Umupo ako kung saan malapit si Jis. Sigurado ako na hindi niya 'ko nakita.
"Tell me more about her," ayon ang rinig ko na sinabi ng matandang babae.
Nasa pinaka-dulo sila ng coffeeshop at nasa likuran naman ako nung matandang babae na kausap niya.
Jayron Isbyl Polacio's POV:
"Tell me more about her,"
"Matilda is ki-,"
Ring~ Ring~ Ring~
"Where are you Jis? Akala ko ibibigay mo sa'kin ang papel?"
"5 mins, sa may school library may kinakausap pa ako,"
"This is urgent Mr. Polacio pag hindi mo binigay 'yan di mo makukuha ang impormasyon na gusto mo,"
"Papunta na ko,"
Humarap ako sa kausap ko.
"Mrs. Falke pasensya na pero kailangan ko na po umalis,"
"Alam ko naman Hijo na marami kang ginagawa. Salamat sana makasama ko siya,"
"Susubukan ko po na sabihan ka Mrs. Falke,"
Matapos ang pagpapaalam ko sa kanya kinuha ko ang sasakyan ko para pumunta na ng Delt University.
Kilala ko kung kaninong sasakyan 'to.
Nandito kaya si Matilda?
Nalaman niya kaya ang ginagawa ko?
Nagdadalawang isip ako dahil baka kagaya lang ng sasakyan niya. Sumakay na ko at pinaandar 'to.
Napansin ko rin na sumusunod sa'kin ang kotse na nakita ko kanina.
Alam niya na kaya?
Nag-isip ako ng plano.
Inikot ko ang sasakyan at pumunta sa pinakamalapit na mall na nandito. Nakita ko rin ang ginawa niyang pag-ikot.
Siya lang ang nakita kong nasunod na halatang-halata.
O baka naman sinasadya niya lang na magpakita?
Pinark ko angsasakyan ko sa parking lot ng Ayala Mall. Pumasok ako sa isang comfort room at naghanap ng isang taxi.
May app ngayon sa kasalukuyan na pwedeng makakuha ng pinakamalapit na taxi basta't may app ka lang nito.
Mas pinadali at hindi mahirap gamitin.
"What a lucky day," bulong ko sa sarili ko.
Limang minuto at dadaaan na rito ang sasakyan. Lumabas ako ng comfort room at pumunta sa ibang direksyon.
Matilda Natividad's POV:
"Nakakainis! Bakit ba siya umikot?" ani ko.
Sinundan ko ang sasakyan niya. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to dahil ngayon 'ko lang 'to nakita.
"Ayala Mall?" tinignan ko ang ang kabuoan ng mall at nagpark ng sasakyan.
Napansin ko na nakapark lang ang sasakyan ni Jis at hindi siya lumalabas.
"Bakit ang tagal niya? Ano ba ang ginagawa niya sa loob?!"
Naiirita na 'ko sa ginagawa niya. Dapat lumabas na siya ngayon o kaya'y paandarin na ang sasakyan niya.
Nasaan ka ba?
Halos sampung minuto na rin akong nag-iintay dito. Napagdesisyunan 'ko nang lumabas para tignan kung bakit hindi parin siya naalis.
BINABASA MO ANG
That's Why She's Matilda
Teen Fiction"Ayoko sa lahat ang pinagmumukha akong tanga, kahit lumuhod ka pa sa harap ko at lakarin ang bawat sulok ng mundo, tanggapin mo nang hindi ako babalik sayo" Paano kung dahil sa isang masamang pangyayari kayo nagkita? Paano kung pilit siyang inilala...