Neil Carias
Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang ko ng tatlo nakatango na kayo isa... dalawa.... tatlo.
Boom!
Napabalikwas ako sa aking kinauupuan. Kanina pa pala ako tulog. Kaya pala ang sakit na ng aking batok. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid. Tulog pa rin ang aking mga kaklase. Halos apat na oras na kaming nasa daan. At sa pangalawang pagkakataon ay inilibot kong muli ang aking mga mata at doon ko nakita na gising pala si Lance. Nakatingin ito sa may bintana, hindi ko maipaliwanag ang kanyang emosyon, napakaseryuso para bang napakalalim ng kanyang iniisip. Lance, tawag ko dito gamit ang mahinang boses pero sapat na para marinig niya ito. O bakit? Tugon nito na merong ngiti sa kanyang mga labi. Kakaiba talaga ito napakabilis ng pagpapalit ng emosyon nito parang si Archibald. Nasaan na ba tayo? Tanong ko dito pero sa halip na sagutin niya ako at bigla itong tumawa ng parang baliw. Bakit ka tumatawa? Taka kong tanong dito. Wala, mukha ka kasing nakakita ng multo. Tumingin ka sa salamin sobrang pawis mo o, nakangiti nitong sabi sa akin. At bigla kong naalala ang aking panaginip kanina – para kasing totoo. Nakakakilabot at akala ko katapusan ko na. Hoy! Natutulala ka na naman! Tawag nito sa akin. A wala, nasaan na ba tayo? Tanong ko dito para mailihis ang usapan. Bahala ka diyan, reklamo ni Lance sa akin. Nasaan na nga tayo? Ulit ko. Sa Pitogo na tayo, bahala ka diyan kausapin mo sarili mo, matutulog na lang ako. Sumandal na nga ito at ipinikit ang kanyang mga mata. Ay takte ang sama ng ugali nito e, reklamo ko habang nakangiti. Kakausapin ko sana si Rene na aming driver ngayon pero seryuso ito sa pagmamaneho. Sa huli napagdesisyunan ko na matulog na lang ulit kahit may pangamba sa aking puso na baka mapanaginipan ko ulit 'yong panaginip ko kanina. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa dalawin na ulit ako ng antok.
+++
Classmates, nandito na tayo. Gising na sigaw ni Rene sa kanila. Anong oras na ba? Tanong ni Archibald habang ito ay umuunat-unat. 7:30 pm na Kuya Archie, sagot ni Vio. Sige ganito, umuwi na tayo sa ating bahay at bukas na lang tayo mag-usap, sabi ni Archibald habang inaayos nito ang kanyang sarili. Doon na lang tayo sa ating tagpuan, sabi ni Archibald. Sige, ok – sagot ng lahat. Sige bumaba na kayo at umuwi na agad, mag-iingat kayo – paalala ni Archibald sa lahat. Isa-isa na silang bumaba ng sasakyan at nagpaalaman sa isa't-isa.
Vio Quejano
"Airiek? Dave? Tara sabay na tayo umuwi?" paanyaya ko sa kanila.
"Ay naku, may pupuntahan pa kami ni Airiek ngayon e... mauna ka na!" sabi ni Dave sa akin.
"Pasama ako sa lakad ninyo ngayon", pangungulit ko sa kanila.
"H'wag na baka hanapin ka na ni tita, umuwi ka na!" pagtataboy nito sa akin.
"Ang daya ninyo e tsk tsk", reklamo ko sa kanila habang ako ay natalikod at nagsimulang maglakad. Makalipas ang mahigit labing limang minuto ay naglalakad pa rin ako. Malapit lang naman kasi yung bahay namin dito kaya napagdesisyunan ko na lang na maglakad. May mga ilang tao na rin akong nakasalubong pero napansin ko na maaga pa, pero sarado na 'yong ibang tindahan at iilan na lang ang mga tao. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa aking likod subalit kadiliman lang ng paligid ang aking nakita tanging ang mga liwanag lang ay ang nagmumula sa mga poste ng meralco. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad dahil pangatlong kanto na lang ay nasa bahay na ako pero nakaramdam na naman ako ng kakaibang enerhiya, may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa aking likod at sumigaw ng Sino yan? Pero walang sumagot. Sisigaw ulit sana ako nung may narinig ako ng munting tawa. Sino yan? Ulit kong sigaw. Namumuo na ang mga butil ng pawis sa aking noo at ilong dahil sa takot at kaba. Sino yan? Sigaw ko ulit dito gamit ang pinakamalakas kong boses. Tatalikod na sana ako noong nagsalita 'yong tao sa dilim. Napakahusky ng boses niya pero kakaiba ang hatid nito sa aking kalamnan. Nakakakilabot.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo" at nagsimula na itong magbilang, sa bawat bigkas nito ng mga bilang ay may diin sa kanyang tono. ISA........DALAWA........TATLO.... may nakita akong anino na gumagalaw sa dilim mukhang tumatakbo ito papalapit sa akin.
"MAGTAGO KA NA!" sigaw nito.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko yung isang poste na patay sindi ang ilaw. Napatigil ako dahil may babaing nakatayo dito. Nakasuot ito ng mahabang dress na puti hanggang sa lupa ang haba, hindi mo makikita ang mga paa dahil sa kahabaan. Napasinghap ako sa takot nung unti-unti itong humarap sa akin. J-jaaa-jaaannn-jane, utal kong bulong. Napaatras ako at may nabangga akong isang bagay ngunit hindi pala ito bagay isang katawan ito ng tao. Lilingunin ko sana ito subalit tinakpan nito ng panyo ang aking ilong at bibig. Parang pamilyar 'yong pabango nito, parang kilala ko kung sino ang gumagamit nito. Unti-unti na akong nanghihina pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pang nagsalita ito.
"Di ba ang sabi ko sayo, magtago ka na!"
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek