The Murderer
Bull's eye! Sigaw ko habang itinaga ko ang itak sa ulunan ni Bryan. Grabe ang sarap sa pakiramdam kapag napaghihiganti ko si Jane sa mga tarantadong Class Masayahin na yan, sino kayang next? Tanong ko sa sarili ko habang tumatawa. Naputol ang aking tuwina noong napatingin ako sa aking relo. Putcha 5:30 am na baka magising na sila. Kailangan ko ng idespatsya ang mga katawan nila. Saan kaya pwede? Aha! Alam ko na! isa-isa kong binuhat ang mga katawan ng aking mga biktima at dinala sa may dalampasigan at noong nandoon na ako ay nilagay ko ang mga ito sa malaking Bangka. Takte pahirap talaga ang mga ito sa aking buhay, reklamo ko. Pagkatapos kong mailagay lahat ay binuhusan ko ng gasulina ang Bangka at sinindihan ito ng apoy. Pinanood ko ito at pinabayaang dalhin ng mga alon papuntang laot. SUCCESS! sigaw ko habang nakataas ang aking mga kamay sa ere na pinapanood ang nagaapoy na Bangka. Napatigil ako sa aking kasiyahan ng biglang napatingin ako sa aking relo, 5:59 am na. May oras pa ako maligo at maglinis ng mga bagay bagay. Pumunta na akong sa bahay at naglinis ng sarili.
Lance Cortez
"Guys, what's the plan?" tanong ni Archibald habang kami ay kumakain ng umagahan.
"Hmmm, magpahinga na lang tayo!" saad ni Kim.
"Good idea, Kim!" pangsangayon ni Gep habang nakathumbs up ito.
"Sige ganito na lang guys, bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyo sa buong maghapon. Reminder lang sabay-sabay tayong kakain ng pananghalian" paliwanag ni Archibald habang ito ay nakatayo sa kabisera.
"Ah, classmates.. Reminder lang din pwede kayong pumunta kahit saan dito sa isla o sa bahay pero h'wag lang kayong pupunta sa fourth floor" sangat ko habang ako ay nakatayo sa kanang bahagi ng lamesa. Kinakabahan ako sa mga ito, alam kong walang isang salita ang mga ito. Alam kong may pupunta dito. Kailangan kong bantayan sila ng maigi. Hindi sila pweding pumunta sa pang-apat na palapag.
"Bakit nga ba?" Tanong ni Ariel.
"Bakit bawal doon?" pangsang-ayon ni Bernard
"Ano ba ang meron doon sa pang-apat na palapag ng bahay ninyo.. meron ka bang tinatago sa amin?" usisang tanong ni Julius habang nakakunot ang noo nito.
Ito na yung kinatatakutan ko, ang maging curious silang lahat. Ang daming tanong, kailangan kong mag-isip ng ibang paraan para malihis ang usapan
"Ah.. e.. maraming mga Antique na gamit doon na hindi pweding galawin or hawakan dahil sa sobrang tagal na ito" pagpapaliwanag ko
"sana kagatin nila" sigaw ko sa aking isipan
"Ah!" sabay-sabay na sagot ng lahat.
Bigla akong nakahinga ng maluwag nung sumagot ang mga ito at nangakong hindi sila pupunta sa taas ng bahay.
"O guys sumunod na lang kayo ha! H'wag kayong pasaway" saad ni Archibald.
Noong natapos na kaming kumain ay nagkanya-kanya na kaming pumunta sa aming puntahan. Si Gep ay pumunta sa kanyang kwarto para matulog. Si Dan Chris naman ay pumunta sa labas para magpahangin. Si Mikko ay naglabas ng kanyang mga gamit pang drawing. Sina Lhyrrie at Ariel ay naiwan sa kusina para magluto ng pananghalian. Si John Chris naman ay naglabas ng laptop. Si Dave naman ay pumunta sa dagat para maligo kasama sina Fheil, Rene at Airiek. Si Archibald naman ay pumunta sa taas. Nanonood naman sina Kim at Reniel ng anime na movie. Pumunta naman si Rommel sa laundry room para maglaba ng kanyang maduming damit. Nagkwentuhan naman sina Ranji, Emman at Bernard sa may veranda ng bahay. Nagtungo naman si PJ sa banyo para magbawas. Ako naman ay pumunta sa basement para ayusin ang aking lumang bisekleta. Si Vio naman ay naghahanap ng signal para makatawag sa kanyang magulang at si Julius naman ay nagmumuni-muni at nakikinig ng kanta sa kanyang cellphone habang ito ay palakad-lakad.
Julius Buergo
Ano kaya ang meron sa pang-apat na palapag ng bahay na ito?, ang daming pumasok sa aking mga tanong tungkol sa misteryong nababalot sa pang-apat na palapag ng bahay nina Lance. Aaaaahhhahaha, sigaw ko sa aking isip. Naglagay na lang ako ng headphone at nakinig ng mga kanta para mawala kahit saglit sa aking isipan ang mga maraming tanong na nabubuo patungkol sa pang-apat na palapag. Nagsimula na ako maglakad-lakad hanggang sa natagpuan ko na lang aking sarili na nasa tapat ng magarang hagdan ng bahay nina Lance para bang kusang pumunta ang aking mga paa dito. Sinimulan ko nang humakbang sa unang baitang ng hagdanan. Medyo kinakabahan ako na hindi ko alam, ramdam ko ang pagtulo ng aking mga pawis. Nagpatuloy pa rin ako sa aking pagakyat hanggang sa naabot ko na ang hagdanan ng papunta sa ika-apat na palapag. Buo na ang aking decision na malaman ang sekreto ng pamilya nina Lance at sa ngayong araw na ito mabubunyag na ito. Sinimulan ko nang ihakbang ang aking kanang paa sa hagdan ng pang-apat na palapag. Sa aking paghakba ay bigla kong nakaramdam ng kaba, mas doble pa sa kaba ko kanina at bigla rin akong nakaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa aking mga balat na nagbigay ng kakaibang kilabot na bumalot sa aking buong katawan. Nagpatuloy na ako sa pag-akyat at ng makarating sa huling baytang ay bigla akong nakaramdam ulit ng kakaibang hangin na dumampi sa aking balat at napakalakas ng tibok ng aking puso na para bang sasabog. Kaya ko to! Ito na lang ang aking nasabi bago ko tuluyang ihakbang ang aking paa papunta sa ika-apat na palapag. Bumungad agad sa aking ang malaking itim na pintuan, ito ay gawa sa napakatigas na kahoy at may haba ng lagpas tao. Medyo luma na ito pero makikita mo pa rin ang kagandahan nito. Wala kang makikitang anay o ano man. Hinawakan ko yung doorknob na nasa kanang bahagi ng pinto at pinihit ito. Bumukas ito sa aking gusto, kapag siniswerte ka naman ohhhh. Pagpasok ko sa loob ng kwarto nakita ko agad ang mga gamit sa loob na puro antique, na mukhang maraming henerasyon na ang gumamit nito. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang pinto na nasa dulo ng kwarto, kulay maroon ito at hindi katulad ng isang napakalaking pinto na napasukan ko kanina. Ito ay sakto lang at ordinaryong pinto pero ang nakakuha talaga sa aking pansin ay ang nakaukit sa pinto na kulay dilaw na mga letra at ang pintong ito ang kakaiba sa mga pinto dito sa bahay at mukhang bago pa ang pintong ito. Per Lusum Latitare et Quaeritare – binasa ko yung nakasulat sa pinto, anong ibig sabihin nito? Ahhhah basta, hinawakan ko na yung doorknob at pinihit ito pero sarado ito. Malas! reklamo ko. Bigla akong nakarinig ng isang malagong na boses na nagmumula sa aking likod. Sa laki ng gulat ko ay napamura ako, putang in.. naputol yung sasabihin ko noong nagsalita ito. DI BA BAWAL DITO, BAKIT NAPAKAKULIT MO! saad nito. Lilingunin ko sana ito pero nakaramdam na ako ng isang malakas na palo sa aking ulunan. At ako'y bumagsak at nagdilim ang aking paligid.
Dave Vitoriano
Tara Fheil, maliligo sa dagat ngayon, akit ko sa kanya. At pumayag naman ito, inakit ko rin sina Airiek at Rene pumayag din sila. Nagsimula na kaming lumabas ng bahay at naglakad papuntang dagat, makalipas ang sampung minuto ay narating na namin ang dagat. Nagsimula na akong maghubad pang-itaas at tumakbo na ako sa dagat na parang bata na sabik na sabik maligo. Narinig kong sumigaw si Fheil, saglit lang Dave sigaw nito. Pero hindi ko na sila pinakinggan at nagpatuloy pa rin ako sa aking pagtakbo. At noong nasa dalampasigan na ako ay tuluyan na akong nagtampisaw sa maalat na tubig ng dagat. Takte ang ginhawa sa pakiramdam, sabi ko sa aking sarili. Nakita ko namang lumusong na rin sina Airiek sa dagat. Tara patagalan sumisid, sabi ko sa mga ito noong nasa harapan ko na sila. Sige! Halos sabay nilang sabi na mukhang excited. Ok game, on the count of three, sabay-sabay tayong sisid. One....Two.....Three. nakita kong sumisid na sila kaya sumisid na rin ako. Kaya ko silang talunin, pagyayabang ko sa aking sarili. Laki kaya ako sa dagat kaya siguro ganito kulay ko dagdag kong sabi sa aking sarili. Wala pang thirty seconds ay na pa ahon na agad ako dahil may na apakan akong bagay na di ko mawari sa ilalim ng tubig. At nakita ko na rin sin a Fheil ay nagsiaangat na. Ano Dave wala pang thirty seconds ay umangat ka na, panunukso sa akin ni Airiek. Hanggang salita ka lang pala e, mayabang na sabi ni Rene. Better luck next time, nakangising sabi ni Fheil. Ano ba mga pare kaya ko kayong talunin laki kaya ako sa tabing dagat, helloooo, nakangiti kong sabi sa kanila. Kaya naman ako napaahon dahi- naputol yung sasabihin ko noong may lumutang sa aming harapan, kulay itim ito at mukhang sinunog. Pre ano yan? Sigaw ni Airiek na mukhang nagpapanic na. Hindi namin madistinguish kung ano ito. Pre parang likod ng tao yan, sabi ni Rene na may pagdododa sa kanyang tono. Baliktarin ninyo para Makita natin, utos ni Fheil habang nakatingin ito sa amin. Ayaw ko, unison na sabi nina Rene at Airiek. Ikaw na lang Dave ang gumawa, utos ulit ni Fheil. Takte itong mga itong mga 'to duwag, reklamo ko sa mga dito. Dahan dahan kong hinawakan ito. Yuck reklamo ko sa aking sarili. Nang nabaliktad ko na ay napasigaw kaming apat ng..... TAO! Ahhhaahh sigaw naming lahat. Nagmadali kaming umahon at pumunta sa bahay.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek