CHAPTER 41

12 2 0
                                    


Mikko Paulino

May narinig akong kaluskos mula sa labas ng cabinet, sinilip ko ito at doon ko nakita si Lance na naghahanap. Nung wala itong nahanap ay lumabas na ito ng kwarto. Lumipas pa ang nakakabagot na limang minuto ay napagdesisyinan ko na lumabas sa aking tinataguan. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto ng cabinet, nung tuluyan ko na itong nabuksan ay bigla akong napasigaw sa sakit nung naapakan ko ang nakakalat na mga thumb tax. At bigla akong napatingin sa aking harapan nung may napansin akong dalawang pares na sapatos na nakatayo dito.

"S-sino ka?" utal kong tanong dito.

"Aw, nalimutan mo na agad ako? Ako si Drake, remember?" nakasimangot nitong sabi sa akin.

"At boom nga pala!" dagdag nito – sabay saksak ng kutsilyo sa aking tiyan. Isa, dalawa hanggang limang saksak ang natamo ko dito at hindi pa ito na siyahan dahil sinaksak pa nito ang aking mata. Hindi ko na alam ang nangyayari, sa sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

"Okay Mikko, your ti-" naputol 'yong sasabihin nito nung kinalabit ko ang baril na hawak ko.

"Ops, you missed" sabi nito.

"Okay, hindi na kita papahirapan pa" sabi nito sa akin sabay kuha ng baril nito sa aking kamay. Nung nakuha na niya ito, nagwika ito.

"Okay, Mikko, talo kana! Huli ka" sabi nito sa akin sabay putok ng baril sa aking noo.

Lance Cortez

Bigla akong napasigaw nung may naramdaman akong kumapit sa aking balikat. Dahan-dahan akong lumingon dito at bigla akong nabunutan ng tinik noong makilala ko ito.

"Shit Dan Chris, naman! Tinakot mo ako eh!"

"Sorry,sabi kasi ni Archibald sundan daw kita eh" nakangiti nitong sabi sa akin.

Iimik sana ako nung marealize ko na, kung na saan kami ngayon at bigla rin akong nagtaka nung mapansin ko na walang reaksyon si Dan Chris nung makita niya ang loob ng kwarto.

"Shit, hindi ka pwede dito, labas!"

"Bakit naman? Ang astig kaya, ito pala ang sekreto mo!"

"Please, h'wag kang maingay... please secret lang ito."

"Sige ganito, para patas tayo – I will tell you my secrets too!"

"Talaga?"

"Sige ganito" sabi nito sabay sarado ng pinto

"Di ba kilala mo si Craig?" dagdag nito

"Oo, bestfriend ko siya!" nagtataka kong tugon dito.

"Alam mo ba na hindi talaga siya nagpakamatay, pinatay siya!"

"Ano ba Dan Chris, patay na siya kay-" naputol 'yong sasabihin ko nung may tinurok ito sa akin.

Bigla akong bumagsak sa sahig na para bang naparilisado.

"Anong ginawa mo sakin?" sigaw ko sa aking isipan dahil hindi ko na kayang magsalita pa.

"So 'yon na nga. Pinatay talaga siya... alam mo ba kung sino ang pumatay sa kanya ... Ako! Ako lang naman. Alam mo kung bakit? dahil pumapapel pa siya kay Jane – katipan ko na siya noon. 'Yon ang dahilan kaya pinatay ko ang bestfriend mo - for the sake of LOVE!"

"Si Jane pala 'yong kinikwento niyang babae sa akin, na nakilala niya sa isang parke."

"At isa pa Lance, alam mo bang hindi talaga namatay si Sir Andrew sa sakit niya. Ako talaga ang dahilan kung bakit namatay siya. Pinatay ko siya habang nagtatalo-talo kayong lahat. Ginawa ko 'yon para gumanti sa kanya. Pinahiya niya ako sa buong klase nung hindi ko lang nasagot ang tanong niya!" sabi nito na may poot sa kanyang tono.

"At isa pa, sa lahat ng pangyayaring ito ay ako ang dahilan. Ako ang pumapatay sa ating klase, simula pa nung unang gabi natin dito. Siguro nagtataka ka kung bakit alam ko na meron kayong rest house dito sa San Francisco, Quezon at alam ko rin ang sekreto ng pamilya ninyo – di ba ang pamilya ninyo ay mga taxidermist kaso ang kinukolekta ninyo ay hindi hayop kundi tao!, mga taong nakadisplay sa loob ng salamin. Sila yung mga taong pinatay ng mga ninuno ninyo para pag ekspirementuhan. At isa pa, nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang pasikot-sikot dito sa bahay ninyo. Nakuha ko lang naman ang blue print ng bahay na ito sa bahay ninyo sa Lucena. Pinagplanuhan ko ito ng matagal na panahon para pagbayarin lang kayo. At isa pa Lance baka malimutan ko ito, baka sabihin mo na masyado akong brutal, wala akong kinalaman sa pagpapatayan ninyo, ang sa akin lang ay takutin kayo subalit mga tanga lang kayo!" sabi nito na may ngiti sa labi.

"One last thing, Lance, sa laro natin ngayon ay talo ka na, nahuli na kita. BOOM!" sigaw nito sa akin sabay lumuhod ito sa aking tabi at dito ko lang napansin na meron pala itong hawak na itak na halos walong pulgada ang haba nito.

"Paano ba yan Lance, your time is over!" sabi nito na may ngiti sa kanyang mga labi sabay tinaga nito ang aking leeg na parang kumakatay ng isang baboy. Wala na akong nagawa kundi sumigaw sa aking isip.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon