Unti-unti 'kong naimulat ang mga mata ko, wala akong ibang makita kundi puti.
Patay na ba 'ko?
Nasa langit na 'ko?
Inilibot ko ang tingin ng mga mata ko sa paligid. Nasa isang silid ako, susubukan 'ko na sanang umupo ngunit maraming nakakabit sa katawan 'ko. Nakaramdam din ako ang sakit ng ulo at mayroon itong tela na nakapalibot.
May isang nurse na pumasok. Alam 'kong nakangiti siya dahil tanaw 'ko ang mukha niya mula sa pagkakahiga.
Napaka-rare ng reaksyon niya. Nagmadali siyang lumabas at isinarado ang pinto. Mukhang alam 'ko na kung anong dahilan niya.
Bakit ba ako nandito?
Wala pang ilang oras nakita 'ko na namang bumukas ang pintuan, niluwa nito ang isang nasa 60-anyos na lalaki.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang aking kamay.
"I'm happy anak. How are you?" Panimula ng matandang lalaki.
"Gutom ka ba? Gusto mo kumain? Magsalita ka anak," naging sunod-sunod na rin ang mga tanong nito.
Sa pangatlong pagkakataon bumukas na naman ang pintuan ngunit isang doctor ang pumasok dito.
"Goodmorning beautiful, glad you're back,"
Kinuha niya ang lente upang tignan ang mga mata ko. Pinanganga niya rin ako upang tignan ang-hindi ko alam kung para saan 'yon. Hinakawan at ginalaw niya rin ang mga daliri ko.
"So Matilda yung ulo mo masakit pa ba?,"
"Nope," Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng labi ko. Nakapagsalita ako ngayon, napansin ko rin kase na hindi ako nagsasalita magmula pa kanina.
"Great! Gagamutin na lang natin ang ulo mo pagkatapos pwede ka ng umuwi. I'm sure nami-miss mo na ang mansyon niyo," biro ng doctor bago kami tuluyang iniwan sa silid.
Walang gustong magsalita sa'ming dalawa ni Papa, walang gustong bumasag ng katahimikan.
Napansin ko na may taong nasa pintuan ng silid 'ko ngunit hindi ito napasok.
Sino ka?
Parang kilala kita.
"Matilda! Naintindihan mo ba ang sinabi ko?" Napatingin ako sa direksyon ni Papa, kanina pa pala siya nagsasalita.
"Po?" Nilingon ko ulit ang pintuan ng silid na ito ngunit wala na ang tao roon.
"Sabi ko inenroll kita sa isang school High National ang pangalan. Papunta rito si Reeve gusto ka niyang dalawin, siya rin ang makakasama mo for the whole school year. Just wait for her,"
Wala akong ibang naging sagot bukod sa pagtango bilang senyales na naiintindihan ko.
"Wala ka nang dapat alalahanin, mula sa araw na ito kukuha ako ng magaling na doctor para mabilis ang pagrecover mo. Future mo na lang ang intindihin mo at kung paano mapapalawak ang business ng Natividad," Mahabang paliwanag ni Papa.
He's Hasinto Natividad ang may ari ng Natividad Farm-ito ang nagsu-supply ng ilang pagkain sa Pilipinas at ibang bansa. Mayroon itong mahigit limang libo na manggagawa at bigas ang panungahing tanim na makikita sa farm namin. Ito ay matatagpuan sa Cebu.
"Hi uncle i'm here n-OMG! Akala ko uncle is nijo-joke lang ako about Matilda na wake up na. I can't imagine na it's true pala. Omg! I'm so saya girl!" Biglang tumakbo papalapit sakin ang babae, niyakap niya ako ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...