Chapter 10

7 6 0
                                    

Hinatid nila ako sa room kung nasaan ang klase ko. Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng dibdib ko sa ginawang halik ni Jis pero paano niyang nagagawa na umakto na normal na parang walang nangyari?

Alam din ni Jam at nakita niya ang ginawa ni Jis pero hindi siya kumilos, nakita niya rin na hinalikan ko si Jis pero wala siyang ginawa.

Normal ba sila o manhid lang talaga?

8:26 AM na at ilang minuto na lang dadating na ang prof namin.

"Nandyan si Denver mga sis," tugon ni chismosa no. 1.

"Hindi ba si Matilda yung nas likod. check niyo nga baka mali ako," sagot naman ni chismosa no. 2.

"Classmate natin siya? Yes si Matilda nga so palagi natin makikita si Fafa Denver?" sabat ni chismosa no. 3.

"Hello," tugon ni Denver sa harap ng klase namin.

"Matilda usap tayo," pagpapatuloy niya with-his-nanlalambing-na-boses.

What the f*ck?

Kairita!

Tinignan ko lang siya habang umupo sa tabi ko.

"Bakit wala ka kanina? Saan ka nagpunta? Sino kasama mo? May nangyari ba? Di mo sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala kami sa'yo lalo na si Godrick," halata sa tono nito ang pag-aalala.

"Okay lang ako, don't worry about me. Pupunta na lang ako mamaya sa roofto-"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil may tumawag sa pangalan ni Denver.

"Mr. Dela Cruz maari ka ng makapunta sa klase mo,"

Wala siyang naging ibang sagot dahil sa sinabi ni prof namin.

"Mamaya na lang Matilda," nilingon niya ko bago umalis.

Wala siyang nakuhang sagot. Tanging pagtango na lang ang nagawa ko.

Mabilis na natapos ang klase namin.

"Sakto 12:40 na tara na lumabas," saad ni Chismosa no. 1.

Napatingin ako sa harap ng pintuan dahil ang grupo ng mga chismosa ay tumigil sa pagsasalita at napako sa kinakalagyan niya.

Napansin ko ang nakasandal na lalaki sa tabi ng pintuan namin. Mula rito sa direksyon ko kitang-kita ang mga mahahaba niyang pilik-mata. Mayroon siyang matangos na ilong at manipis na labi. Matangkad at moreno, sa ganda ng hubog ng katawan niy-

Napatigil ako sa pagdescribe nang nakita ko na nakatitig ng tingin sakin si Jis!

Oo, tama kayo, Si Jis nga siya!

He walk towards me.

Parang may butterfly sa tyan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at paulit-ulit naaalala ng utak ko ang nangyari kanina.

"Hindi ka ba tatayo? Bubuhatin pa ba kita Ms. Natividad?" bungad na sinabi niya.

"Why are you here ba? Wala tayong pinag-usapan na magkikita ta-" pinutol niya ang pagsasalita ko.

Kumukulo na ang dugo ko sa kanya!

Nakakabwisit ka! Swear to god.

"Pansin ko na di mo hawak ang cellphone mo. Hindi mo siguro nakitang nagtext si Jam sayo,"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Nawawala nga ang cellphone ko. Tama siya! Saan ko nailagay 'yon?

"Looks who's here," Tugon ni Godrick sa may pwesto namin.

Nasa likod niya si Acel, Reeve at Denver.

"Kelan mo pa nakilala ang lalaking 'to?" Tanong ni Godrick ngunit sakin siya nakatingin na parang wala sa paningin niya si Jis.

Hindi gumagawa ng kahit anong kilos si Jis, napansin ko rin na nakatingin lang siya kay Godrick.

"So sasama ka ba sakin o hin-" Nasa akin ang mga mata ni Jis nang tanungin niya ko ngunit pinutol ni Godrick ang sinabi niya.

"No. Hindi siya sasama,"

Nagharap na silang dalawa parang may laser-beam na nilalabas ang mga mata nila.

Magkagalit ba sila?

"I'm talking to Matilda. Kelan pa naging Matilda ang pangalan mo? Hindi ako na-update na nagbago na pala. Pasensya na Godrick," Diniinan ni Jis ang pangalan ng kausap niya.

"She's my friend. May importante kaming pag-uusapa-"

Pinutol naman ni Jis ang pagsagot ni Godrick.

"Still you're not Matilda,"

Tumingin sakin si Jis na parang sinasabi niya na sa kanya ako sumama.

"So are you going with me o pakita ko picture ng paghahalik-"

"I'm sorry Rick. This is urgent, may pag-uusapan kaming mas importante,"

Mabilis ko na hinatak ang braso ni Jis para ilabas siya sa room namin.

Okay Matilda nice. Nasa'kin na naman ang attention ng lahat.

Attention seeker na ba ko 'non?

"That was close. Akala ko masasapak ko na naman siya," Jis said.

"So do you know him? The real him,"

"You called him Rick. I'm sure you know him too. Saka sino ba naman ang hindi makakakilala sa walang-kwenta na lalaki na 'yon?"

Magkaaway ba sila?

What the hell just happened?

London bridge is falling down

Anong tunog 'yon?

Sumasakit na ang ulo ko.

Para akong nawawalan ng balanse.

Falling down, falling down

Stop please! Stop!

Gusto ko man na patigilin ang kanta pero hindi ko magawa. Hindi ko maibuka ang bibig ko.

Nawala na ang lalaki na dumaan.

Mabilis ako na nahawakan ni Jis upang hindi matumba.

"That was close. Are you okay?"

Tumayo ako upang makapag-usap kami ng maayos.

"What the hell just happened?" Parehas naming tanong.

Tinitigan lang ako ni Jis na parang nawiwirduhan sa kinikilos ko.

Ano ba ang nangyayari sakin?

Ikinulong ako niya ako sa sarili niya. Mas hinigpitan pa niya ang yakap.

"Hope this hug makes you comfortable. I know there's a lot of question in your mind but please trust me. I'll do my best.. just trust me,"

Ayon ang mga huling salita na narinig ko kay Jis. Sa yakap na ginawa niya para niya akong kinakalma. Para akong bata na iniwan na mama sa kinikilos ko.

I feel safe lalo na pag kasama ko si Jis.

"Jayron Isbyl Polacio please don't leave me," mangiyak-ngiyak ko na sinabi habang hindi parin kumakawala sa yakap niya.

That's Why She's Matilda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon