CHAPTER 18

11 3 0
                                    


Lance Cortez

"Tapos na ako" ito ang sabi ni Archibald na pumutol sa katahimikan sa loob ng kusina.

"Ako rin" sangat habang nakangiti.

Nagsitayuan na ang lahat at umalis. Naiwan lang sina Kuya Lhyrrie at Ariel para ayusin ang mga pinagkainan nila.

"Ano ba yan, lagi na lang ganito" reklamo ni Ariel habang nakapamewang.

"Bayaan mo na, mga anak mayaman e ano ang magagawa natin. They are spoiled bratt", sagot ni Lhyrrie.

"Pero tayo na ang nagluto tapos tayo pa rin ang maghuhugas ng mga ito. Nakakapagod kaya", galit na sabi ni Ariel. Basta gawin mo na lang ang trabaho mo, mahinang sabi ni Lhyrrie. Per- naputol 'yong sasabihin ni Ariel noong pumasok si Lance ng kusina.

"O Lance!" gulat na sabi ni Lhyrrie

"Ano ang kailangan mo!" sangat naman ni Ariel.

"A may nalimutan lang akong gamit sa may upuan ko"

Pumunta na ako sa aking inuupuan kanina at may kinuhang isang silver na kwentas.

"EUREKA!" sigaw ko na may ngiti sa aking mga labi.

Kala ko nawala na ito, ito pa mandin ang isang mahalagang bagay sa aking buhay. Thank God.

"Ano yan?" tanong ni Ariel.

"Ito? Kwentas" nakangiting sabi ko.

"Alam kong kwentas iyan, kanino yan?"

"Syempre sa akin, sige na aakyat na ako.. Good night" nakangiting sabi ko sa mga ito.

"Sige good night din" halos sabay na sabi nina Ariel at Lhyrrie.

Kinabukasan

Fheil Rea

Nagising ako ng maaga dahil siguro ay nakaramdam ako ng pagkagutom. Napatingin agad ako sa aking relo, 7:30 am na. Bumangon na ako at nagtungo sa may banyo para mag-ayos ng sarili. Makalipas ang mahigit limang minuto ay natapos na ako. Lumabas na ako ng banyo at agad akong nagtungo sa may pinto ng kwarto. Hinawakan ko at pinihit ang doorknob at binuksan ito, ang sumalubong agad sa akin ang nakakabinging katahimikan ng madilim na hallway ng pangalawang palapag. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid na para bang tatawid ng kalsada bago ako tuluyang lumabas ng aking kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagtungo agad ako sa may hagdanan at bumaba. Noong nasa baba na ako ay dumiritso na agad ako sa kusina para maghanap ng makakain at hindi naman ako nahirapang maghanap dahil meron sa lamesa ng tinapay at palaman na tsokolate. Nilantakan ko na agad ito at nung nabusog na ako ay napagdesisyunan ko ng maglakad lakad. Lumabas na ako sa kusina at nagtungo sa may sala noong malapit na ako sa sala ay may nahagip akong anino sa may bintana. Tuminggin agad ako dito at nakita ko na may anino sa may bintana, hindi ako pweding magkamali anino ito ng matabang lalake. At hindi nga ako nagkamali pigura nga ito ng tao. Nagtungo agad ako sa pinto dahil sa koryusidad na hatid nito sa akin. Hinawakan at pinihit ko na yung doorknob at binuksan. Bigla akong napasigaw noong makita ko kung ano ang nasa labas ng bahay. Aaahhhaa!

Vio Quejano

Nagising kaming lahat dahil sa malakas na sigaw ni Fheil mula sa ibaba ng bahay. Nagmadaling naglabasan ang lahat sa kanila-kanilang kwarto at nagtungo agad sa baba ng bahay. Natagpuan namin si Fheil na nakasandal sa may pintuan na mangiyak-iyak.

"Bakit?" tanong ni Archibald dito ng nung nasa baba na kaming lahat. Hindi ito sumagot bagkus umiyak ito ng malakas.

"Bakit nga? Anong meron?" takang tanong ni Mikko.

"Anong meron sa labas ng bahay?" tanong ni Lance na may pagtataka.

"S-si....Ju-juu-liuss!" utal na sabi ni Fheil.

"Ano ba Fheil, tinatakot mo kami.... Ano ba talaga ang meron diyan sa labas ng bahay" reklamo ni PJ. Tumalikod si Fheil at hinawakan 'yong doorknob at binuksan ng dahan-dahan ang pinto.

Noong nabuksan na ang pinto ay nagsigawan kaming lahat sa takot. Yung iba ay nagtakip ng mga mata para hindi makita ang nasa harapan namin. Si Julius na nakatuhog sa malaking kawayan na parang baboy na niluluto sa pugon. Hubo't hubad ito at may laslas ang leeg nito. At merong papel sa noo na nakasulat ang salitang "CORIUM" –ginuhit ito gamit ang dugo. Nagsitakbuhan kaming lahat sa labas para makita si Julius.

"Oh my god, sino ang may gawa nito" sabi ni Ariel habang naiyak ito.

"Guys, umuwi na tayo, ayaw ko pang mamatay" takot na sabi ni Reniel na mugto na ang mga mata nito.

"Sabi ko na nga ba e may killer dito"sigaw ni Dave habang ito ay nakayuko at nakatingin sa kanyang mga paa.

"Kailangan na nating umalis ngayon na" akit ni Archibald nito sa buong klase.

"Pero papaano?" tanong ni Airiek.

"Ako na ang bahala, tatawagan ko na si Manong Nestor at Manang Esther para sunduin na tayo dito agad" sabi ni Lance na mugto na rin ang mata sa kakaiyak.

"Pero papaano si Kuya Julius?" tanong ni Ariel. "Magtulong-tulong na tayo para alisin si Julius sa kawayan" utos ni Archibald. Tumalima naman ang lahat sa utos nito.

"Guys wait, tingnan niyo ito" sabi ni Rene noong nahugot na si Juluis sa kawayan, "may letter "C" na nakaukit sa kanang dibdib ni Julius", dagdag pa nito. "Oo nga' no at tsaka guys anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Lance habang nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na papel.

"CORIUM? English ba yan?" Tanong ni Ariel.

"Hindi yan English!" Sangat ni Archibald.

"Anong linguahe ito" tanong ni Kim habang nakaturo ito sa papel.

"maybe Latin or Greek, I don't know" "hindi ko alam... bilisan na ninyo kailangan na nating umuwi" sigaw ni Archibald.

"Pero papaano yung bangkay ni Julius, dadalhin ba natin?" Tanong ni Dan Chris.

"Syempre hindi, ililibing natin dito si Juluis... baka mapagbintangan pa tayo... bilisan ninyo na" utos ni Archibald.


Class Masayahin: Hide and Seek (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon