CHAPTER 31

7 2 0
                                    


PJ Rodillas

Nakauwi na ako sa aming bahay. Nakita ko sina mama sa sala nanonood ng T.V, seryuso ang mga ito sa panonood kaya hindi ko na sila inabala umakyat na ako at pumunta sa aking kwarto. Ibinagsak ko ang aking sarili sa aking kama. Gusto ko sanang matulog subalit hindi ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa rin 'yong nagawa ko kanina, nakokonsensya na ako, pumatay ako ng tao.

"What have you done PJ?" tanong ng konsensya ko.

Nagiguilty na talaga ako pero ayaw ko pang mamatay. Kailangan kong unahan sila kaya gumawa na ako ng paraan.

"Murderer!" sigaw ng konsensya ko.

"Murderer!" ulit pa nito

"ENOUGH!" sigaw ko

Pero hindi ito tumigil, inuulit-ulit pa nito ang pagkonsensya sa akin.

"Enoug –" naputol yung sasabihin ko noong tumunog ang aking cellphone.

1 messege recieved

From: Unknown

I knew, what had you done!

Huh? – meron ulit akong narecieve na messege mula dito.

1 messege recieved

From: Unknown

Murderer! Pinatay mo si John Chris!!!

Pagkatapos kong basahin ito ay bigla may narecieve pa akong mga litrato mula dito. Mga larawan na kuha kanina, ako 'yong nasa litrato habang sinusunog ko 'yong bahay nina John Chris. Brinowse ko pa ito hanggang sa binato ko 'yong aking cellphone sa pader pero hindi ito tumiggil dahil bigla kong narinig ang mga beep ng notif ko sa aking desktop, pero lumipas pa ang ilang sanadali ay biglang tumunog yong isa kong cellphone.

Pinindot ko na yong accept button para sagutin ang tawag mula sa unknown caller.

"Hello" mahina kong bati dito, pero walang sumasagot mula sa kabilang linya.

"Hello" ulit ko, bigla akong nangilabot nung tumawa ito. Ang tawa nito ay parang pangdemonyo, nakakatakot.

"Ano ba ang kailangan mo? Pera ba?" sigaw ko dito "Babayaran kita, kahit magkano!"

"Hindi ko kailangan ang pera mo, ang kailangan ko ang mga buhay ninyo!" sabi nito sa kabilang linya na may galak sa kanyang tuno "Alam ko ang lahat ng iyong ginawa, pinatay mo si John Chris, makukulong ka!"

"Please h'wag!" pakiusap ko dito.

"Sige ganito, mamili ka" sabi nito "Makukulong ka habang buhay o Magpapakamatay ka!"

"Ayaw kong makulong!"

"So, it's your choice, classmate h'wag munang hintayin pa na ako ang pumunta sa inyo para patayin kita kasama ang pamilya mo!"

"Fvck yo –" naputol na yung sasabihin ko nung naputol na yong linya.

"Shit!" anong gagawin ko? Nalilito na ako. Ayaw kong makulong pero ayaw ko ring mamatay ang aking pamilya. Anong gagawin ko, bigla akong nagpanic nung may bumato sa aking bintana ang isang malaking bato na binalutan ng papel. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa papel.

Classmate, naghihintay ako! Isang bala lang ang mga magulang mo dito sa salas!

Tumingin ako sa bintana subalit wala na akong makita kundi kadiliman ng paligid. Nagpalakad lakad ako sa aking kwarto hanggang sa napadpad ako sa aking banyo at nakakita ng muriatic acid. Kinuha ko at ininom ang laman nito, halos maubos ang laman ng bote. Ramdam na ramdam ko 'yong acido sa aking lalamunan. Sobrang init at napakasakit, sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala na akong maalala at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon