Airiek Malicdem
May napapansin akong kakaiba sa aming dinadaanan ngayon, bakit parang sobrang dami ng tuyong dahon ngayon? Bakit ganito ito, hindi naman ito katulad dati nung una naming salta dito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng sitsit, napatingin agad ako sa likod pero wala akong nakita kundi puno. Binalewala ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla akong napatigil noong may narinig akong kanta, kanta ito ng isang laro ng mga bata.
"Tago-taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa... dalawa... tatlo"
Pagkatapos nitong magbilang, ay may naaninag akong lumabas sa isang puno pigura ito ng tao na may hawak na kutsilyo,
"Huli ka"
Tumalikod ako dito at nagsimulang tumakbo, tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nalagpasan ko na sina Archibald.
"Guys, run – he's here!" sigaw ko dito.
Nakita ko nang tumakbo ang mga ito. Narinig kong nagsalita si Bernard.
"Shit"
Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo hanggang sa matanaw ko na ang bahay lalo kong binilisan ang pagtakbo, nung malapit na ako sa bahay ay bigla akong nabuslot sa isang animal trap na merong mga bakal na matutulis wala na akong nagawa kundi sumigaw.
Bernard Oabel
Oh my god, nakita namin si Airiek na nalaglag at puro tusok ang katawan nito ng mga bakal na nakatanim dito. Meron din itong tusok sa mata at leeg. Pinikit ko na lang ang aking mata at nagpatuloy pumasok sa bahay. Nung nakapasok na kami sa loob ay nagsalita si Archibald.
"Lock ninyo yung pinto!"
Nilock nga ni Lance ang pinto ng bahay at nagwika ng,
"I think guys, kumagat tayo sa pain niya"
"What do you mean, kumagat?" tanong ko na hingal na hingal.
"It's a trap na pumasok tayo sa bahay, alam niya na magiging limitado ang galaw natin at isa pa guys, isa lang ang pasukan dito at labasan" sabi ni Lance.
"Yung main door?" sabi ni Dan Chris.
"Yes!" sabi ni Lance.
"Anong panghinihintay natin, lumabas na tayo!" sabi ni Mikko.
"Hindi tayo pweding lumabas, nasa labas 'yong killer" sigaw ni Archibald.
"Oo nga no pero isa lang siya , lima tayo" sabi ko.
"Tara na!" akit ni Mikko.
Tinanggal na ni Lance ang mga lock ng pinto.
"Ready guys?" sabi ni Lance habang pinipihit ang dalawang doorknob subalit bigo kaming buksan ito "Shit, ayaw magbukas" dagdag pa nito.
"Buksan mo yung ilaw!" sabi ni Archibald.
Sumunod naman kami at ilang sandali lang ay lumiwanag na ang paligid.
"Guys, anong gagawin natin?" tanong ni Mikko.
"Ganto maghiwalay-huwalay tayo at maghanap ng magagamit para labanan ang killer" sabi ni Archibald.
"Sige" halos sabay-sabay naming sagot dito.
Umakyat si Mikko sa taas at si Lance naman sa study room ng papa niya, si Dan Chris naman sa kusina at si Archibald ay sa taas din ng bahay at ako naman ay pumunta sa basement. Nung nasa baba na ako at naghahanap ng magagamit, bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya. Para bang may nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga ako subalit wala akong nakita. Nagpatuloy na ako sa paghahanap noong masiguro ko na walang tao.
"Shit, paranoid alert"
Lumipas pa ang ilang sandali ay biglang namatay ang ilaw at kasabay nito ang pagsarado ng pinto sa taas.
"Holy Cow!"
Bigla akong nagulat nung may nagsalita sa aking likod, hindi ko ito maaninag subalit kilala ko ang boses nito.
"Let's play hide and seek! Ako ang taya" sabi nito.
"Hindi magandang biro 'yan, tumigil ka na! Mamamatay na tayo dito nagagawa mo pang-maglaro"
Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa..."
"Pre tumigil ka na!"
"Dalawa"
"Ano ba-" naputol 'yong sasabihin ko nung nakaramdam ako pagsakit ng aking tiyan. Hinawakan ko ito, at laking gulat ko nung kutsilyo na pala ang nakabaon sa aking tiyan. Unti-unti nitong hinugot at bigla akong napasigaw sa sakit.
"Magtago ka na!" bulong nito sa akin.
Napaatras ako at biglang tumakbo papalayo dito habang hawak-hawak ko ang aking tiyan.
"Tatlo" sigaw nito.
Hindi na ako mapakali, hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Akala ko, pinaglalaruan lang kami ng killer, 'yon pala... isa sa amin ang killer. Bigla akong napalingon sa aking kanan at may nakitang kabinet na malaki na pweding taguan. Hindi na ako nagdalawang isip pa, pumasok na agad ako doon.
"Bernard, nasaan ka na?" sigaw nito sa malayo.
Lumipas pa ang ilang sandali ay nakita ko na ito sa aking harapan. Bigla akong napasinghap at nagpigil ng hininga.
"Bernard!" mapanglokong tawag nito sa aking pangalan.
Tinakpan ko ang aking bibig nung humarap ito sa akin. Pinagmasdan niya ang kabinet, nung bubuksan na niya ito ay biglang may tumunog ng kung anong bagay sa malayo. Nakita kung umalis ito sa harapan ng kabinet, bigla akong nakahinga ng maluwag nung umalis ito sa aking harapan. Lumipas ang tatlong minuto hindi na ito bumalik pa sa aking pwesto kaya napagdesisyunan ko ng umalis para makatakas. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng kabinet at bigla akong nagulat noong tumalon ito sa aking harapan.
"BOOM!" sigaw nito na parang bata sabay saksak sa aking tiyan, paulit-ulit nitong ginawa at ngayon ko lang napansin na suot pala nito ang t-shirt ng aming klase – ang Class Masayahing yellow shirt. Hindi ko na alam kung ilan ang natamo kong saksak dahil dumilim na ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek