"Classmates, tingnan ninyo ito" sabi ni Lance habang pinapakita yong kanyang cellphone "yong balita tungkol kay Vio ay meron din sa facebook at ito pa may napapansin ba kayong kakaiba sa larawan ni Vio" dagdag pa nito.
"May sugat din siya sa kanang dibdib na parang letter A" mahinang ani ni Gep.
"Sugat? 'yong sugat na inukit sa dibdib ni Julius?" patanong na sabi ni Ariel.
"It means that sinundan tayo nito mula San Francisco" sabi ni Bernard na halatang hindi makapaniwala.
"It means iisang tao ang gumawa nito" takot na sabi ni Dan Chris.
"Syempre iisang tao ang gumagawa nito, di ba nagbibigay na siya ng clue!" iritadong sabi ni Kim.
"Anong gagaw – " naputol yung sasabihin ni Rommel noong may kumatok ulit sa pintuan.
Isa, dalawa hanggang limang katok muna ang pinalampas ni Archibald bago iutos kay Dan Chris na buksan ang pinto.
"Dan, pakisuyo na"
Tumalima naman agad ito, pinagmasdan ng buong klase ang pinto. Nakita nilang hinawakan na ni Dan Chris ang doorknob at pinihit ito. Nung nabuksan na ang pinto ay biglang naglakihan ang mga mata nang mga ito. Iniluwal ng pinto ang taong hindi nila inaasahan.
"Hi Classmates" nakangiting bati nung bagong dating.
"Jay-jay!" sigaw ni Rene na may ngiti sa kanyang mga labi. "Kamusta ka na? Nasaan si Yasser na iyong kapatid?" dagdag pa nito.
"Ah, nasa kotse kinukuha lang niya yong cellphone niya"
"Paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ni Archibald na may galak sa kanyang tono na akala mo walang problemang hinaharap kanina.
"Syempre ako pa" sabay tawa ng malakas
Lumipas pa ang ilang sandali ay dumating na si Yasser.
"Hi, classmates long time no see" nakangiting bati nito sa kanila.
"YASSER!" sigaw ni PJ "Hindi ka pa rin nagbabago mukha ka pa ring engot" sabay tawa at nagtawanan din ang lahat.
"Grabe naman kayo, Oh kamusta na? Bakit parang kulang kayo?" sabi nito.
At pagkasabi nito ay biglang napatahimik ang lahat, maliban sa malakas na tawa na galing kay Jay-jay.
Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan ang dumapo sa buong klase.
+++
"Umuwi na agad kayo" sabi ni Archibald sa kanilang lahat noong nasa labas na sila ng building "At kung maaari ay buddy system tayo ngayon, walang palayas-layas pa" dagdag pa nito na may seryusong ekspresyon.
"Classmate una na kami ni Yasser, pupunta pa kaming town proper para imeet si Mama at Papa" paalam ni Jay-jay sa kanila.
"Ako rin" paalam ni Lance
"Ikaw lang mag-isa?" takang tanong ni Archibald "Remember Buddy system tayo ngayon" dagdag nito.
"Archie, I can handle myself at tsaka may pupuntahan pa ako at kikitain" nakangiting sagot nito.
"Sige basta mag-iingat ka ha" paalala ni Archibald.
"Sige" matipid na sagot ni Lance at sabay talikod nito at nagsimula ng lumisan.
Nagsimula na rin 'yong ibang umalis at ang natitira na lang ay sina Kim at Emman.
Kim Malabatuan
Pinagmasdan ko ang aking mga kaklse na umaalis para umuwi sa kani-kanilang bahay. Pinagpatuloy ko lang ito hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa. Sanay naman akong mag-isa at walang kasama pagumuuwi. Pakiramdam ko nga ayaw nila sa akin, para akong hindi kasali sa klasing ito. Lagi na lang silang lumalayo sa akin hindi ko naman alam kung bakit malayo sila sa akin.
"Hoy Kim!" tawag sa akin ni Emman.
Nandito pa pala ito, akala ko kasama niya si Mikko pag-uwi.
"Bakit?" bored kong tugon dito.
"Uuwi na ako, sasabay ka ba?"
"Hindi na may pupuntahan pa ako, kaya ko na pati ang aking sarili" pagsisinungaling ko dito kahit na wala akong pupuntahan.
"Walang kwenta talaga ito, weirdo" mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko ang sinasabi niya.
Hindi ko na ito pinansin pa para wala ng gulo. Pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo ito sa akin. At bigla na alang akong nakaramdam ng kakaiba para bang may mangyayaring masama katulad na lang kina Julius at Vio bago sila mawala, parehas na parehas ang aking pakiramdam. Pero hindi ko na ito pinasin pa, pake ko ba, bahala sila sa mga buhay nila.
Emman Tagbago
Kanina pa ako nakakaramdam na para bang may sumusunod sa akin. I hate this feeling, napaparaniod na ako. Bakit kasi hindi pa ako sumama kay Mikko e, reklamo ko sa aking sarili. Lumingon ako sa aking likod pero wala akong nakita,
Paranoid alert!
Pero hindi ko maiwasan na mag-isip ng ganito dahil sa mga nangyayari sa amin. Ayaw ko pang mamatay. Natatakot na ako sa pweding mangyari sa akin, what if ako na ang isunod nung killer. Nakakaparanoid e.
Paranoid alert!
Ito na naman ako napaparanoid na ulit. Hindi talaga ako mapakali para talagang may sumusunod sa akin. Alam kong may kasama ako, lumingon ako sa aking likod pero wala akong nakitang kakaiba puro mga batang lansangan lang ang aking nakita.
"Hay praning na yata ako e"
Bigla akong napatalon sa gulat nung nagvibrate ang aking cellphone.
1 messege received
From: Bryan Fatalla
Emman, please help us, we need your help.
Nagreplay agad ako dito kahit hindi ko alam ang magiging reaction ko.
Di ba patay na sila? Pero kung patay na sila, bakit sila magtetext sa akin. It means, buhay pa sina Marco, Oh my – na saan ka ba? Replay ko dito. Wala pang sampung segundo ay sumagot agad ito.
1 messege recieved
From: Bryan Fatalla
Hindi ako sure pero sa aking nakikita sa butas nasa isa kaming subdivision, parang nasa Inmaculada kami, please help us!
Hindi na ako nagreplay pa at nagmadali na akong pumunta sa sinasabi ni Bryan. Alam ko yung lugar na 'yon dahil madalas kaming pumunta doon para maglaro ng basketball at doon din sa lugar na 'yon naganap ang pinakasekrito ng klase namin.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek