CHAPTER 16

11 2 0
                                    


Rene Napeñas

Ang boring naman ng bakasyon na 'to dapat hindi na lang ako sumama tapos kung anu–ano pa ang mga nangyayari sa amin. Mabuti na lang talaga at nag-akit na ang mga kaklase kong buang na umuwi na. Hay, bakit nagyayari pa ito sa amin, bakit ngayon pa! ang daming mga tanong ang pumasok sa akin. Aaaaaahhh, nasakit na ang ulo ko, ayaw ko nang isipin yon pero para bang pinipilit ng utak ko na isipin ang mga bagay na yon. Wala naman akong pakialam sa kanila!

Bwesit.

Bigla akong napatingin sa may hagdanan nung may naaninag akong tao na paakyat pero hindi ko na ito pinansin bagkus dumukot na lang ako sa aking bulsa ng isang ecstacy para mawala ang aking problema kahit saglit lang. Nagpalinga linga muna ako sa aking paligid bago ko isubo ang tableta. Ramdam na ramdam ko ang tableta sa aking lalamunan na isinubo ko. Pagkatapos kong inumin ito ay may narinig akong malabing na boses na tumatawag sa aking pangalan.

"Rene" tawag nito sa akin.

Hinanap ko yong boses kung saan ito nagmumula pero nabigo ako na mahanap ito. Makalipas ang ilang sandal ay nagsalita ito ulit, mas malakas ito ngayon at mukhang napakalapit nito sa akin. Rene, halika dito magusap tayo. Sa – saa- saan? Utal kong sabi dito. Dito sa taas, dali malumanay nitong akit sa akin. Automatikong humakbang ang aking mga paa na para bang na hipnotismo ako. Ang boses niya ay malagong pero masarap sa tenga nakakaakit na para bang anghel. Naabot ko na yung pangalawang palapag ng bahay pero wala akong nakita kundi kadiliman ng hallway. Nagulat ako sa aking kinatatayuan nung may kumapit sa aking balikat. Rene! Bulong nito sa akin. "O Dave bakit?" tanong ko dito. Sa halip na sagutin niya ako ay nagtanong lang ulit ito. Bakit ganan ang itsura mo mukha kang ewan?, pangaasar pa nito pero hindi ko na ito pinansin. Ano ba ang kailangan mo sa akin? Tanong ko dito. Kanina pa kasi kita hinahanap. Kakain na daw tayo, sagot nito sa aking tanong. At nagaano ka ba dito? Dagdag nito. Wala! Sige tara na, akit ko dito. Baluga ka ba meron bang wala lang? tinawanan ko na lang ito para wala ng pag-uusapan pa.

John Chris Gonzales

"Tara na classmate, gutom na ako" reklamo ni Neil habang nakahawak ito sa kaniyang tiyan.

"Teka lang hintayin natin yung iba" pagkontra ni Rommel habang ito ay nakapamewang.

"Oo nga naman" pagsangayon ko

"Baka kasi lumamig na'yong pagkain na niluto ni Kuya Lhyrrie" sabi ni Neil sa lahat.

Biglang pumasok sina Rene at Dave sa may kusina. Wow nakakagutom yong amoy parang masarap, sabi ni Rene habang ito ay nakatingin sa may lamesa. Walang reaksyon ang ibinigay ng buong klase sa inasal ni Rene kundi matiim na titig lang ang ibinato dito. Dumaaan ang nakakabinging katahimikan sa kamin.

"Guys kumain na tayo, gutom na ako", reklamo ni Lance na hindi namin napansin na dumating na ito. "Saan ka man galing Lance?" Tanong ni Rommel. "study room, bakit?" takang sagot nito habang nakangiti ito. "Tara na kumain na tayo, 7:30 na oh" dagdag nito habang pinapakita nito ang kanyang G-Shock na relo na kulay pula.

"Teka lang wala sina Bernard, Ariel, Archibald at Julius"

"Nandito ako!" Sangat ni Archibald habang ito ay napasok sa magarang kusina ng bahay na walang emosyon na ibinigay sa bawat salitang binanggit nito.

"Kuya Archie saan ka naman galing kanina pa kami nagugutom dito e?" reklamong tanong ni Fheil habang nakasimangot ito.

"Diyan lang", matipid na sagot nito kay Fheil.

"Nasa-" naputol yung sasabihin ni Airiek nung nagbukas ang malaking pinto sa may sala at iniluwal ito sina Bernard at Ariel.

"Saan kayo galing?" Galit na tanong ni Archibald. Nagulat kaming lahat sa inasal ng aming presidente kung tutuusin ay late ito pero bakit ito nagagalit kina Bernard. Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang galit nito. Nagbulong-bulungan ang aking mga kaklase na para bang bubuyog.

"Sa labas lang" mahinang sagot ni Bernard.

"Alam naman ninyo na kakain na at isa pa gabi na ah, bakit nasa labas pa kayo. Alam naman ninyo na delikado sa gubat a" sigaw ni Archibald dito.

Lalong lumakas ang bulungan ng aking mga kaklase, nagtataka talaga ako kung bakit ito nagagalit.

"Teka lang Archie, ano ba ang pinuputok ng tumbong mo ha?" Inis na tanong ni Bernard na halatang galit na ito.

Iimik sana ulit si Archibald noong nagsalita na si Lhyrrie.

"Ano ba tumigil na kayo para kayong mga bata" saway nito sa dalawa. Sige na kumain na tayo, dagdag nito sa lahat. Pero papaano si – naputol 'yong sasabihin ni Ariel nung nagsalita ulit si Lhyrrie. "Wala ng pero pero kumain na kayo period" utos ni Lhyrrie sa lahat.

Hinila ko na yung uupuan ko na malayo kay Archibald. Kinakabahan ako kung bakit ito nagshift ng kayang emostion.

Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon