulay itim. Pumasok na si Lance sa museo dala-dala ang isang dosenang rosas na kulay berde. Lumipas ang mahigit kalahating oras ay nakita kong lumabas na ito at umalis. Hindi ko na ito sinundan pa at nung masiguro ko na nakaalis na si Lance ay nagtungo ako sa museo kung saan siya pumasok kanina. Nung nasa loob na ako ng museo ay bigla akong nagulat nung makilala ko kung sino ang nakalibing dito.

What are you now, I was there

What I am now, you will be

Craig Fort Zarsadias

Si Craig pala ang laging binibisita ni Lance kapag pumupunta siya dito. Kilala ko si Craig pero hindi kami close. Si Craig ay bestfriend ni Lance na matagal na panahon, simula pa ng bata sila. Ang pagkakaalam ko kaya ito namatay ay uminom siya ng rat pioson, kaya daw niya ito ginawa ay dahil sa depression at heartache. Natagpuan na lang itong patay sa kanyang kwarto. Nagiwan pa nga ito ng sulat, ang sabi sa sulat ay I can't take it, Sorry – hindi ko talaga alam kung bakit niya ginawa 'yon.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at umalis, mali pala ang hinala ko, akala ko si Lance na pero hindi pala. Pero bago ako tuluyang maka-alis may nakita akong kulay silver na kwentas sa puntod nito, kinuha ko ito at tiningnan... binuksan ko 'yong kwentas at nakita ko ang dalawang lalake sa litrato na mukhang masaya habang sila ay nasa beach at napansin ko agad na may tattoo pala si Lance sa dibdib. At lalo akong hindi makapaniwala nung may napansin akong pamilyar na mukha sa likod nina Lance, hindi ako pweding magkamali ito si Jane Praise Cayetano.


John Chris Gonzales

Kanina ko pa iniisip 'yong mga letra na binibigay ng killer sa amin, baka clue ito o baka naman binibigay per letter 'yong pangalan niya.

Emman – M

Vio – A

Julius – C

Ano pa ang kasunod nito pero parang ayaw ko ng malaman pa kung ano ito dahil sa bawat letra isang buhay ang nawawala. Bigla na lang ako napasigaw sa walang kadahilan,

"Bahala na!" sigaw ko habang kapit-kapit ko ang aking ulo

Pinatay ko na 'yong laptop at pumunta sa aking kama at ibinagsak ang aking katawan. Lumipas pa ang ilang sandali ay dinalaw na ako ng antok.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon