CHAPTER 25

8 2 0
                                    


The Murderer

Nasaan na ba yun? reklamo ko sa aking sarili. Kanina pa ako naghihintay dito. Mababatukan ko talaga 'yon. Lagi na lang siyang late, wala ng natupad na oras. Nakakabadtrip na talaga ha tsk, tsk. Napatingin ako sa aking relo, shit late na siya ng isang oras, 11 am na. Ang usapan ay alas dyes. Napakapilipino talaga arghh... padabog akong umupo sa may sofa ng aking bahay at bigla akong natigilan noong bigla kong naalala si Jane, dito sa sala ang aming paborito naming place sa bahay. Dito kami naglalaro, dito kami nagkukulitan at nagkwekwentuhan. Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako.

"I missed you Jane, bakit mo ako iniwan" sabi ko sa aking sarili habang nakayuko ako.

Nakaramdam ako ng mahinang tapik sa aking balikan,

"Pre, tama na yan. It's not healthy"

Unti-unti kong inangat ang aking ulo at nakita ko siyang nag-aalala sa akin. Pinunasan ko aking luha at bigla ko siyang binatukan.

"Aray!" daing nito "para saan 'yon?" dagdag nito habang hinihimas nito ang kaniyang batok.

"Putcha pare ang tagal mo kaya!"

"Sorry na ang hirap lumusot e" nakangiting sabi nito sa akin. "At pre, alam ko kung bakit ka naiyak.... h'wag mo na sa aking ipaalala na wala na talaga siya... lalo akong natitrigger na gumanti" dagdag pa nito na may seryusong ekspresyon.

Napakabilis talaga nitong magpalit ng mood "I can't help it, I really miss her" sabi ko dito.

"Stop it"

"But – "

"I have a new plan for them!" nakangiti nito putol sa akin

"Ohh what is it?" tanong ko dito na may galak sa aking tono.

Reneil Minion

I'm home, sigaw ko nung nakapasok na ako sa bahay namin.

"Ma, Pa nandito na ako" sigaw ko ulit subalit katahimikan lang ang sumagot sa akin. Nasaan na naman kaya ang mga yun, reklamo ko sa aking sarili. Nung wala na talaga akong natanggap na sagot mula sa kanila ay napagdesisyunan ko ng umakyat na sa aking kwarto at para magbihis. Nung natapos na akong magbihis ay bumaba na ulit ako ng bahay at pumunta sa kusina. Pinuntahan ko ang ref namin para kumuha ng pagkain. Pagkatapos kong kumuha ng pagkain sa ref ay doon ko lang nakita ang nakalagay na sulat sa pintuan nito. Kinuha ko ito at binasa,

Anak,

Hi, anak sorry kung hindi na kami nakapagpagpaalam sa iyo dahil biglaan ang aming business trip ngayon sa US at si Papa mo naman ay may trabahong inaabyad sa Maynila baka sa isang araw pa siya makakauwi at tsaka pala si Aleng Gretchen ay nakaleave ng isang araw kaya h'wag mo na siyang intayin pa.

Anak, yong bahay ha alagaan mo at ikaw ay mag-iingat diyan, h'wag kang basta-basta magpapasok ng hindi mo kakilala ha, ingat ka 'dyan – love you

Mama

P.S: Text mo na lang ako kapag may gusto kang pasalubong.

Great!, mag-isa na naman ako dito sa malungkot na bahay na ito. Lagi na lang ganito wala na silang time sa akin e – reklamo ko sa aking sarili. Palagi na alang silang umaalis ng walang pasabi, bigla na lang akong napasigaw sa inis. Nakakainis talaga, arghh naputol yung aking pagsigaw noong may kumatok sa aming pinto. Isa hanggang tatlong katok ang aking pinalipas bago ko ito buksan. Noong nabuksan ko na yung pinto ay ang sumalubong sa akin ay isang lalake, lalaking may dalang pizza box.

"Ito po ba yung bahay ni Mr. Reniel Minion?"

"Ito nga"

"May delivery po kayo"

"Hindi naman ako umorder a"

Hindi na ito sumagot, sa halip nagsuot ito ng facial mask at dumukot ito ng isang botelya na hugis na maliit na pabango. Bigla akong kinabahan sa kanyang ginawa, isasara ko na sana yung pinto noong inispray nito sa aking mukha yung hawak-hawak niyang bote at bigla ako napapikit at nawalan ng malay.

Emman Tagbago

Kanina pa ako palibot-libot dito sa subdivision na ito pero hindi ko pa rin nakikita 'yong sinasabi ni Bryan, tinatawagan ko si Bryan subalit not attended na ito. Kanina pa ako kinakabahan at pakiramdam ko may masamang mangyayari dito pero binalewala ko na lang ito, ang mas importante ay ang aking mga kaklse.

"Nasa –" napatigil ako sa aking sasabihin nung may nakita akong pamilyar na bahay, ang bahay na ito ay may cream na pintura at meron din ito apat na palapag. At ang mga bakuran nito ay napakalawak at meron itong mga iba't ibang uri ng kulay ng rosas meron ditong green, red, white etc. Ang bahay na ito ay hinding hindi ko malilimutan dito namin unang nakita si Jane, si Jane na naaksaya ang buhay dahil lang sa walang kwentang laro. Naputol ang aking pagmumuni-muni noong nagvibrate ulit ang aking cellphone.

1 messege received

Sender Unknown

HIDE

Hide? Ulit ko sa aking isip, anong ibig sabihin nito.

"Nasaan na ba kasi si Bry –" bigla akong napatalon sa gulat nung may nagsalita sa aking likod. Ang boses nito ay bariton na may pagkahusky ang tono.

"I said HIDE"

Lilingunin ko sana ito subalit tinakpan na nito ng panyo ang aking bibig. Alam ko ang amoy na ito, ito 'yong pabango na laging sinusuot ng isa sa aking mga kaklase. "ARMANI" ito kung hindi ako nagkakamali, siya si – naputol yung sasabihin ko nung nagdilim na ang akin paligid.

The Murderer

"Nasaan na ba 'yon?" reklamo ko sa aking sarili habang nakatayo sa may pintuan ng aming hide out. Nakakainis kasi baka napaano na yun. Naghintay pa ako ng mahigit sampung minuto bago ito dumating.

"Thank goodness, nandito na siya!" sigaw ko dito noong may tumigil na kulay itim na sasakyan sa aking harapan.

"Sorry natagalan ako" pagpapaumanhin nito sa akin habang buhat-buhat nito si Reniel.

"Tsk, tsk sige na ipasok mo na yan baka may makakita pa diyan" nakangiti kong tugon dito.

Pinasok na nito si Reniel sa aming hide out at inihiga ito malapit kay Emman na mahimbing pa ang tulog.

"Itali mo na yan, kagaya ng pagkakatali kay Emman at mamaya lang magsisimula na tayo sa ating laro"

"Tapos na" nakangiti nitong tugon sa akin.

"At tsaka pala, can you take off their clothes?"

Tumalima naman ito at kumuha ito ng gunting sa may lamesa at sinimulang gupitin sa gitna ang mga damit nina Emman at Reniel.

"Done" masiglang sabi nito.

"Okay, let's start the game"

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon