"We need to do something" panimula ni Archibald sa lahat nung nagkita-kita sila sa masayahin's
"Marami ng patay na sa atin pero wala pa rin tayong ginagawa" dagdag pa nito.
"Hindi nga natin alam kung papaano at sino ang ating kaaway" sagot ni Dan Chris "Para tayong nakikipagbuno sa isang hangin!" dagdag nito.
"Nasaan na sina Jay-jay at Rommel?" tanong ni Archibald.
"Nandito ako!" seryusong tugon ni Jay-jay habang nakatayo ito sa pintuan.
"god, what happen to you?" tanong ni Archibald
"Someone killed my brother!" mangiyak-ngiyak nitong sabi.
Biglang nanahimik ang lahat. Dumaan ang mahaba at nakakabinging katahimikan.
Lhyrrie Guerwela
Kanina ko pa iniisip ito. Yong killer ay nagbibigay ng tanda, una kay Julius hanggang kay Rene na may sugat din ito na paletra. Nakaukit ito kung saang parte ng katawan. Inilabas ko yung papel sa aking bulsa at pinagmasdan ko ulit yung mga letra. Ginawa ko ito kanina noong nasa bahay palang ako. Hindi kasi ako mapakali sa nangyayari, marami ng patay sa amin halos kalahati na ng klase namin.
Emman – M
Vio – A
Julius – C
Rene – A
Reniel – N
M,A,C,A,N – ito yung mga letra na naibigay na nung killer sa amin. Gusto kong malaman kung ano ito pero natatakot na ako dahil buhay ang kapalit nito, buhay namin. Anong gagawin ko, baka ako na ang isunod ng killer o ano ang gagawin namin para matapos na ito.
+++
Naputol lang 'yong nakakabinging katahimikan nung pumasok si Rommel. Mahahalata mo sa kanya na hindi siya nakatulog at mukhang may iniisip. Makikita mo sa kanya ang malaking kulay itim sa ilalim ng kanyang mga mata.
"Guys, naalala ninyo na ba siya?" tanong nito sa kanila.
Pinakita ni Rommel yong litrato na hawak niya. Habang nangingingnig pa ang kamay nito.
"Jane?" sabi ni Neil.
"Bakit may litrato ka ni Praise?" tanong ni Lance
"Natanggap ko ito kahapon ng hapon at may nakaattach itong patay na pusa na walang mata"
"Oh my god!" sabi ni Mikko "parang alam ko na ang dahilan kung bakit"
"kung hindi ako nagkakamali" sabi ni Lance na may seryusong mukha "Si Jane Praise Cayetano ang lahat ng pinagmulan"
"E di si Jane ang killer?" tanong ni Dave na may takot sa kanyang mga mata
"Hindi pweding mangyari 'yon dahil nakita natin siyang nilibing" sabi ni Rommel.
"Alam ko na!" sabi ni Archibald "Si Jane ang lahat ng pinagmulan, 'yong killer ay ginagamit niya ang pagkamatay ni Jane – naghihiganti 'yong killer"
"Pero it was three years ago, at walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa kanya" sabi ni Dave.
"Papaa –" naputol yung sasabihin ni Fheil nung nagsalita si Archibald.
"That's enough!"
3 years ago
"Guys, nakikita ninyo ba 'yong nakikita ko?" tanong ni Dave na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Aywan ko sayo Dave, yong laro ang intindihin mo!" bored na sabi ni Gep.
"Basta tingnan ninyo!" pangungulit pa nito.
Tumingin ang lahat sa tinuturo ni Dave. Isang babaing napakaganda, meron itong mala-anghel na mukha – kamukha ito ni Liza Soberano na medyo na may pagka Christine Hermosa. Nakasuot ito ng puting dress at nakalugay ang mahaba at straight nitong buhok. Umupo ito sa bench ng basketball court habang may nakapasak dito na earphones sa kanyang tenga.
"Time out muna tayo guys, pupuntahan ko lang si bhebe" sabi ni Dave habang naglalakad papalayo sa kanila.
"Ano ba 'yan Dave, basta babae talu-talo tayo!!" sigaw ni Airiek
"H'wag kayong maingay" saway ni Dave habang nagpapahid ng panyo.
Nung nandoon na si Dave sa pwesto nung babae ay tinapik nito ng mahina sa balikat ito para mapansin siya.
"Hi" pabebeng bati nito sa babae.
"...." walang sagot ito pero tinanggal nito 'yong isang earphones sa kanyang kaliwang tenga.
"Hi" ulit ni Dave
"Oh hello" nakangiting bati nung babae
"bago ka lang ba dito?"
"Yes, kakauwi ko lang galing U.S"
"Ah Ok by the way I'm Dave Vitoriano"
"I'm Jane Praise Cayetano"
"Nice meeting you"
Nagkamayan 'yong dalawa at nagpaalam sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)
Mystery / ThrillerH - ide before I - seek you, your D - eath is my happiness, no one can E - scape my game 28 lives 28 plays the game 1 Class 1 reason to kill who am I? You want to know? Let's play Hide and Seek