Chapter 5

7 6 0
                                    

Matilda Natividad's Pov

Pagpasok palang namin sa cafeteria may isang misteryosong lalaki na akong nakita. Tinapunan din ito ng tingin ni Reeve kaya't nagsimula na gumalaw ang mga paa ko.

Malakas ang kutob ko na may alam ito tungkol kay Aia o sa fraternity nila. Nasa'kin pa ang resignation form ni Aia kaya naman lumakad ako papunta sa lalaki at inayos ko ang damit ko para ilabas ng kaunti ang form na nasa blouse ko.

Kung isa siya sa member ng fraternity nila mukhang magiging interesado lumapit at makipag-usap sa'kin ang lalaking ito.

Tama ba ang ginawa ko?

Hindi ba ko mahahalata rito?

Kahit may pagdududa ay itinuloy ko ang plano ko. Wala namang mali sa lalaking ito, tinanggal niya pa ang mask na suot niya para makausap ako. Aalis na sana ako pero may napansin ako sa may bandang pulso niya.

Nakaisip ako ng plano.

Kailangan ko pa makalapit sa kanya.

Kailangan..

"So? I'm looking forward para sa pagkikita natin sa mga susunod na araw dito sa University," saad ko pagkatapos ay ngumiti.

"Me too," sagot naman ng lalaki.

Nagpakilala kami sa isa't-isa pero sabi niya matagal niya na akong kilala at marami rin ang nakakakilala sa'kin. He's Sterben wala akong idea sa kanya dahil tanging pangalan lang ang ginamit niya at hindi niya sinabi ang surname niya.

Dapat pa kaming magkita nito.

"Here's my number," tugon ko matapos ibigay sa kanya ang cellphone ko sinigurado ko rin na sexy ang wallpaper ng cellphone ko. Gaya ng ginawa ko ibinigay niya rin sa'kin ang number niya dahilan para mapansin ko ang isang tattoo sa may pulso niya. Sigurado ako sa nakita ko.

Isa itong senyales na kasali siya sa isang fraternity.

Tinapos ko na ang pakikipag-usap sa kanya, mayroon na rin akong isang nakalap na impormasyon.

Kung isa siya sa miyembro kasama si Aia dapat lang na mahuli ko sila.

Alam kong hindi para sa'kin ang ganitong pangyayari.

Pero may kung ano sa loob ko na dapat gawin ko ito.

Na dapat kumilos ako.

Bumalik na ako sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko.

"Hindi ko alam.. si Matilda lang ang inaalala ko," saad ni Denver.

"Why me?" Napakunot kong tanong.

Pinag-uusapan ba nila ako?

Nakita ko ang gulat ng mukha nila sa pagsabat ko sa usapan.

Mas pinili ko na lang na ibahin ang usapan kaysa pilitin na magtanong tungkol sa sinabi ni Denver.

Sinabi ko nang may nakalap ako na impormasyon.

"Ano?" Sabay-sabay na tanong nila.

"Tattoo," ilang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko sinabi.

Hindi pa masyadong malinaw ang tattoo na nakita ko pero alam ko na tattoo 'yon.

Kung magpapares ang tattoo na nakita ni Acel kay Aia at tattoo na nakita ko kay Sterben ibig sabihin totoong nasa iisang grupo sila.

That's Why She's Matilda Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon