CHAPTER 22

11 3 0
                                    


Kinabukasan

Lance Cortez

Nandito na ako ngayon sa harap ng pintuan ng aming tagpuan. Nagdadalawang isip akong buksan ito dahil alam kong may problema na naman. Kanina pa ako tinetext at tinatawagan ng aking mga kaklase, kung nasaan na daw ako? Maririnig mo mula sa pwesto ko ang mga ingay na nagmumula sa loob ng kwarto, mukha silang nagkakagulo. Kinapitan ko na 'yong doorknob at pinihit ito. Pagkabukas ko ng pinto ay biglang tumahimik ang lahat at doon ko din napansin na meron silang hawak na kapirasong papel.

"Saan ka ba galing?" inis na tanong ni Archibald sa akin.

"Alam naman ninyo na kung saan ako napunta kapag ako ay nahuhuli sa ating usapan ah." nakangiti kong sagot dito.

"Sa sementeryo" mahinang bulong ni Ranji pero sapat na ito para marining naming lahat.

"halos tatlong taon ko na ngang napapansin yun, sino ba ang pinupuntahan mo doon? May tinatago ka ba sa amin?" paguusisa ni Archibald.

"Wala, ano ba ang problema?" paglilihis ko ng usapan at kumagat naman ang mga ito.

"May natanggap ka bang ganito?" tanong sa akin ni Archibald habang pinapakita ang kapirasong papel.

"Oo meron din akong natanggap kanina, binigay sa akin ng aming katulong" sabi ko sa kanila habang kinukuha ang kapirasong papel sa aking kanang bulsa.

"Anong number yan?" tanong ulit ni Dave.

"Number?" pagtataka kong sabi dito.

Sinuri ko yung papel na hawak ko at doon ko napansin na meron nga itong numero sa kanang bahagi ng papel.

"Number 26 'yong sa akin, Ano ba ang meron dito? Bakit napaka big deal nito sa inyo?" sunod-sunod kong tanong sa kanila.

"Hindi rin namin alam, pero base dito sa papel ay mukha itong litrato ito na ginupit" pagpapaliwanag ni Dan Chris.

"Ano pa ang hinihintay natin e di buohin natin ito" sabi ko sa kanila habang naglalakad papuntang mahabang lamesa, at nakita ko rin 'yong mga kaklase ko na nagsisunuran at binigay ang mga ito sa kay Archibald. Makalipas ang mahigit tatlong minuto ay nabuo na ang litrato.

Napasinghap ang lahat nung makilala namin kung ano o kung sino ang nasa larawan.

"Vio?" bulong ko.

Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan sa amin naputol lang ito noong may narinig kaming munting katok sa pinto.

"Ariel, pakisuyo na please" utos ni Archibald dito.

Tumalima naman agad ito.

Pinihit na ni Ariel ang doorknob at binuksan ito,

"Ano po ang kailangan nila?" tanong nito sa taong nasa labas ng kwarto.

"May nagpapabigay po sa inyo nito" sabi ng lalake kay Ariel habang inaabot ang isang box na kulay itim.

"Sino daw ang nagpapabigay?" tanong ulit ni Ariel dito subalit sa halip na sumagot ito ay nagmadali itong umalis at tumakbo papalayo sa kanila.

"Weird" sabi ni Ariel habang sinasarado ang pinto.

"What's that?" tanong ni Neil.

"Hindi mo ba nakikita, di ba box!" pag-uyam na sabi ni Ariel.

"Shut up, Ariel alam kong box ya –" naputol yung sasabihin ni Neil nung nagsalita si Archibald.

"Enough!" sabi nito na merong autoritadong tono "Ariel dalhin mo na 'yan dito para makita natin ang laman." Dagdag pa nito.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon