Ranji Mercado
Ano ba ang nangyayari sa mga ito, nag-aaway pa e. Ito naman si Archibald hindi ko makuha ang ugali, minsan malakas ang trip at pagminsan napakaseryuso. Ang bilis pati nitong magshift ng mood. Aaaahhaah sala sa lamig, sala sa init, reklamo ko sa aking isipan habang ako ay nakain. Sa bawat pagsubo ko ng pagkain ay wala akong malasahan kundu pait, hindi naman ampalaya ang kinakain naming kundi adobong baboy pero wala talaga akong malasahan dahil siguro sa dami na pumapasok na mga tanong sa aking isipan. Ano ba talaga ang nangyayari? Ano bang meron talaga dito? Ano ba ang gagawin ko? Nawalan na ako ng gana, nakita ko ang aking pinggan na marami pang kanin at ulam halos hindi ko ito nagalaw. Tumayo na ako at umalis, narinig kong nagsalita si Archibald bago pa ako tuluyang makalabas ng kusina. Ranji, saan ka pupunta... hindi pa tayo tapos kumain, sabi nito na may mautoridad na boses. Wala na akong ganang kumain, gusto ko nang magpahinga, sabi ko dito at tuluyan na akong lumabas ng kusina. Pero bago pa ako makalabas ay nakita kong tumayo na rin si Rommel.
Rommel Camonias
Nagulat ako ng biglang tumayo si Ranji. Kanina ko pa napapansin ang kanyang katahimikan. Alam kong may gumugulo sa kanyang isipan pero hindi ko mawari kung ano ito. Kaya napagdesisyunan ko na sumunod, hindi ko na tinapos ang aking pagkain. Tumayo na ako at umalis pero bago ako makaalis ay kinapitan ako sa braso ni John Chris. Tumingin ito sa akin na merong kahulugan, hindi naman ako nahirapan na intindihin ang gusto nitong ipahiwatig. Napatingin agad ako kay Archibald, at doon ko nalaman na nakatitig na ito sa akin. Umiwas agad ako ng tingin dito at umupo. Hindi ko kayang makipagtitigan dito dahil nakakatakot at nanlilisik ang mga mata nito at para bang hindi si Archibald ang kaharap ko ngayon. Parang sinapian ito ng masamang espiritu at parang lalamunin ako ng buong buo. NAKAKATAKOT!
Neil Carias
Nakakabingi ang katahimikan dito ngayon ang makikinig mo lang ay ang mga tunog ng mga plato at kubyertos na nagsisisalpukan sa isa't isa. Hindi ako sanay ng ganito. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid at nakita ko ang aking mga kaklase na tahimik lang na kumakain. Pero makikita mo sa kanilang mga mata ang pag-iisip ng malalim na para bang gulong-gulo na ang mga ito pero ang iba ay parang walang pakialam sa nangyayari katulad na lang nina Dave, Airiek at Vio na nagkukulitan lang habang nakain. Hindi ba nila iniisip kung ano ang dapat gawin, bakit ang manhid nila o baka naman talaga na wala silang pakialam sa amin. Hay bahala sila, tumingin naman ako sa iba kong mga kaklase, Si Rene na merong nakapasak na earphones sa mga tenga nito. Ang lakas ng music nito dahil rinig na rinig ko sa pwesto ko ang musika na pinatutugtog nito. Hindi kaya ito nabibingi? Napatingin naman ako sa katabi nito, si Lance wala akong makitang emosyon dito, nakakapanibago... hindi ako sanay na makita itong ganito, lagi kasi ito nakangiti. Meron pala itong tinatagong ibang ugali. Sa bawat titig niya ay may halong kahulugan parang may sinasabi ang mga mata nito pero hindi ko mawari kung ano ito. Napatingin naman ako sa may kabisera at doon ko nakita si Archibald na nakatingin sa akin, hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman noong nahuli ko itong nakatingin sa akin at bigla itong ngumiti na nakakaloko. Umiwas agad ako ng tingin dito dahil sa kakaiba nitong titig, nakakatakot ito parang hindi ko siya kilala, parang hindi siya si Archibald. Para siyang demonyo.
The Murderer
Ang saya-saya talaga, nagkakagulo na sila. Para silang mga tanga na nag-aaway pa sa halip na nagtutulungan. Mga ulol talaga ang mga ito, mga walang kwenta. Ang dapat sa kanila ay mamatay dahil yon naman talaga ang bagay sa kanila, mga walang kwentang nilalang pwe. Nakikita ko sa mga mukha nila ang takot at pangamba sa mga nangyayari sa kanilang buhay ngayon. Hindi sila nakinig sa mga babala na ibinigay ko sa kanila. Pwes huli na sila para umatras dahil nagsisimula na ang laro papuntang impyerno. Para akong asong lobo sa gubat at sila naman ay mga tupang walang pastol. Wala silang kalaban laban sa aking mga bitag dahil ang mga tupa na katulad nila ay walang kwenta kapag walang pastol. Hindi nila ako masisisi kung bakit nagging ganito ako, kung bakit ko ito kailangan gawin sa kanila. Hinding hindi ko sila mapapatawad kailan man dahil ANG MGA BUHAY NILA AY HINDI PA SAPAT PARA BAYARAN AKO. Kinuha nila ang aking nag-iisang kayaman dito sa lupa.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek