CHAPTER 20

10 1 0
                                    


Classmates parating na daw sina Mang Nestor, maghanda na kayo, sigaw ni Lance mula sa baba ng bahay. Kanina pa ako ready, reklamo ni Bernard habang patakbong bumababa sa magarang hagdanan. Guys, bilisan ninyo sigaw ni Archibald habang kalalabas lang sa kusina. At nung nakumpleto na ang lahat ay pumunta sila sa may sala at nagusap-usap.

"Kung anuman ang nangyari dito sa bakasyon na ito ay dapat walang makakaalam" panimula na sabi ni Archibald. Pero papaano si Juluis, ano ang sasabihin natin sa magulang niya, sangat ni Lance. Basta ako na ang bahala sa bagay na'yon, wala ng pero pero, sabi ni Archibald na medyo napalakas ang pagkakasabi na halatang nagtitimpi ng galit. Lumipas pa ang ilang minuto ay tahimik pa rin ang lahat sa sala. Walang umiimik, ang maririnig mo lang ay ang mga hangin na lumalabas sa kanilang katawan. Nabulabog ang katahimikan noong may kumatok sa pinto. Dan Chris, tingnan mo nga kung sino yan, utos ni Archibald. Hindi, ako na lang baka sina Mang Nestor na yan. Baka magulat yong mga yun na may ibang tao dito. Ang alam lang nila ay ako lang ang nandito, sabi ni Lance habang nakatayo ito.

Emman Tagbago

Pinagmasdan ko si Lance habang ito ay papuntang pinto. Pagkabukas nito ng pinto ay hindi man lang ito bumati ng anuman sa taong nandoon. Maririnig mo ang mga mahihinang boses nina Lance. Mukha itong nagtatalo o nag-aaway pero hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Hanggang sa pumasok na si Lance at pumasok na din ang isang lalake na sigurado ako ay kasing edad lang namin. Pinagmasdan ko yong bagong dating parang pamilyar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Naputol ang aking pagmumuni-muni noong nagsalita si Lance. Guys, this is Conan, anak nina Mang Nestor at Manang Esther, hindi daw sila makakapunta dito dahil may trabaho sila ngayon kaya pinadala nila ang kanilang anak, sabi ni Lance na may ngiti sa kanyang mga labi. Nilibot ko ang aking mga mata at doon ko nakita na nakatitig pala sa akin si Archibald. Umiwas agad ako ng tingin dito dahil sa kakaiba nitong titig. Nakakatakot parang hindi si Archibald ang nakatingin sa akin, para siyang demonyo. Tumayo na ako at nagsimulang buhatin ang aking gamit. Tara na guys, umuwi na tayo, akit ko sa aking mga kaklase. Nagsitayuan naman ang mga ito pero si Archibald ay nanatiling nakaupo at nakatitig sa kawalan pero sa bawat titig nito ay merong kahulugan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari dito.

Mikko Paulino

Bakit ganito ang aking nararamdaman? Bakit napakabigat ng pakiramdam ko sa lalaking ito? Bakit parang nakita ko na ito? Aaahahhaha bahala na! Naputol ang aking iniisip noong nagsalita si Emman. Tara na guys, umuwi na tayo – akit nito sa amin. Nagsimula na rin akong tumayo at kuhain ang aking mga gamit. Nakita kong nangunguna si Emman sa paglabas ng pinto. Sige na classmates umuwi na tayo, basta tandaan ninyo lang ang aking sinabi, sabi ni Archibald sa amin na mukhang binabantaan kami. Walang sumagot sa amin pero mahahalata mo sa bawat titigan ng lahat ang ibig sabihin nito. Iisa lang ang ibig sabihin ng aming tinginan – Oo na, may magagawa ba kami. Damay kaming lahat kung magkakabukingan. Noong nakalabas na kaming lahat ng bahay ay nagsalita si Lance. "Ah, classmates mauna na kayo sa may dalampasigan ilalock lang namin ni Conan ang bahay." "Sige basta bilisan lang ninyo ha", sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad papuntang dalampasigan. Tahimik lang ang lahat sa paglalakad. Nakakabingi ang katahimikan, hindi ako sanay ng ganito parang ang laki ng pinagbago nang lahat nung nagdaang araw. Ano ba talaga ang meron dito? At sino ang gustong pumatay sa amin? Baka isa sa amin ang killer, sino ang pagkakatiwalaan ko? Sino sa kanila? Sino sa amin?

Lhyrrie Guerwela

Makalipas ang sampung minutong paglalakad narating na namin ang dalampasigan kung nasaan ang aming bangkang sasakyan papauwi.

"Guys, wala nang aalis pa o lalayo baka dumating na sina Lance ngayon" saad ni Archibald. Lumipas pa ang kalahating oras bago dumating sina Lance.

"Bakit ang tagal ninyo?" reklamong tanong ni Bernard nung nandoon na ang mga ito sa kanilang pwesto.

"Ah may inayos lang kami baka kasi umuwi sina Papa tapos abutan yong bahay na makalat" paliwanag ni Lance sa kanila habang ito ay nakangiti.

"Ah, ok ok sige alis na tayo baka gabihin tayo sa daan" saad ni Archibald.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon