Vio Quejano
Takte ang hirap ng signal dito, kailangan kong tawagan sina Mama baka mag-alala na'yong mga yon. Tsk tsk bakit kasi hindi ko naalala na tawagan sila kahapon noong nasa bayan pa kami. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa napad-pad ako sa likod bahay sa may taniman ng sugar cane. Yes! sigaw ko, meron dito "two bars". Dinayal ko na agad ang number ni mama. Sa pangalawang ring ay sumagot agad ito. ANAK! Sigaw ni mama sa may kabilang linya. Ma ang OA, nakakabingi kaya, reklamo ko dito na may ngiti sa aking mga labi. Sa halip na magalit si mama ay maririnig mo sa kabilang linya ang malalim na buntong hininga na pinakawalan nito. Ayos ka ba diyan? Tanong nito na merong pag-alala sa kanyang tono. At bakit ngayon ka lang tumawag nag-alala kami ng papa mo sa iyo, dugtong nito. Lalong bumigat ang aking nararamdam dahil alam kong naluha na si mama sa kabilang linya. Sorry po ma, ang hirap po kasi talaga dito ng signal dito pachambahan lang.. by the way ma nasaan si papa? Paglilihis ko ng usapan. Nandito sa aking katabi naghihilik, pagod sa trabaho, sabi nito na may pangaasar sa kanyang tono. Sige ma, pakisabi kay papa h'wag pagudin ang kanyang sarili at ikaw rin ma, alagan mo ang iyong sarili ha, I love you, pagpapaalam ko dito. Sige anak magiingat ka rin diyan I love you too, saad nito. Binaba ko na yung aking telepono at inilagay sa aking bulsa. Babalik na sana ako ng bahay subalit nagulat ako sa isang matanda sa aking harapan, ito yung matanda na muntikan na naming masagasaan. Bigla itong sumigaw ng "WALA NA KAYONG TAKAS, MAMAMATAY NA KAYONG LAHAT" napaatras ako at natumba sa lupa. Arayyy daing ko habang ako ay nakapikit at noong minulat ko ang aking mata ay wala nang matanda sa aking harapan. Tumayo ako at nagsimulang tumakbo papuntang bahay habang sumisigaw.
Gep Gondra
Naalimpungatan ako ng may nagbukas ng gripo sa may banyo. Malakas ang pagkakabukas nito at rinig na rinig sa aking kinahihigaan ang lagaslas ng tubig. Kuya Lhyrrie, hinaan mo nga yan. Nakaka-disturbo ka, sigaw ko dito habang ako ay nakahiga pa rin pero wala itong sagot nagpatuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa may banyo. Kuya Lhyrrie, kung ayaw mong matulog magpatulog ka naman, sigaw ko dito habang ako ay nakatok sa may pinto. Pagkatapos kong magsalita ay narinig ko sinarado na nito ang gripo. Muchas gracias amigo pagpapasalamat ko dito habang pabalik na ako sa kama para matulog ulit. Noong pahiga na ako ay nakita ko yong pinto na bumukas. Hinintay kong may lumabas dito pero wala, walang Lhyrrieng iniluwal nito. Kuya Lhyrrie? Tawag ko dito na may pangamba sa aking boses pero walang sumagot dito bagkus binuksan ulit ang gripo at muling dumaloy ang tubig. Kuya Lhyrrie, hindi nakakatawa yang ginagawa mo, reklamo ko dito. Nagulat ako ng may narinig akong munting tawa na nagmumula sa loob. Kuya Lhyrrie naman e, hindi ka na nakakatuwa promise, reklamo ko dito. Biglang nagsitayuan ang aking balahibo ng biglang nagsarado ang pinto ng banyo. Sobrang lakas ng pagkakasarado nito para bang tinulak ito ng isang malakas na hangin. Tiningan ko ang mga binta ng kwarto pero nakasarado ito. Kuya Lhyrrie isa, hindi na talaga ako naiigihan sa pinaggagawa mo! galit kong sabi dito habang patungo sa may pinto ng banyo. Kinatok ko ito ng paulit-ulit, Kuya Lhyrrie ano ba? Reklamo ko dito. Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit ito para buksan ang pinto pero bago ko tuluyang mabuksan ang pinto ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at inuluwal nito si Kuya Lhyrrie. O, Gep mag sisicr ka ba? At bakit ganan ang itsura mo mukha kang nakakita ng multo, pangaasar nito sa akin. Hindi ako makapagsalita parang bang nakain ko ang aking dila. Sige Gep kung hindi ka magbabanyo ay pakisuyo naman umalis ka diyan dahil ako ay nababanyo ako, nakatawang sabi nito sa akin. Teka lang, sa wakas nakahanap na ako ng salitang masasabi dito. Bakit? takang tanong nito sa akin. May tao sa loob, mahina kong sabi dito. Sino? Tanong ulit nito. Hindi ko kilala, ang akala ko nga ikaw, saad ko dito habang kinakamot ko aking batok. E, talaga? Sige nga patingin ako, nakatawang sabi nito. Teka lang kuya pl- naputol yung sasabihin ko noong binuksan na nito ang pinto ng banyo. Wala namang tao e, pinaglololoko mo naman ako e, reklamo nito habang nakakunot ang noo nito. Pero... hindi ko na itinuloy ang aking sasabihin nung nagsalita ito ulit. Hay naku Gepoy, lagi ka kasing tulog e, kung ano-ano na lang ang naiimagine mo. O paano ba yan tumabi ka na diyan at ako ay magsisicr na. Pumasok na ito at isinarado na yung pinto. Hay paranoid alert, ito nanaman ako. Bigla akong napatawa sa aking sarili. Napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng kwarto para makababa. Noong malapit na ako sa hagdanan, narinig ko ang malakas na sigaw na nagmumula sa baba ng bahay.
Fheil Rea
"Aaaaaahhhhhhh!" sigaw namin habang nagmamadali ang mga kaming pumasok sa bahay. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Neil. At nagsipuntahan na rin yung iba sa salas.
"Anong meron?" Tanong ni Ranji habang nakakunot ang noo.
"Grabe mga pare, makasigaw naman kayo parang mamamatay na" nakangiting sangat ni PJ.
Biglang nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni PJ. "Guys, ang dami ninyong sinasabi, pagsalitain na natin muna kaya sila kung ano ang nangyayari sa kanila" nakangiting sabi ni Neil.
Magsasalita sana ako nung sumigaw si Dave.
"Classmates!" Sigaw ni Dave habang ito ay nakayuko ito at parang hapung-hapo ito.
"Sige ganito gu-" naputol 'yong sasabihin ni Neil nung makarinig ulit kami ng malakas na sigaw na nagmumula sa labas ng bahay.
"Guys' buksan ninyo yung pinto please, please –" hestiryang sigaw ng tao sa labas ng bahay.
Hindi ako pweding magkamali, boses ito ni Vio.
"Ranji, buksan mo nga yung pinto" utos ni Neil dito. Nagmadali namang sumunod si Ranji sa utos ni Neil. Noong binuksan na ni Ranji yung pinto ay niluwal nito si Vio na pawis na pawis at mukhang takot na takot ito katulad namin.
"O Vio?" gulat na sabi ni Ranji dito pero parang walang narinig si Dan Chris dahil nagmamadali itong pumasok sa loob ng bahay.
"Bakit ka naman sumisigaw, ginaya mo mo pa sina Dave e" nakakalokong sabi ni PJ na halatang nagtitimpi sa pagtawa.
"Ano naman ang nangyayari sayo para ka ring nakakita ng multo?" seryusong sabi ni Neil.
"Guys, ano ang nangyayari?" takang tanong ni Gep habang ito ay nababa ng hagdanan.
"Rommel, Ariel at Bernard tawagin ninyo yung iba nating kaklase" utos ni Neil sa mga ito.
"Ok" halos sabay nilang sabi.
Umakyat sina Ariel at Rommel sa taas ng bahay at si Bernard naman ay pumunta sa basement at sa labas ng bahay.
Julius Buergo
Napabalikwas ako ng gising nang makarinig ako ng mga bakal na nagtutunugan. Pinilit kong makawala sa aking kinauupuan pero bigo ako dahil mahigpit akong nakatali dito at wala rin akong makita, sapagkat nakapiring ang aking mga mata. Nagulat ako nung may nagsalita sa aking kanang tenga, Oy gising na siya! Ang boses nito ay napakalamig at masarap sa tenga. Sino ka? Tanong ko dito. Sumagot agad ito, kilala mo ako promise!, nag-iba ang tono ng boses nito ngayon at hindi na malamig kundi may halong galit sa tono niya. Pakawalan mo ako dito, hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo. Kapag ako nakaalis dito sasamain ka sa akin, sabi ko dito na merong galit sa aking tono. Wow demanding, sabi nito sa akin at sabay suntok sa aking pisngi. Malakas ito at sobrang sakit ang dinulot nito sa akin at noong nakabawi na ako ng lakas ay nagsalita ulit ako, ano ba ang atraso ko sayo tarando ka!-Napakalaki, sobra! Sabi nito sa akin. Anong malaki? Kilala ba kita? Bakit mo ginagawa ito sa akin? Ano ba ang pinagsasabi mo? Baliw ka ba? sunod-sunod kong tanong dito. Di ba alam ang nangyari? Tanong nito sa akin. Hindi ko siya maintindihan, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Anong pinagsasabi mo ha? Are you insane? sigaw ko dito. Putcha huwag kang sumigaw naiirita ako para kang sina Marco, Louisse, Grant at Bryan, reklamo nito sa akin. Ano! Ano ang pinagsasabi mo, di ba umuwi na sila? Gulat kong sabi ko dito. Anong ginawa mo sa kanila? Dagdag kong tanong dito. Dumaaan ang nakakabinging katahimikan bago ito sumagot. Wala naman pinagpahinga ko lang sila habang .... Buhay at ang good news ko sayo ay malapit mo na rin silang makasama, sabi nito sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa aking nalaman at hindi ko rin lubos maisip na hahantong ako sa ganitong pagkakataon. Wala akong magawa kundi umiyak na lang. takte umiiyak ka ba? Grabe pre ang pangit mo palang umiyak, hindi bagay sayo mukha kang baboy, sabay tawa ng malakas ito. Please, kung sino ka man ay pakawalan mo na ako dito, pakiusap ko dito. In your fucking dreams! Pangaasar nito lalo sa akin. Magsasalita sana ako noong nakarinig kami ng mga ingay sa loob ng bahay. Putcha, mga isturbo talaga. Mga walang kwenta. Teka lang Julius babalikan kita, inis na sabi nito sa akin. Naramdaman kong lumayo ito sa aking tabi hanggang sa may narinig akong pagbubukas ng pinto at pagsasarado nito.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek