CHAPTER 15

14 2 0
                                    


Bernard Oabel

Napatingin ako sa aking relo noong tumunog ito, takte 6:00 pm na. Hindi ko namalayan na matagal na pala akongnakatunganga. Hindi pa rin kasi ako maka-move on doon sa nangyayari sa amin ngayon. Napabalikwas ako sa aking kinauupuan nung nagulat ako sa malakas na sigaw ni Ariel sa akin.

"Bernard!" Tawag na sigaw nito sa akin.

"Bakit ba? makasigaw ka naman parang bingi ako e tsk tsk" reklamo ko dito.

"Sorry na Bernard" paghingi nito ng tawad sa akin habang ito ay nakaakbay sa akin.

"Ano na naman ang kailangan mo ha?" tanong ko dito na hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Nakita mo ba si Julius?" tanong nito sa akin na merong pag-aalala sa kanyang tono.

"Hindi pa e, bakit?" takang tanong ko dito habang ako ay lumingon dito at doon ko napansin na nakatitig siya sa akin na para bang natatakot ito.

"Kasi kanina pa siya nawawala" sabi nito sa mahinang boses na para bang sekreto yung sinasabi nito. "Nasabi mo na ba ito sa ating kaklase?" tanong ko dito.

"Oo nasabi ko na sa kanila at iisa lang ang sagot ninyo" sabi nito sa akin na maririnig mo ang pangamba sa kanyang tono habang ito ay nagsasalita. Tumayo ako na walang sabi-sabi sa aking kausap at agad na umalis. Narinig kong tinawag ako ni Ariel pero hindi ko na ito inabalang lingunin pa. Masyadong magulo na ang aking isip, kailangan ko na munang makapagisa parang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip ng mga problema ngayon. Ano bang bakasyon ito puro problema lang ang hatid sa akin dapat pala ay hindi na lang ako sumama sa kanila.

Ariel Farro

Nasaan na ba si Julius? Kanina pa siya nawawala.... Pinagtanong-tanong ko na ito sa aking mga kaklase pero iisa lang ang sagot nila. Nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap kay Julius nung nakita ko si Bernard na nakaupo sa may veranda ng bahay, hindi ko mabasa ang kanyang mukha, napakaseryoso nito na para bang napakalalim ng kanyang iniisip. Lumapit ako dito pero hindi niya ako pinansin. Bernard! Sigaw ko dito. Nakita kong nagulat ito at muntikan ng mahulog sa kanyang kinauupuan. Bakit ba? reklamo nito sa akin nahalatang naiirita. Humingi agad ako ng tawad dito at inakbayan ito. Nagtanong ito ulit kung kung ano daw ang sadya ko sa kanya na hindi man lang tumingin sa akin. Sinagot ko ito ng maayos kahit hindi man lang ito tumingin sa akin. Nakakabastos kaya. Nakita mo ba si Julius? Tanong ko dito. Sumagot naman ito agad at halatang takang-taka. Makalipas lang ang ilang sandili naming paguusap ay tumayo ito at umalis ng walang paalam. Ang bastos talaga nito tsk tsk, reklamo ko sa aking sarili. Tinawag ko ito pero hindi na siya lumingon. Ano kaya ang problema ni Bernard, hindi ko talaga makuha ang ugali nun, reklamo ko. Wala na akong magawa kundi pagmasdan itong mawala sa aking paningin pero bago man ito maglaho sa aking paningin ay may napansin akong anino na sumusunod dito at bigla akong kinabahan sa aking nakita.

Sana mali ako......

Hinabol ko si Bernard kung saan siya nagtungo pero hindi ko na siya naabutan.

The Murderer

Ang malas talaga! Reklamo ko sa aking sarili. Bakit hindi ko ito nakita, putakte hindi ko na tuloy maintindihan ang gagawin ko. Nagpapanic na sila at gusto na nilang umuwi. Papaano na ang buong plano ko... baka mapapunta lang sa wala, kailangan kong makaisip ng plan B para matuloy ang hangarin ko.. ahhhhaahhh! Ang malas talaga tsk tsk ang tagal ko itong plinano tapos arghhhh malas talaga e, reklamo ko sa aking sarili habang sinasaksak ko ng kutsilyo ang pader na may larawan ng buong Class Masayahin. Dumaan ang nakakabinging katahimikan bago ako nakaisip ng bagong plano na alam kong masasayahan sila. Alam ko na! sigaw ko habang nakataas ang aking kanang kamay na nakaturo sa ere.

Bernard Oabel

Nakalabas na pala ako ng bahay na hindi ko namalayan. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na may nagyayaring hindi maganda sa aming bakasyon na ito. Nagpatuloy pa rin ako sa aking paglalakad hanggang sa nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya, para bang may sumasabay sa aking hakbang sa bawat tapak ng aking mga paa ay siyang hakbang din nito. Napahinto ako sa aking paglalakad at huminto rin ito pero bago ito makahinto ay narinig ko ang isang ingay ng tuyong dahon na naapakan. Lumingon ako at sumigaw ng, Sino yan? Pero walang sumagot sa akin kundi ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. CREEPY! Ito na lang ang nasambit ko sa aking sarili at nagsimula na ulit akong maglakad pero nakaramdam na naman ako ng mga mahihinang yabag ng paa na para bang papalapit ito sa akin. Napahinto agad ako at pinakiramdaman ito subalit ang mga yabag ay hindi tumigil bagkus mukhang pabilis ng pabilis ang mga hakbang nito at palakas ng palakas ang mga ingay ng tuyong dahon na naapakan. Lumingon ako pero wala akong nakita kundi kadiliman at kasabay ng aking paglingon ay ang pagkawala ng mga ingay ng dahon na naapakan at ang malakas na yabag na nagmumula sa aking likod. Nawala ito lahat ng parang bola at bigla akong nakaramdam ng pagtayo ng aking mga balahibo... nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso na para bang gusto nitong pumiglas sa aking dibdib. Hindi ko alam ang aking gagawin hanggang sa napagdesisyunan ko ng bumalik sa bahay. Tumalikod ako at humarap sa daan ng papuntang bahay pero bago ako makahakbang nakaramdam na naman ako ng kakaibang enerhiya para bang may mga matang nakatitig sa akin. Nagsimula na akong ihakbang ang aking kanang paa at hanggang sa hindi ko na makayanan ang aking kapanglawan, tumakbo na ako patungo sa bahay pero hindi pa ako nakakalayo sa aking pwesto ay may naaninag na akong isang pigura ng tao. Napahinto ako sa pagtakbo noong humarap ito. Hindi ito maaari, matagal na siyang patay. Pinagmasdan ko ang taong nasa harapan ko. Bakit parang buhay na buhay ito at makikita mo sa kanyang mga mata ang naipong galit at poot na naimbak ng matagal na panahon. Napaatras ako noong gumalaw ito at nagsimulang tumakbo papunta sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa nakatisuod ako ng malaking bato at bumagsak ako sa lupa. Aarayyy, napasigaw ako sa sobrang sakit. Napapikit ako sa sobrang sakit. At noong nakabawi ako ng lakas ay minulat ko ang aking mata. Pagmulat ko ay wala na si Sir Andrew at ang sumalubong sa akin ay ang madilim na kapaligiran. Nasaan na siya? Papaano ito – naputol 'yong sasabihin ko noong nakarinig na naman ako ng mga yabag. Palakas ng palakas ito at mukhang patungo ito sa akin. Tumayo ako at inintay, pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang mga yabag. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman, gusto kong tumakbo papalayo pero may nagpipigil sa akin na tumakbo. Hanggang sa makatanaw ako ng isang pigura ng tao sa hindi kalayuan, Sino yan? Sigaw ko dito. Bernard? Ikaw ba yan? Tanong nito sa akin, kilala ko yung boses na'yon at alam kong siya iyon. "Ariel nandito ako", bigla akong nakahinga ng maluwag noong nakita ko na siya para bang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan nung nasa harapan ko na si Ariel. Saan ka ba galing? kanina pa kita hinahanap, litaniya nito sa akin. Basta! Nakatawa kong sabi dito. Anong basta? Pangungulit nito sa akin. Basta nga, tara na gutom na ako, akit ko dito. Bahala ka nga sa buhay mo! reklamo nito na may inis sa kanyang tono.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon