Day one
Nagising ako sa bango ng amoy na niluluto sa loob ng bahay na 'to.
Malaki ang bahay nila Jis. Siya na lang mag-isa dahil ang mga magulang niya ay patay na, hindi niya sinabi kung ano ang dahilan. Binigyan niya ko ng isang kwarto. Guest room ata 'to.
Dalawang kwarto ang pinagbabawal sa'kin pumasok ni Jis. Ang nasa kabila ng kwarto na 'to at yung isa nasa tabi naman ng kwarto niya.
Mayroon silang 6 na kwarto at dito rin natulog si Jam. Malaki ang kitchen nila, may garden at kulay brown ang theme ng bahay nila-ay mali, mansion pala.
Hawak ko parin ang id na binigay sa'kin ni Godrick. Naniniwala na ko sa sinasabi nila at ni Reeve. Naaalala ko na may tinawagan si Jis kagabi at sinabi niya na nandito ang anak ng Governor. Sinabi niya rin sa kausap niya na patay na ang papa ko.
Ang plano ko ay makuha ang phone niya at tignan kung sino ang kausap niya.
****
"Mat breakfast is ready labas ka na r'yan,"
"What the hell is wrong with you. don't call me Mat,"
Binuksan ko ang pintuan at humarap sa kanya.
"Mat,"
"Enough!"
"Mat.."
"I said enough,"
Umalis ako kung nasaan siya at bumaba kung nasaan ang kitchen nila. Nandon si Jam, napansin ko na may binabasa siyang article.
"Akala ko hindi maii-public ang nangyari, but look Matilda. Just wow,"
Pinakita niya ang headline sa binabasa niya sa tablet.
Isa lang ang alam ko na gagawa nito.
It's you Jis!
Swear to god, maghihiganti ako!
"Breakfast muna tayo mamaya na yang chismisan niyo,"
Parehas kaming tumayo ni Jam at pumunta sa dining table dahil sa sinabi ni Jis.
"Mabulunan ka sana ay este maparami sana kayo kumain,"
"Parang halata na sinadya Matilda ha, may galit ka ba kay Jis?"
Siniko naman ni Jis si Jam dahil dito.
"Oo na oo na titigil na nga pero ang cute niyo kase. Bakit hindi na lang maging kayo?"
Napaubo ako sa sinabi niya.
"Ha?!"
Parehas na reaksyon namin dahil sa sinabi ni Jam.
"Kung gaya lang naman ng isang masungit at maldita na babae ang magiging girlfriend ko, mas gusto ko pang mamatay ng single," diretsong sagot ni Jis.
Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to.
Ang sarap niyang tuhugin ng tinidor dahil sa mga sinasabi niya.
"As if gusto ko na maging boyfriend ka. Tatalon na lang ako sa building mas okay pa 'yon kaysa naman makasama ka," sagot ko naman bago sumubo ng kapiraso ng hotcake.
"Pero pintulog mo ko sa kwart-"
Pinutol ko ang sinabi ni Jis dahil sinubo ko sa bibig niya ang isa pang piraso ng hotcake na dapat sana ay kakainin ko.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...