Jayron Isbyl Polacio's POV:
Matapos ko marinig ang mga nangyari at ilang video ang nakita ko rin sa social media hinatak ko si Jam para magpahatid sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa
Siguro nga sobrang miss at mahal kita.
Mula sa byahe tanging malalalim na paghinga lang ang nagagawa ko.
Paulit-ulit parin akong nananalangin na sana kung hindi man ako ang makapagligtas sayo..
Sana..
Iligtas ka niya.
"Malapit na ba tayo?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Oo. Magiging ayos din ang lahat," ngumit sa'kin si Jam bago binalik ang sarili sa pagmamaneho.
Reeve Soberana's POV:
Iniwan ko ang mga kasama ko para magpahangin. Nag-uunahan bumuhos ang mga luha ko at nanghihina na rin ang tuhod ko.
Masakit sa'kin na makita mong miserable ang kalagayan ng kaibigan mo.
Masakit na makitang nahihirapan siya.
Masakit na makitang nasa ganyan siyang sitwasyon.
Bakit pa ikaw?
Nagtungo akong parking lot dahil sa sasakyan ko gustong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam na biglang may paparating pala na sasakyan nung tumawid ako.
Napapikit ako sa nangyari.
Ilang minuto ang nagtagal.
Wala akong naramdaman na kahit anong masakit.
Minulat ko ang mga mata ko't napaupo na rin.
"That was close," bumaba ang nagmamaneho nito.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Jam Morales?
Sa kabilang pintuan nito bumaba rin ang isang pamilyar na tao.
Isbyl Polacio?
Teka, bakit sila nandito?
Anong ginagawa nila?
Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Naghalo ang inis at galit ko kay Isbyl kaya't bigla ko siyang sinampal.
Sinampal ko siya ng paulit-ulit.
Ang sakit!
Sobrang sakit!
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa dibdib niya. Sa puntong ito pinalayo ako ni Jam kay Isbyl.
Wala na akong sinayang na oras.
At wala na ring sasayangin pa.
"Sasabihin ko kay Matilda ang lahat ng nalalaman ko! Wala kang magagawa ron," sigaw ko na halos magcrack na ang boses dahil sa pag-iyak.
"Pumasok ka kung makapal ang mukha mo at kaya mo harapin ang mga tao sa kwarto kung nasaan siya," Pagpatuloy ko at ibinigay kay Isbyl ang room number ni Matilda.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...