Archibald Silva
"Gumising na kayo, alas dyes na!" sigaw ko. Nagsimula na silang magbabaan galing sa kanila-kanilang kwarto.
"Guys, nakita ninyo ba si Bryan? kasi kanina pang madaling araw wala sa aming kwarto" tanong ni Kim.
"Ako! nakita ko siya kaninang madaling araw, nasa may kusina, nagugutom daw siya" saad ni Gep
"Baka nandyan lang siya" saad ni Lance habang nagkukusot ng mata.
At noong nakumpleto na ang lahat, nagtungo ang mga ito sa sala para mag-usap.
"Guys, we need to talk!" bungad kong panalita. "Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ni Rene
"Mamaya na lang, mas importante ito" saad ko dito. "Tungkol saan ba ito?" tanong ni Airiek.
iimik na sana ako noong may nakita akong papel sa ibabaw ng lamesa, kinuha ko ito at binuksan.
"Ano yan?" tanong ni Julius.
"Sulat!" saad ko habang nakangiting nakakaloko.
"Galing kanino?" Tanong ni Julius.
"Teka lang hindi ko pa nababasa dahil tanong kayo ng tanong" saad ko dito.
Binasa ko na yung ang liham, napakunot ako ng noo habang binabasa ko ito.
Nagtaka ang lahat dahil sa aking inasal. "Archie, kanino galing yan?" tanong ni John Chris.
"Galing kay Bryan" bulong ko.
"Anong nilalaman nung sulat?" tanong ni Rommel. "Nakauwi na daw sina Grant, Louisse at Marco kaninang madaling araw" saad ni Archibald.
"O, nasaan sila?" tanong ni Reniel.
"Oo nga saan daw sila galing?" tanong ni PJ.
"Ayon na nga, naligaw daw ang mga ito at nagkita-kita sila sa gubat kaya hindi sila nakauwi agad" saad ko sa mga ito.
"Eh nasaan na sila ngayon?" takang tanong ni Julius. "Umuwi na daw sila ng Lucena" saad ko.
"Ha! Bakit daw sila umuwi agad" tanong ni Kim. "Nagkaroon daw ng emergency sa school natin at kailangan daw silang apat doon" sagot ko.
"Anong importanting bagay naman yun na pinagpalit tayo?" reklamong tanong ni Dave.
"At isa pa guys, they used our boat for transportation" nakangiti kong tugon sa mga ito. "WHAT!" sabay-sabay na sambit ng lahat.
"Papaano tayo makakauwi nan?" reklamong tanong ni Dan Chris.
"H'wag kayong magalala guys, nalimutan ninyo na ba na may napuntang tao dito para maglinis" saad ni Lance.
"Oo nga no!" saad ni Ranji.
"Teka lang guys may naalala ako kagabi ginigising ako ni Bryan pero hindi ko pinansin ito dahil sa sobrang antok ko pa" saad ni Kim.
"Baka magpapaalam siya" sangat ni Mikko.
"O guys wala na pala tayong problema at wala na rin tayong dapat pag-usapan" saad ko.
"Kung wala na tayong pag-uusapan ay pwede na ba tayong kumain?" tanong ni Rene habang nakahawak sa kanyang tiyan.
"Sige kumain na tayo!" nakangiti kong tugon sa mga ito
"May pagkain na ba?" takang tanong ni Neil. "Syempre meron na!" saad ni Archibald
"Sinong nagluto?" tanong ni Lance.
"Ako!" pagyayabang ko.
"Ikaw?" sabay sabay na sagot ng lahat.
Maalam ka ba magluto?" Takang tanong ni Bernard. "Wow! Bago yan ah" saad ni Rommel.
"Anong tingin ninyo sa akin stupid, hahaha" nakatawang saad ko.
"Maiba ako Archie, ano ba ang niluto mo?" tanong ni Fheil na mukhang gutom na rin.
"Bacon, eggs, hotdog at fried rice" saad ko.
Biglang tumawa sina Rene at PJ.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Kaya ka pala nakapagluto puro pinirito, hahahaha" nakatawang saad ni Rene.
"Anong masama doon" reklamo ko.
"Hay naku kayong dalawa Rene at PJ wala talaga kayong magawa ano" reklamo ni Airiek.
"Tara na guys mamaya na tayo mag-usap gutom na talaga ako" akit ni Rene habang dahan-dahan itong humahakbang patungo sa malaking kusina.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek