Dalawang araw na makalipas unti-unti na 'rin na nagiging maayos ang sarili ko.
Hanggang ngayon nasa isip ko parin kung bakit ipinagbabawal niya na pumasok ako sa kwarto na 'yon.
Sa kanya ba 'yon?
Mukhang kwarto ng isang batang lalaki at may picture frame pa.
"Sakay na," tugon sa'kin ni Jam.
Hindi papasok si Jis sa Delt University dahil may kikitain siya. Ihahatid ako ni Jam sa bahay namin para kunin din ang sasakyan ko dahil ayoko rin na umasa na lagi niya akong ihahatid.
For the second time around, sobrang gentleman ng lalaking 'to.
"Sakay na Matilda mahuhuli ako sa klase,"
Ma-flat sana gulong mo.
Inirapan ko siya bago sumakay sa sasakyan. Sinuot ko rin ang seatbelt para kung sakaling bilisan niya ang pagdrive safe parin ako.
"Nga pala,"
Napatingin sakin si Jam dahil sa sinabi ko.
"First time ka lang nagsalita habang bumabyahe last time kase halata sa mukha mo ang problemado talaga,"
"Tell me more about Jayron Isbyl Polacio,"
"Si Jis siya nagsabi na tawagin ko siyang Jis yun daw kase ang tawag sa kanya nung babaeng mahal niya,"
Ouch.
May mahal pala si Jis?
"Kaso matagal na 'yon ang alam ko kase childhood friend niya ang mahal niya hindi ko lang alam kung sino at anong pangalan niya,"
Kapal ng mukha Jam asarin na bagay kami ni Jis tapos may mahal palang iba!
"Until now.. he's still into her,"
Medyo masakit na haha.
Ngumiti lang ako ng pilit para maging senyales na ituloy niya ang kwento niya.
"Namatay ang mga magulang ni Jis nung bata pa lang siya gaya ulit kanina hindi niya rin sinabi kung bakit,"
"Sa tingin mo alam nung mahal niya ang tungkol sa mga bahay na hindi niya sinasabi sa'tin?" Diniinan ko talaga ang salitang mahal niya.
"Possible,"
"Tuloy mo kwento mo,"
"He's chasing the culprits hindi lang pagpatay sa magulang niya pati na rin yung sumira ng buhay ng babaeng mahal niya hanggang ngayon hindi parin siya natigil sa paghahanap ng hustisya para sa kanila,"
Woah.
Ang swerte niya.
"Last time na nakita ko na umiyak si Jis ay yung may nangyaring masama raw sa childhood friend niya that was 2 years ago,"
Until now siya parin ang mahal.
"Minsan nga naiisip ko tama kayang hinayaan ko ma may pulis si Jis? baka kase mas nilalapit ko lang siya sa ikakapahamak niya,"
Nakikinig parin ako kay Jam.
"Matapos mangyari ang incident nawalan kami ng mahal sa buhay ayun din siguro ang dahilan kung bakit malapit parin kami ni Jis sa isa't-isa,"
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...