CHAPTER 8

16 2 0
                                    

Sir Andrew Hernandez

May nilabas ito ng maliit na tabletas sa kanyang bulsa. Hindi ako pwedeng magkamali ecstacy ito! Inaakit nila akong inumin ito pero nagdadalawang isip ako kung itatake ko ito o huwag na lang. I took four tablets and I know, I am risking myself to any danger. Alam ko kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Ininum ko yong apat na ecstacy, nakita ko silang lahat na nagulat at hindi makapaniwala. Narinig kong sumigaw si PJ. "Good job sir". Ramdam na ramdam ko na dumaloy yung apat na ecstacy sa aking lalamunan at naramdaman ko agad ang epekto nito sa akin. Gumaan ang aking pakiramdam para akong nasa langit. Nawala lahat ng aking problema pero makalipas ang limang minuto nag-iba na yung aking pakiramdam.

Rommel Camonias

"Sir ayos ka lang?" tanong ko "Bakit parang namumutla ka sir?" dagdag ko

Hindi ito sumasagot pero ngumingiti ito. Nagulat kaming lahat noong natumba ito at nagsimulang magisay.

"Sir!" sigaw naming lahat

"Anong nangyayari kay sir?" tanong ni Airiek habang nagpapanik

"Tulungan niyo si Sir!" sigaw ni Ariel

"Guys nalimutan ninyo na ba last November nagkaganyan na rin si Sir, inatake na rin siya noong Halloween party natin sa school" saad ko "Di ba guys ang sabi sa atin nung nurse ay may epilepcy si Sir"

"Anong gagawin natin?" tanong ni Mikko habang nagpapanik na rin

"Kasalanan kasi ito nina PJ at Rene" sisi ni Bernard. "Ooohh, wait lang bakit ninyo kami sinisisi, kung isa lang ang kinuha niya ay hindi siya sana magkakaganyan" katwiran ni Rene

"Kasalanan niyo kung hindi ninyo inalok si Sir ng ecstacy ay hindi siya magkakaganyan" galit na sigaw ni Bernard.

"Lintik na tumahimik nga kayo, nagsisihan pa kayo. Nandito na to wala na tayong magagawa" galit na saway ni Archibald.

"Kasalan natin to!" bulong ni Grant

"Bakit tayo? wala akong kasalanan diyan" pagtanggol ni Bernard sa sarili

"Putcha! Bernard meron kang kasalanan dito at tayong lahat ay damay. Pinabayaan natin si Sir na inumin yung ecstacy na alam na natin na may sakit siya" galit na sigaw ni Archibald

"Kuya Archie, anong gagawin natin?" tanong ni Vio habang maluha luha na.

"hindi ko alam!" sigaw ni Archibald.

Habang ang buong klase ay nagtatalo ay biglang tumigil si Sir Andrew sa pangingisay, natigilan ang kaming lahat noong nagsalita si Rene

"Buhay pa ba yan?" tanong ni Rene na walang bakas na nakokonsensya.

"Tumahimik ka nga Rene, ang sama mo!" saad ni Dan Chris.

Kinapa ni Archibald ang pulso ni Sir Andrew. "Wala na siyang pulso" gimbal na saad nito.

Naglakihan ang mga mata naming lahat.

"ANO?" sigaw na tanong ni Reniel

"Anong gagawin natin?" tanong ni Fheil habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa amin ngayon.

"Sabihin natin sa police!" saad ni Dave.

"Takte, Dave mag-isip ka nga kung sasabihin natin ito sa police ay makukulong tayong lahat" saad ni Archibald.

"Makukulong!" sigaw na sambit nina Airiek at Ariel. "Anong gagawin natin sa katawan ni Sir?" tanong ni John Chris.

Wait guys, I've seen a well in the back of the house earlier, saad ko sa mga ito na hindi ko alam ang pinagsasabi ko, para bang inu-utusan ko ang mga ito na doon itapon ang katawan ni sir

"Sige doon na lang natin itago yung bangkay ni Sir Andrew" bulong ni Louisse

"pero papaano kung lumutang yang katawan at mangamoy doon?" tanong ni Ranji na nag-aalala. "Basta gawin ninyo na lang!" sigaw ni Archibald "Talian ninyo yung mga paa ni Sir Andrew ng mabigat na bagay para hindi lumutang ang kanyang bangkay" utos pa nito

Tinali nina Julius at Kim ang mga paa ni Sir Andrew. "Tara buhatin natin" sigaw ni Archibald.

"Takte ang bigat" saad ni Ariel

"Ang arte mo naman" reklamo ni Archibald.

Noong nandoon na kaming lahat sa balun, nagsalita si Archibald. Pagbilang ko ng tatlo ihahagis natin si sir sa balun.

"After three or before three" tanong ni Marco. "Syempre after three ang abno mo talaga" saad ni Louisse.

"One......Two........Three"

inihagis na nga nila ang katawan ni sir Andrew sa may balun. Pagkatapos naming gawin yun nagusap-usap kaming lahat.

"Walang makakaalam nito!" saad ni Archibald. "Pero –" saad ni PJ

"Wala ng pero pero basta isipin ninyo na lang na hindi ito nangyari at bukas ng umaga ay aalis na tayo dito at lilipat tayo ng ibang bakasyunan para walang maghinala sa atin and guys remember what you see, what you hear when you leave, leave it here, understand?" saad ni Archibald

"do you mean that ibabaon na natin ito sa limut at iiwanan dito ang lahat?" tanong ni Airiek

"What if –" saad ni Dave.

"Wala ng what if at pero basta manahimik kayo!" sigaw ni Archibald "walang makakalabas o magkwekwento nito sa iba at kapag na laman ko na pinagkalat niyo ito may mangyayari sa inyong masama" banta ni Archibald sa amin.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon