Tatlong araw pagkatapos ng aminan namin ni Jam narinig ni Jis ang mga pag-uusap namin. Naging malamig siya sa'kin.
Dapat ba akong magsorry?
Hanggang ngayon nandito parin ako sa bahay niya natutulog pero binabalak ko rin na umalis dahil sa pakikitungo niya.
"Ready ka na ba?" Jam asked me.
"Oo, pwede mo rin akong iwan pag dating natin sa funeral," sagot ko.
"Sakay ka na,"
Hindi niya ko pinagbuksan ng pintuan ng kotse niya.
Napakegentleman mo naman Jam.
"Sure ka bang may maghahatid sa'yo mamaya?"
"Oo naman don't worry about me,"
"Dadalaw na lang ako sa bahay ni Jis ulit. May mga importante pa akong dapat ayusin,"
I nodded.
Hindi alam ni Jam ang plano ko. Hindi niya alam na binabalak ko rin umalis at iwan si Jis.
Tahimik kaming nagbyahe. Wala kahit isa sa'min ang gustong magsalita.
"Condolence Matilda,"
Ngumiti ako ng pilit sa kanya bago bumbaba sa sasakyan.
"Take care,"
Isinarado niya na ang bintana ng sasakyan niya at pinaandar ito. Nawala na rin sa paningin ko ang kotse ni Jam.
Humarap ako sa funeral ng papa ko. May mga journalist na gustong humingi ng pahayag ko pero buti na lang nandon si Denver para tulungan ako.
"Everything will be alright," bulong niya sa'kin.
Na-miss ko ang mga kaibigan ko. Sa kanilang lahat si Godrick lang ang pinaghihinalaan ko. Matapos niya sabihin na mahal niya ko wala na kong narinig galing sa kanya.
"Omg girl! I thought Isbyl kidnapped you na eh! Like super tagal mo nawala,"
Reeve hugs me.
"Mat, here's your phone. Nakita ko ito sa may school comfort room. Nakita ko ang wallpaper kaya alam ko na sa'yo talaga 'to," bungad naman ni Acel.
Nagpasalamat ako sa kanya dahil sa pagbalik sa'kin ng cellphone ko. Masyado akong maraming iniisip kaya maraming bagay ang hindi ko nagawa.
"Condolence," ani ni Acel bago umupo sa isang couch.
"Tell me more. What happened? Are you okay ba? I'm worried. Pumunta ako sa inyo pero si Godrick lang ang naabutan ko. Sabi niya sumama ka kay Isbyl. What's with him ba? don't tell me you lik-"
"May doubt ako na baka siya ang pumatay kay Papa," malamig kong sinabi.
"Wait what? Are you serious?"
"Evidences,"
Pinakita ko sa kanya ang id ni Jis. Kinuwento ko rin ang pinag-usapan namin ni Godrick.
"Hey, mamaya na kayo mag-usap kumpleto na naman tayo," singit ni Denver na nasa kaliwa si Godrick.
He smiled at me.
Tumingin ako sa inang direksyon upang magpanggap na hindi ko nakita ang ginawa niya.
Si Reeve umayos ng funeral ni Papa. Alam nila na masyado akong nasaktan sa pagkawala ni Papa kaya't di ko na maaayos abg mga ganitong bagay.
Nakipag-usap din ako sa mga taong pumunta rito. Karamihan sa nandito ay mga may papel sa bayan. Ilan sa kanila ang mayor, chairman, barangay official at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...