Buzz. Buzz.
Naalimpungatan ako sa narinig ko. Iginalaw ko ang ulo ko. Nakita ko na may katabi akong lalaki.
Nagmamadali akong tumayo at tinignan kung may suot pa ko.
"Thank god," Huminga ako ng malalim.
Bumalik sa kama para umupo, kapag naalaala ko parin ang mga nangyari masyado paring masakit sa akin ang lahat.
Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Shhhh. Don't cry I'm here,"
Naramdaman ko ang pagyakap ni Jis mula sa likod ko.
"Wait here, ipagluluto kita"
Wala akong naging sagot sa kanya. Tanging mga hakbang palayo lang ang maririnig sa lugar kung nasaan kami.
Lately, mapapansin ko na nag-iba ang timpla ni Jis. Dati halos magsapakan pa kami para lang maging okay pero ngayon hindi.
"Matilda? Kamusta you ba? What happened ba? Like, yung nangyari kay Tito? What's meron? Paano? How?"
Sa tunog palang ng boses niya alam ko na kilala niyo na kung sino siya.
"I'm sorry. I know nasasaktan pa you sa nangyari but you need to be strong,"
Nilapitan ako ni Reeve at yumakap.
Hindi ako mag-isa. Alam ko na nandyan sila para sa'kin.
"By the way, before ako magpunta here sa house mo. Kinausap ko na rin yung mga police na nag-punta here raw kagabi like sinabi ko na hindi pwedeng ipublic yung case ng papa mo, masyadong confidencial. Condolence Matilda,"
Wala akong naging ibang tugon kundi yakap.
"Ito na ang breakfast m- Baba ko na lang sa may table mo,"
Napansin niya na magkausap kami ni Reeve kaya bumaba muna si Jis.
Sobrang bait ni Jis sa'kin ngayon. Hindi ko alam kung dahil lang ba naaawa siya sa'kin o ganyan talaga siya.
"Super close na ba kayo ni Isbyl?"
"Hindi naman ganon,"
"Hindi ganon ka-close para patulugin sa kwarto mo?"
"How did you know?"
"Hindi kita nakikitang nag jacket ng black. Ayun sa may gilid ng couch,"
"He's kind,"
"Be careful Matilda,"
"Reeve I don't understan-"
"He's just using you!"
"Wait. What??"
"I need to go. Babalik ako rito mamaya sa bahay mo para kamustahin ka. Don't ever let him ruin your life,"
Ayon ang huli niyang sinabi bago ako tuluyang iniwan sa loob ng kwarto.
Be careful.
He's just using you.
Don't let him ruin your life.
I think I understand now.
Ginagamit lang ako ni Jayron at Jam para sa isang bagay.
Pero ano 'yon?
Bumaba ako sa kwarto para puntahan si Jis.
"Hey," Jis said.
"Tawagan mo si Jam,"
"Huh? what happened?"
"TAWAGAN. MO. SI. JAM,"
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...